Jernegal's POV
Ang tagal naman ni Yohann magbihis. Pagkaraan ng ilang minute, lumabas na siya at tiningnan niya ako ng matagal. Ano'ng meron?
"Yohann, may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko. Napatingin siya sa akin.
"Huh? Wala naman," umiwas siya ng tingin. Tumingin ako sa salamin para masigurado na wala nga akong dumi sa mukha. Wala naman. Ba't ako tinitingnan ni Yohann nang ganun? Sabay kaming lumabas ng room at pumasok na din sa classroom. Pagkapasok namin tahimik ang classroom. Umupo na kami ni Yohann sa upuan namin. Maya-maya pumasok si Cathy. Umupo siya sa tabi ko.
"Ba't ang tahimik?" tanong niya.
"Baka dun sa nangyari kay Kyle," naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. Nakakalungkot naman kasi 'yung nangyari eh. Sino ba kasi 'yung pumatay sa kay Kyle? Ang bait-bait ni Kyle eh.
Christine's POV
Sabay kaming pumasok ni Anna sa classroom. Ang tahimik naman. Umupo na kami ni Anna sa upuan namin. Umupo ako sa likod, doon kasi ako nakaupo. Maya-maya dumating si Zach. Umupo siya sa tabi ko.
"Ba't ang tahimik?" tanong niya. I shrugged.
"'Di kaya dahil sa nangyari kay Kyle?" I sighed.
"Baka nga," Sino ba kasi ang pumatay kay Kyle? Grabe naman kasi 'yung nangyari kay Kyle. Maya-maya dumating na 'yung iba naming kaklase at dumating na din si Prof. Inayos niya ang gamit niya sa lamesa. Umayos siya ng tayoat humarap sa amin.
"I'm sorry for what happened to Kyle," he said. Naging tahimik ulit ang classroom.
"Okay, class, we have a new lesson for today," Ugh. Anubayan. Lesson na naman. Math pa naman, Humalumbaba ako sa upuan ko. Nakikinig naman ako kahit papaano. 'Di porket ayaw ko ng Math eh dapat pabayaan ko na lang ang grades ko dito. No way highway. Sa wakas, nagring na ang bell. Lumabas na ako sa classroom para pumunta sa cafeteria.
3rd Person POV
Pumasok na 'yung hinihintay nila.
"Ba't ang tagal mo?" tanong ng isa.
"Sorry," sabi niya tapos umupo na sa upuan niya. Nasa loob sila sa isa mga hidden rooms dito sa Hillard University.
"So..ba't kayo nagpatawag ng meeting?" tanong ng isa.
"Ba't niyo pinatay si Kyle? 'Di naman siya 'yung unang papatayin natin," sabi ng isa.
"She was getting in the way," sabi ng isa. Napatingin lahat sa kanya. They all nodded.
"Successful naman ang pagpatay namin," they smiled. They don't want things getting in their way.
"So..shall we celebrate?" nag-agree naman 'yung iba.
"Yes, we should. But we should celebrate, not here, and not today," they all nodded in agreement. Baka may maging suspicious sa iba nilang kaklase.
"Again, back to the topic, ba't kayo nagpatawag ng meeting?" tanong ng pinakatahimik sa kanila. 'Tila naiinip na ito dahil kanina pa sila dumadaldal.
"Sino na ang susunod na papatayin natin?" nag-isip sila. Linabas niya ang mga pictures ng mga kaklase nila. Pinakita niya ang isang picture ng kaklase nila.
"Wag 'yan. I think masyado pang maaga," sabi ng isa. Napaisip sila. They all nodded in agreement.
"How about this?" pinakita niya ang isa pang picture ng kaklase nila. Napakuyon ng kamao ang isa sa kanila.
"Ni-reject ako niyan," nagkatinginan 'yung iba. Napaisip sila.
"Gusto mo ba siya patayin?" napatingin sa kanya 'yung isa. Ngumiti siya.
"Yes,"
"So, siya na?"
"Yes," sagot ng iba. Nilagay niya na ulit sa box 'yung mga litrato ng mga kaklase. Iniwan niya sa lamesa 'yung litrato ng kaklase nila na sunod nilang papatayin.
"Paano natin siya papatayin?" napatingin ang lahat sa isang tao.
"Leave it to me. Kayo na ang bahala kung paano niyo siya idi-distract," he smirked.
"Easy,"
"Balita ko, palaban 'yun," sabi nung isa.
"Kami na bahala," they all smirked.
"Mag-send ka sa kanya ng note na siya na 'yung susunod," nag-nod siya at kumuha ng notepad at nagsulat na doon.
"So everything's settled?" tanong ng isa. Nagkatinginan silang lahat. They all smiled.
"Yes," sagot ng lahat. Tiningan nila 'yung litrato na nasa lamesa. Pare-pareho ang iniisip nila.
Ikaw na ang susunod...
BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Mystery / ThrillerA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...
![Unknown Society [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/97846939-64-k124482.jpg)