Part 28

9.9K 169 1
                                    

"Ay besh! Nawala ka nalang bigla kahapon? Akala namin nag tanan na kayo ni Kaizer" Panimula ni Markie sabay hampas sakin. Loko talaga to.

"Aabot din kami dyan" Pabiro kong sabi

"Hala sya! Cinareer mo ah! Diba sabi mo never ka mag kakagusto sa fafa namin?" Inirapan ko lang sya di ko alam kung anong isasagot ko sa katanungan na yan dahil mas lumalala ang sitwasyon lalo na't pasimpleng nag da-date kami. Date na tawag ko dun sa pag punta namin sa Park. Walang basagan ng trip bruh.

"Sya nga pala malapit na yung graduation ng 4th year coll. Mag paalam kana kay Kaizer" Ngising sabi ni Tony na nakaakbay kay Sheena. Nililigawan ni Tony si Sheena nung isang buwan pa ata? Not sure. Basta ang akin lang wag na wag nyang sasaktan si Sheena lalo na't chikboy yan pero sa nakikita ko parang seryoso naman.

"Sus Tony sa tatlong taon natin na nag aaral dito,ngayong taon lang din pinansin yang si Thea. Halata namang mamimiss nya talaga si Kaizer" Sabat ni Miya.

Tumayo ako sa bench at humarap sa kanilang apat "Hoy kayong apat!" iniisa isa ko silang tinuro turo "Pinagtutulungan nyo ko ah! Never naman ako maiinlove dun" Proud kong sabi.

"Sabi mo yan ah" Sabay sabi nilang apat. Nakapameywang padin ako na nakatayo sa bench. Nag tawanan silang apat. Di ako makarelate. Nang makaupo na ako sa bench,nag simula na yung topic namin about sa pagtapak namin ng Fourth year college. Di pa kasi ako handa eh.

Like sa highschool life nakakabitin at alam nyo yan. Third year HS ako nun nung may nabuo akong friendship with Bea Wegner. Surname palang halatang mayaman na at taga ibang bansa. Nung mga panahon na nag sasaya kami, 10 months lang ang binigay samin para magsama.

Yung tipong kung saan sya,andun din ako. Napaka caring yun,mapagmahal,maganda,mabait nasa kanya na lahat. Yung 10 months na pinagsamahan namin parang 1 day lang. Ayaw nga sana naming maghiwalay pero kukunin sya ng mama nya at ibabalik sa states. Sino ba naman ako para pigilan sila diba? Iyak kami ng iyak nung mga panahong aalis na sila.

And now,bumuo na naman  ako ng new friendship na alam ko sa huli masasaktan lang din ako kasi mawawala na sila. Pero wag na pangunahan si tadhana.

Pumasok sa isip ko si Kaizer. Matapos kasi kanina hinatid nya ako sa room. Pagpasok ko naman sa room wala si Jiro. Baka busy sa company nila,can't blame him.

"Bar naman tayo mamaya oh"

"Sa friday na Miya" Sabi ni Sheena

"Oh sige basta Thea ah! Punta ka din tsaka minsanan lang ako manlibre. Di ka nga nakapunta nung party eh" Proud nyang sabi. Manglilibre sya? Himala yan ah bar pa talaga. Oo nga pala nakalimutan ko yung last week na party. Busy sa life lola nyo eh

"Oo na sasama na"

"Di paasa yan?" Sabay sabi nilang apat. Tumango lang ako at tumayo na din tsaka nagpaalam. Uuwi nalang ako. Wala masyadong pasok ngayon lalo na't nag hahanda yung mga guro sa graduation. Nakakatamad lang dito. Ganun naman talaga dito eh.

Nag commute nalang ako. Tinext ko na din si Kaizer na uuwi na ako. Di naman sya nag reply. Bumyahe ako papuntang condo nya. Nang nasa condo na ako,pagpasok na pagpasok ko pumunta agad akong sala at naupo sa sofa.

Anong gagawin ko ngayon? Movie marathon? Nakakasawa naman. Mag bake kaya ako ng cookies? Nakakatamad naman. Sa friday pa yung pagpunta sa bar,tuesday pa ngayon.

"Thea" Nakita ko kong papalapit si Jiro sakin. May card sya? Pano sya nakapasok?

"How?"

"Binigay sakin ni Kaizer yung isang card"

"Tatlo lahat?"

"Obviously" Sungit naman nito. Umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako. Napansin nya ata yung nasa braso ko.

"A-ah wala yan"

"Spill it Thea"

"Nasagi ko yung...yung.." Anong idadahilan ko ba?

"Spill it Thea" Napabuntong hininga ako at sinabi ang lahat.

"Fuck it!" Tatayo na sana sya pero pinigilan ko na.

"Jiro wag padalos dalos"

"Shit naman Thea! Humanda si Kaizer sakin. Sakanya kita ibinilan tapos.. Fuuuck!" Napasabunot sya sa buhok nya.

"Jiro please" Hinawakan ko ang magkabila nyang pisnge. Unti unti namang nawawala ang galit sa kanyang mukha "Okay na naman po ako" Hinalikan ko yung noo nya at niyakap sya. Niyakap nya naman din ako.

"Sorry these past few days busy kasi ako"

"Ayos lang naiintindihan ko"

"Anyways,i have to go. Binisita lang kita dito kung ayos kalang. May meeting pa kami ni Dad" Hinalikan nya ako sa noo at nagpaalam na sya.

Napasandal nalang ako sa sofa. Wag lang sana nila mapag usapan yung tungkol sa braso ko.

Kumakain ako ng Twix. Ang sarap talaga. Nagpagulong gulong ako sa sahig habang nanunuod ng movie. Di ko alam title pero maganda sya. About sa daughter and dad.

"Waaaah bakiiiit?" Hinampas hampas ko yung sahig. Namamaga na ata mata ko.

Yung movie kasi, nag sasakripisyo yung dad para sa kinabukasan ng anak nyang girl pero ang alam lang ni girl nasa isang kompanya nag t-trabaho yung dad nya. Yung mga rocket ng ama umaabot ng 8 rocket sa isang araw like paghuhugas ng pinggan, sa party,security guard,pagpupunas ng salamin etc.

Nilihim ng dad ni girl na rocket rocket lang ang trabaho baka kasi ikahiya sya ng anak nya sa unibersidad na pinapasukan. Hindi naman sa hate ni girl yung dad nya. Yung girl party there,party here,party everywhere sya tapos yung mga lalaki nya right and left.

Yung pera na ginastos nya para  dapat sa second sem nila yun pero nag yaya yung barkada nya na uminom kaya nagastos nya.

One time may rocket yung dad sa isang malaking birthday party. Tuwang tuwa naman ang dad kasi malaki yung bayad at pandagdag ipon na din para sa kanila mag ama. 2 hours din nag trabaho ang papa ni girl sa party. Sa 2 hours na yun may babaeng familiar sakanya pero di nya masyado naaaninag. May mga lalaking kasama ito. Nakipaghalikan ang babae sa isang lalaki habang nasa pwet na yung kamay ng lalaki.

Napailing nalang ang papa nya. Gabi na din yung mga oras na yun. Mas dumadami pa ang mga dumadating na tao.

Nag serve sya ng mga wine sa pagkakataon na yun.  Nang makarating sya sa isang table. Hindi nya inaasahang makikita nya ang anak duon. Yun ding nakita nyang babaeng nakikipaghalikan sa lalaki.

"Dad" Napatayo ang babae nang makita ang ama. Sobrang nasaktan ang ama. Bago umalis sa rocket nya kinuha nya muna ang kinita nya at nagmadaling umuwi sa bahay. Ang alam nya kasi natutulog na ang babae.

Iyak lang ako ng iyak sa nangyari. Masakit sa part yun bilang ama. Yung pinapalaki mo yung anak mo sa mabuting paraan o gawa pero baliktad pala ang pagsukli nito sa kanya. Napasandal nalang ako sa sofa habang kumakain ng Twix.

Napagpasyahan kong umidlip muna. Mugtong mugto na yung mga mata ko.

---
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon