Part 61

8.8K 137 8
                                    

Quotes: It's one of the greatest gifts you can give yourself, to forgive. Forgive everybody.

---

"Ang cute naman nito O M G" Nagagalak na sabi ni ate Stacy. "James naiinggit na naman ako" Mas pinili kong manatiling tulog at makinig nalang sa mga boses na nasa loob ng kwartong ito.

"Tigilan mo nga ako Stacy psh" Gusto ko matawa pero pinipigilan ko lang. Gusto ko na sanang mahawakan ang mga babies ko. Hindi ko nga alam kung lalaki ba o babae.

"Hey people. Dude. Pahawak naman. Urgh. Bakit ba ang damot damot mo. Isusumbong kita kay Thea!" Napalipbite ako sa sigaw ni Jiro. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at sumalubong sa akin ang nakatalikod na si Jiro na gustong hawakan ang mga anghel ko na nasa magkabilaang bisig ng taong mahal ko na nakatalikod rin kay Jiro.

"Enough" One word and then boom. Lumingon silang lahat sa akin. 

"Babes oh! Ayaw pahawak ni Kaizer. Nagmana kasi sakin yung bata" Sabay irap ni Jiro kay Kaizer. Nilapitan naman ako ni Kaizer na dala dala ang mga anghel ko, namin.

"Parehong lalaki baby" Ibinigay niya sa akin ang isang anghel ko. Hinalikan ko ito sa noo. Sobrang lambot ng balat. Nag pipinkish pa ang mga pisngi nito gaya ng kapatid niya na hawak hawak rin ni Kaizer. Hindi ko inaasahan to na dalawa ang lalabas.

"Babes pahawak naman oh" Napalingon ako kay Jiro na nasa kabilang gilid ko pala nakangiti. Ibinigay ko sa kanya ang anghel ko.

"Ang cute cute naman ng baby--"

"That's my baby how dare you" Mahina pero madiin ang pagkakasabi. Hinawakan ko ang kamay ni Kaizer. So, tatlo na ang po-protektahan ng mahal ko. Humagikhik lang sila ate Stacy na nasa sofa. Kasama niya pala si ate Ana. Sila lang ang andito. Nasaan sila ma--

"Anak" Napalingon ako sa babaeng tumatakbo papunta sakin. Niyakap ako ni mama ng mahigpit at ganun rin ang iginanti ko.

"Isang araw ka rin nawalan ng malay anak. Sobrang nag alala kami sayo" Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Isang araw? Ganun katagal? Parang may humihila sa dila ko kaya di ako makapagsalita. Okay?

Nalipat naman ang tingin ko sa dalawang lalaki na nag susukatan ng tingin.

"Boys enough. Akin na nga yang dalawa kong anghel. Doon kayo sa labas mag suntukan" Sabay nilang inilayo ang mga anghel ko sa akin. Nangibabaw ang halakhakan sa buong kwarto.

"Theaaaa" Nabigla ako ng may yumakap sakin. Ang rami rami nila pero alam ko na kaagad kung sino-sino iyon.

"Ano ba! Nasasaktan baby ko" Pag aawat ni.. Sino paba? Edi si Kaizer Navarro.

"Ang OA naman nito sarap talaga batukan" Sabi ni Jiro sabay lapit sa akin dahil sa masamang tingin ni Kaizer. How cute. Why so over protective?

Nagsimula ng mag kumpulan ang lahat at pinag-aagawan ang dalawang anghel ko. Andito na rin ang mga kaibigan ko. I'm so happy.

Tawa lang kami ng tawa ni mama dahil ayaw ibigay ni Kaizer ang anghel ko at ganun rin si Jiro pero nabasag ang pagkukumpulan ng may mag salita mula sa pintuan.

"Pwede kana madischarged ngayon Thea"

"Dad" Natutuwa ako dahil andito na ang pamilya ni Kaizer. Sinalubong naman ito ni mama at inakay papunta sa akin. Nag mano ako sa kanilang dalawa.

Nag usap usap muna kami bago nila nilapitan ang kanilang dalawang apo. Habang patuloy parin ang pang aasar ni Jiro kay Kaizer.

"Why so gross baby?" Tanong ko kay Kaizer na nakabusangot sa tabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko atsaka hinalikan ako sa labi. Hindi na nahiya to.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon