Part 3

14K 265 6
                                    

Pagpasok namin sa hotel limang palapag lang pero duh ang laki na kaya nun. Sumakay kami sa elevator at huminto sa 5th floor. Paglabas sa elevator sinusundan ko lang sya hanggang sa makarating sa number 147 room.

"Dito ka muna magpahinga padadalhan nalang kita ng makakain ha?" sabi nya

"Sige pero Seb bakit mo ako dinala dito?"

"Ohhh mamaya na natin yan pag usapan. As of now,take a nap or pwede ka mag ikot ikot dito basta text moko kapag nawala ka ah?"

"Grabe mawala talaga? Pero sabagay sige Seb thank you. Pag uusapan natin to mamaya ah?"

Tumango sya at nagpaalam na aalis muna ako. May aasikasuhin daw at ibinigay naman nya sakin yung card para mabuksan ang pinto nito. Ano naman kaya yung aasikasuhin nya? Well none of my business baka masabihan pa akong pakealamera pfffft.

Inislide ko na ang card at bumukas naman agad ito. Aba sosyal talaga ah? Sa totoo lang perst taym ko pumasok ng kwarto ng hotel. Yup oo eh kasi naman yaya lang po ako ni Kaizer.

Pumasok na agad ako at tinulak ang door para ma lock ulit. Ang galing galing ngiting ngiti pa ako. Hahahaha sorry naman eh sa namangha lang ako. May nakita akong kama kaya tumakbo ako at binagsak ang katawan don.

"Ang lambot lambot" I giggle. "Paano kaya kung mayaman din ako? Paano kung lumaki ako sa mayamang pamilya?"

Napangiti ako sa naiisip ko pero thankful ako kasi kahit na mahirap kami lumaki akong may takot sa Diyos. Umupo ako at nilibot yung paningin. Hala may computer. Dali dali akong tumayo at umupo sa harap ng computer.

In-on ko at nag hintay ng sandali. Ayan ayos na. Hinanap ko ang Mozilla Firefox omgggg parang nag heart heart yung mata ko hahahaha. Makakanuod ako ng K Drama omooooo 😍😍 Well sa totoo lang kpoper ako and BTS is my husbands oooppsss bwahahaha.

Sinearch ko ang Dramatv.com mas lalo akong na excite kasi nga mabilis yung connection ughh hahahaha di ako mabobored nito. Nang mag load na sya sinearch ko ang Hwarang omooo Ep. 4 pa ako nito eh kasi naman po may wifi naman dun sa kwarto namin ni manang kaso walang time kasi nga diba madaming gagawin tapos pag dating ng gabi nakakapagod kaya nakakatulog nalang agad ako.

Nag start na akong manuod ng Hwarang ng may nag text. Inopen ko at tumambad yung text ni Sungit.

From: Mr. Sungit

"Where are you?"

Ha? Kala ko ba pinagpaalam ako ni Seb? Nag reply naman agad ako pero bago mag reply pinaused ko muna pinapanuod ko. Ayokong mag skip no susulitin ko na to hahahaha.

"Andito sa resort nila Seb,bakit?"

"Anong oras ka uuwi?"

Namimiss nya ba ako? Ayieee hahaha assumera ka ding yaya eh no?

"Hindi ko alam ni Seb. Tatanungin ko sya mamaya,bakit nga?"

"May ipapabili lang sana ako bago ka umuwi dito"

"Oh ano yun?"

Nag hintay ako ng ilang minutes pero di padin nag rereply. Bastusan na naman ba? Bahala nga sya dyan. Nanuod nalang ako at kinikilig na natatawa lalo na sa asawa kong si V ang cute nya. Para akong baliw sa kakatawa ng---

*tok tok tok*

Pinaused ko ang video at pumuntang pinto. In-slide ko na naman yung card para malaman kung sino. Si Seb.

"Oh Seb ok na ba?" Tanong ko at may dala dala syang tray. Tumango sya at pumasok sa kwarto. Tinulak ko naman agad ang pinto. Nilagay ni seb ang pagkain sa mesa.

"Sorry kung nangi alam ako.Gust---"

"Its ok Thea kain kana muna bago natin pag usapan"

Tumango ako at umupo ulit para kumain.

"Tapos kana ba kumain?"

"Oo kakatapos lang. Di na kita sinabayan kasi nag pumilit si ate na kumain kami"

"Ok lang yun ano kaba"

Pinlay ko ang video at nanuod naman sya. Dami nyang tanong ganun ganyan hahaha. Kpoper din daw ang ate nya. Di nga halata eh. Ang daldal nya hanggang sa matapos na ako sa kinakain ko. Umupo ako sa tabi nya sa kama.

"So ano nga yun?"

"Hmm may sasabi---"

"Omg wag Seb. Bata pa ako marami pa akong pangarap sa buhay,mahal na mahal ko ang pamilya ko. Tinataguyod ko sila kahit na wala na si Papa kahit na may sakit si mama at si Lola nag aalaga kay mama ngayon please lang ayoko muna sa mga ganyan kasi mas priority ko ang magulang ko,mga mahal ko sa buhay"

Tumayo ako at pumikit.

"Im sorry"

Minulat ko ang mata ko at tumitig kay Seb na ganun din na tumititig sya sakin. Blank expression? Maya maya ngumiti sya. Tumaas lahat ng balahibo ko. A sweet smile but nakaka tunaw at nakakapanindig balahibo.

"Cute" sabi nya at tumawa. Aba loko to ah.

"Yun lang ba--"

Hinila nya ako paupo sa tabi nya at ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. This can't be ha--

"Thea maganda ka,matalino,mabait etc. Pero bakit sayo ko pa naramdaman ang bagay na ito?"

Nakatitig lang ako sa kanya. I bite my lower lips. Kapag kinakabahan ako madalas ko gawin ito. Hinawakan nya ang mga kamay ko pero hindi to tama. Kanina lang kami mag kakilala and ni di ko pa nga sya nakikilala ng lubusan kasi nga KANINA PALANG KAMI MAG KAKILALA. Tumayo na ako at binawi ang kamay ko.

"I'm sorry"

Aalis na sana ako habang hawak hawak ang card para mabuksan ang pinto ng marinig ko ang isang pangalang kahit kailan man hinding hindi ko makakalimutan at yun ang nag pahinto ng mundo ko.

Ang tagal ko ng di naririnig yan simula nung u-umalis si Jiro Montizeno. My childhood friend. Ilang years na ang nakalipas simula nong umalis sila ng mama nya. Sariwa padin sa alaala ko ang pag alis nila mag ina pero nawawala na ang imahe ng mukha ni Jiro sa alaala ko. Its been 17 years ng di kami nag kikita at habang binabalikan ko yun ang sakit padin. Nag lalaro kami ng tagu taguan,kasal kasalan,papa at mama. Yung di ko talaga makakalimutan yung sinabi nya na 'Kung mawawala man ako trust me hahanapin kita'

"Sinabi ko naman sayo na kapag nawala ako hahanapin kita diba? Kasi nga TheRo love team tayo"

Dahan dahan akong humarap sa kanya. Naluluha ako na di ko alam ang gagawin kong iiyak ba ako ng malakas o tatalon sa tuwa. Mix emotion. Lumapit sya sakin at niyakap nya ako ng sobrang higpit. Hindi ko sya nakilala pero naging familiar sya sakin. Pero paano? Paano sya naging Sebastian Navarro?

----

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon