Part 16

10.5K 178 1
                                    

"Kaizer!" Ang tagal naman lumabas nun kanina pa ako sigaw ng sigaw dito. Ano kayang ginagawa nun. Iniwan ko muna ang pagkain sa mesa para tawagin si sungit. Pumunta ako sa iisang kwarto,YES IISA LANG ANG KWARTO DITO SA CONDO NYA. Sya lang naman kasi mag isa dito sa condo nya malamang pansariling kwarto nya lang ang andito. Hindi nga ako makapaniwala na ang laki ng condo nya iisang kwarto lang talaga.

"Kaizer?" kumatok ako sa pinto ng kwarto nya walang sumasagot. Pinihit ko yung doorknob pero hindi naman nakalock kaya sumilip ako. Walang tao medyo magulo sa kwarto nya. Imulit ko pang tinawag ang pangalan nya pero wala talagang sumasagot. Pumasok na ako kasi parang wala naman sya dito atleast magala ko pa yung kwarto nya oha oha di ko naman nanakawin brief nya no as if hahaha bad ko.

Sinarado ko ang pinto ng mahina pumunta ako sa bed at umupo. Ang lambot lambot naman dito. Tumayo ako sa bed at lumundag lundag tapos mahihiga. Hanggang sa mapagod ako,may nakita akong reading glass sa computer table nya at isa pa sa flat screen tv nya. Andami nyang reading glass,may sira ba mata nya?

Napansin ko din ang litratong naka lagay sa computer table nya. Isang babae at isang lalaki. Maganda sya,maputi,pang mayaman yung attire and nakita ko si Kaizer na nakabusangot sa picture. Yes,silang dalawa ang nasa picture. Ang sweet nga nila eh lumakas naman ang tibok ng puso ko. Naaabno na naman ata puso ko. Hahawakan ko na sana nang.

"What are you doing here?" napapitlag ako at napaharap sa kanya.

"Aaaaaaahhhhhhhh!!!" tinakpan ko ang mga mata ko. OMG! OMG! Yung pandesal nakita ko!

"Tss im not naked so, its ok for me"

"Kung ok sayo,sakin hindi!" Tumalikod ako sa kanya at huminga ng napakabigat pa sa problema. Problema nga to. Naka topless sya gosh yung pandesal ummm yummy omg busog na ako este ano bang pinag iiisip ko.

"Ayos na"

Humarap ako sa kanya at nakita kong may pambaba na sya pero walang pantaas. Ayos na yun kesa pagnasahan ko sya.

"Again what are you doing here?"

"T-tinatawag kita k-kanina para kumain kaso di k-ka sumasagot so p-pumasok ako dito" bat ba ako nauutal porke nakita ko lang pandesal nya?

"Let's go" Pagkatapos nyang sabihin yun hinila nalang nya ang braso ko at lumabas na ng kwarto.

Kumakain kaming di nag kaka imikan. Napaka awkward kase then nakita ko pa syang naka topless kanina. Nawalan tuloy ako ng gana ngayon kasi busog na busog na ako sa pandesal na nakita ko kanina.

"Nga pala sung-- kaizer ilang days tayo dito?"

"Days? I dunno kung tatawagin kalang ni tanda dun ka palang makakapunta ng bahay" So,ibig nyang sabihin hanggat di ako tinawag ni sir o ni manang na papuntahin sa bahay hanggang dito lang ako? As in?

"May mga gamit ka na naman dyan kinuha ko"

"Bakit kasama pa ako dito?" tumingala sya para titigan ako. Napayuko tuloy ako na wala sa oras.

"You're my yaya so,whether you like it or not sasama ka sakin kahit san ako pupunta mula ngayon"

"Pati sa cr?" pero syempre nasa utak ko lang yan. Kahiya namang sabihin ko yan sa kanya gaga ko naman nun. Matapos naming kumain nag ligpit na ako at hinugasan ito. Tumingin ako sa relo ko 7 pm na pala parang kanina lang nasa school ako. Hala! Si Jiro di ko na text kung nakauwi na ba ako. Pagkatapos ko mag hugas ng plato, dali dali akong pumunta sa sofa. Dun ko kasi chinarge malapit sa sofa yung phone ko. Di ko na charge kanina yun kaya empty batt.

In-on ko yung phone ko at dinial ang number ni Jiro.

"Babes bat ngayon kalang tumawag?"

"Sorry jiro nasa condo ako ni sungit tsaka kinaladkad nya ako dito at dito din mag istay"

"What?? Hindi pwede yun! Pupunta ako dyan"

"Wa--"

*Toot toot*

Jiro naman hays umupo nalang ako sa sofa at hihintayin na makarating sya dito. Patay ako kay sungit 'pag nagkataon.

"Waiting for someone?"

Nabigla ako sa bungad ni sungit na ngayon ay nakaboxer. Fuck Kaizer are you teasing me?

"Ahh si Jiro kasi pupunta daw sya dito"

"I know i heard it" nag titigan lang kami sa sandaling yun. Bigla namang nag doorbell. Gosh you save me Jiro. Tatayo na sana ako ng lumapit na si Kaizer sa pinto para buksan yun. Pagbukas nya ng pinto pumasok agad si Jiro at hinanap ako.

Nang makita nya ako pumunta sya sa direksyon ko at niyakap sabay takip ng mata ko.

"What the fuck Kaizer!"

"What?" Pagsusungit ni sungit. Masungit talaga.

"Kasama mo si Thea at babae sya"

"And so?"

"Naka boxer kalang"

"Tss" naramdaman kong nag lakad si Kaizer palayo samin at tinanggal na ni Jiro yung kamay nya na nakatakip.

"Are you okay?"

"Oo syempre naman bat ka kasi pumunta agad dito tsaka safe naman ako at ang bilis mo makapunta dito ah"

"245 room ko"

"Nag co-condo ka din dito?" Tumango sya at napangiti naman ako

"Mabuti nalang at dinala ka nya dito pero hindi din mabuti na magkasama kayo"

"Eh wala naman syang gagawin sakin unless" lumapit ako sa kanya at bumulong "Rape-in nya ako" Humalakhak ako at lumayo sa kanya

"Yun ang di'ko hahayaan Theang"

Napaka over protective nya talaga pag dating sakin. San ba pumunta si Kaizer? Teka pake ko ba dun. Naalala ko na naman yung sinabi nya dun sa kotse.  Erase ko na nga lang yun nakakasakit ng damdamin charot.

Umabot ng 9 pm andito padin si Jiro sa tabi ko. Nag mo-movie marathon kami. Di nya din ako maiwan iwan pagdating kay Kaizer kasi alam nya ang mga nasa isip ni Kaizer kapag magkasama sa iisang condo,bar etc pa yan. Sa totoo lang di ko naman din ibibigay yun kay Kaizer yung ano ko. Ibibigay ko lang to sa future husband ko mabuti nga din di natuloy yung tangkang pag ano namin ni Jiro.

"Di kapa uuwi sa room mo?" tanong ko kay Jiro. Napaharap naman sya sakin at dahil nakaharap ako sa kanya halos mag tama na yung mga ilong at labi namin sa isa't isa. I admire him a lot. Imbis na sagutin nya ang tanong ko dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya sakin kaya nag take advantage akong pumikit. Hinihintay kong lumanding yung labi nya sa labi ko. Gusto ko ulit matikman yun kahit ngayong gabi lang. His passionate kiss and soft lips. Tumama na ang ilong nya sa ilong ko heto na yun.

"Ehem"

Napabalikwas kaming dalawa ni Jiro nung may umubo. Gosh napayuko ako at alam kong namumula na ako at pwede nang pumutok di oras. Kaizer Navarro see us.

------

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon