Part 63

7.7K 146 5
                                    

Quotes: I've got nothing to do today but smile.

---

Nakapasok ako ng walang kahirap hirap sa kompanya nila Kaizer. Nakashades ulit ako at suot suot ang aking black na Gown. Black? Ako lang ang nag iisang naka black gown dito habang nag lalakad kaya napapatingin sila sa akin.

Bibili sana ako ng cardigan pero naisip ko na minsanan lang ito kaya irarampa ko na ang kasexyhan ko kahit na may mga anghel na ako. And so what?

"Hey miss" Napahinto ako ng narinig ko ang pamilyar na boses. Humarap ako sa lalaking nakatuxedo na naka thunder hair pa.

"Hi James" Ngumiti ako at bahagya pa siyang nagulat. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bago pa siya magsalita ay hinila ko na siya papunta sa CR ng mga babae. Mabuti at walang tao dun kaya nilock ko ito. Binaba ko kaagad ang shades ko.

"T-thea a-anong ginagawa m-mo dito a-at.." Tumingin pa siya malapit sa dibdib ko. "What the heck?" Tumaas ang kilay niya at tinitigan ulit ako.

"Sinusundo ko ang lalaking mahal ko. May problema ba?" Napangiti ako ng nakita ko ang paglunok niya. "James James James.."

"Thea.."

Tinaasan ko siya ng kilay at napa cross arms "May tinatago ba kayo sakin na hindi ko alam? Well, andito ako para malaman rin ang itinatago niyo. Wala kang sasabihin kay Kaizer o kay Jiro na nakita moko James dahil baka pati ikaw madamay" Umalis na agad ako sa harap niya at nilisan ang CR. Isinuot ko kaagad ang shades ko at nag punta sa gilid. Napatingin ako sa relo ko eksaktong Seven na pala.

Nakita ko ang pag labas ni James sa CR at luminga linga pa siya. Nang mag tama ang mga mata namin ay nag patuloy siya sa paglalakad hanggang sa umupo na.

Lumapit pa ako para makita kung sino ang mga kasama niya. Napangiti ako ng makita ko si Jiro na katapat ni James at si ate Stacy nasa gilid ni James. Ako nalang ata ang kulang.

Naagaw ang pansin ko ng tumayo silang lahat at iisa lang ang kanilang direksyon na tinitignan.

"Baby i missed you..badly" Bulong ko sa sarili ko. Naglalakad ang taong mahal ko na may makisig na katawan hanggang sa makaakyat na siya ng stage.

"Please be sitted.." Pag uumpisa niya. Napaayos ako ng tindig. Wala akong mauupuan dahil occupied na lahat. May mangilan ngilan ring nakatayo. Sumisigaw ng 'mayaman ako' ang kani kanilang mga kasuotan.

Hindi ko na nasundan pa ang kanyang pagtatalak dahil tinitigan ko isa isa ang mga taong nakaupo ngayon sa kani-kanilang silya. Naagaw ang atensyon ko sa babaeng sobrang kapal ng lipstick at nag lalakad dire-diretso sa kinaruruonan ng lalaking mahal ko.

I guess siya na yung babaeng nag wala sa opisina ng lalaking mahal ko.

Inagaw niya ang mikropono kay Kaizer at nag salita. "Thank you dahil pumunta kayo. I'm so glad.."

"Faye..leave" Malamig na sabi ni Kaizer. Faye? Wala pa akong nakikilalang Faye. Idadagdag ko siya sa listahan ko na maaring kalbuhin.

Kumuha ako ng bubble gum at nginuya ito. Nagtatalo na sila sa harap at ang mga nakaupo ay nag bubulung-bulungan na rin. Ngumiti ako dahil napaka perpektong tayming nito para sa akin. Dumapo ang tingin ko kay James at ganun rin siya sakin. Mas nginitian ko ito at lumakad na papunta sa harap.

"Who is she?"

"O M G y-yung gown k-kilala ko kung sino ang nag design niyan"

"My dream gown omoo"

"I guess kilala ko na kung sino yan"

Yan lang naman ang bulung-bulungan dito na naririnig ko parin. Dapat lang. Dapat lang na kilala niyo ako dahil ako lang naman ang ina ng mga anak ni Kaizer at ako lang ang soon-to-be wife niya.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon