Quotes: People cry, not because they're weak. It's because they've been strong for too long.
-----
"Baby how about this?" sabay angat nya sa tuxedong black. Andami na kaya nyang Tuxedong black,tapos bibili pa sya?
"Ang panget" Pagkutya ko.
"Puro panget naman sayo lahat ng pinapakita ko eh" Sabay irap nya pero may halong tawa yung tono nya. Aba magaling ng umirap to ah.
Binatukan ko sya at tinapon sa mukha nya ang Faded blue na Tuxedo "Suot mo yan babagay sayo yan"
Pumasok naman sya sa fitting room. After 3 minutes lumabas na sya. Suot suot nya ang nerdy glass nya. Oh shit ang hot.
"Sir bagay po sa inyo" Singit ng isang sales lady na mas matangkad pa sakin ng 1 inch.
"Oo nga po Sir" Sabay tango ng dalawa pang kasama ng unang nag salitang sales lady. Napapoker face nalang ako habang nakatingin sa tatlong sales lady.
Nakita ko pang kinilig ang mga bruha ng kindatan ni Kaizer at ngumisi sakin.
"STOP FLIRTING MY HUSBAND! DAMN IT!" Sigaw ko sa tatlong sales lady na ngayon eh gulat na gulat sa pag sigaw ko.
"Sorry ma'am" sabay yuko nila at dali daling umalis sa harapan namin. Lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa amin.
Ako pa ata yung napahiya ngayon. Tinalikuran ko nalang si Kaizer at dali daling pumuntang cashier. Ang bilis padin ng tibok ng puso ko dahil sa galit. Sarap katayin ng tatlong sales lady.
Nang nasa pila na ako inabot ni Kaizer ang faded blue tux na sinuot nya kanina. Hinablot ko sa kanya at nag tiim bagang.
Ako na ang sumunod sa lalaking nakapila. Nilapag ko sa mukha este sa harap ng babae para mabayaran na.
"Ma'am may bonus card po kayo?"
"Wala!"
Nagulat ata yung babae dahil sa inasta ko.
"Baby chill lang" Sabay hawak ni Kaizer sa balikat ko.
"Wag moko hawakan!" Sigaw ko din sa kanya kaya lumayo nalang sya sakin at nag tingin tingin sa mga libro sa likod nya.Pati yung mga nakapila nadidistruct na ata sa akin. Wala akong pake. Ang landi kasi ng ASAWA ko.
"May problema ba ma'am?" May lumapit na lalaking manager sa akin na salubong ang kilay.
"Pake mo?!" Sigaw ko din sa lalaking manager na nagulat din sa inasta ko. Wag ako kaya please umalis kayo sa harap ko.
"Aba miss umayos ka andito ka sa puder ko" Sabi ng lalaki. Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay hablot ng binili namin. Magsasalita sana ako ulit ng...
"Your property?" Napalingon kami kay Kaizer na ngayon humahakbang na papunta samin. Napalunok ako nang nasa harap na namin si Kaizer. "You're just a manager here. Not the owner Mr. Vega"
"I-im sorry boss Kaizer" Sabay yuko ng manager.
Hindi ko alam na kilala din sya pati dito. Oh baka nga kaibigan nya yung may ari nito or sya ang may ari nito?
Hinila ako ni Kaizer kaya napatingin ang manager sa amin. Tumalikod na kami at nag lakad pero huminto si Kaizer.
"Wait.." Nilingon nya ang manager pero nakatalikod padin ako "There's just one more thing that i forgot to mention. Treat my WIFE properly" at saka nag lakad na kami palayo sa kanila.
W.I.F.E to the O to the M to the G OHMYGOSH. Napakagat labi nalang ako sa kilig. Inemphasize nya pa talaga yung WIFE. Damn Kaizer.
Hinila nya lang ako papuntang supermarket.Marami rami pa naman yung andun sa ref ah?
"Anong gagawin natin dito?"
"Bibili" Nice one Kaizer tss.
Nang makapasok,kami kumuha na agad sya ng pushcart.
"Baby ikaw na pumili,ako na ang mag tutulak nito para sayo" Sabay kindat nya. Namula naman ako sa ginawa nya at agad na tumalikod sa kanya. Napakagat labi nalang ako at nag lakad papuntang seafoods station.
"May allergy kaba sa seafoods?"
"Wala baby why?"
Kumuha ako ng cellophane at inilagay ang hipon duon "Malay natin diba baka himatayin ka bigla" Sabay halakhak ko. Ngumiti lang sya na ikinagwapo pa nya. Hinapit nya ang beywang ko at idiniin ang katawan ko sa kanya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa nya?
"Tumigil k-ka Kaizer masyadong p-public" Mas idiniin nya pa ang katawan nya sa akin. Damn it! Nilagay ko muna sa pushcart ang hipon at lumayo na sa kanya. Baka mawalan ako ng balanse. Mabilis pa naman lumambot ang tuhod ko kapag tinitease nya ako.
Pumunta ako sa mga cup noodles station. In case na tamadin kami mag luto lol. Nilagay ko kaagad sa pushcart at nag libot pa.
Nang nasa pila na kami panay tingin ang mga chicks sa harapan namin. Puro mga babae kasi tsaka same age lang ata kami maliban kay Kaizer. Ginawang matanda lol.
Kumukulo na naman yung dugo ko sa bawat ngiti at bulungan nila na alam kong si Kaizer ang pinag uusapan. Kung makatingin at makangiti kay Kaizer parang-- urgh. Enough Thea.
Nakita kong lumapit yung naka v neck t-shirt,jeans and sneakers na babae sa amin. Sasalubungin ko sana kaso niyakap ako ni Kaizer from behind. Kaya natagilan ako at pati din sila.
"Baby are you hungry?"
"O-o" Nauutal ako. Loko ka talaga Kaizer. Medyo malakas din yung pagka sabi nya,sakto lang na marinig ng babae at ng mga kasama nun.Nakita kong nag iwas ng tingin yung babaeng palapit sa amin at bumalik sa kasama nya na ngayon eh dissapointed. Sarap belatan eh.
"Cute" Bulong nyang sabi. Humarap ako sa kanya at piningot ang ilong nyang matangos.
"Wag na wag mo akong pagseselosin Kaizer kasi kapag ginawa mo ulit yun, baka di na ako makapagtimpi at masapak ko na silang lahat"
Ngumisi sya at ngumuso "Kiss me first"
Hinalikan ko naman sya agad sa labi pero smack lang. Napaka PDA na kasi namin nakakahiya. May tumili pa nung hinalikan ko si Kaizer. Napayuko tuloy ako at napakagat labi.
Nang kami na ang nasa counter nilapag ko na lahat ng pinamili namin."Pwedeng sumingit?"
Napalingon kami sa likod kung saan nag mumula ang boses. Amanda.
"What are you doing here?" Matigas na sabi ni Kaizer. Pati ang babaeng nasa cashier napatigil din lalo na ang mga nasa pilahan.
"Shopping?" Sabay halakhak nya. Nilapag nya ang dalawang kutsilyo na ikinalunok ko.
"C'mon Kaizer i'm your fiancè" Sabay tingin nya sakin "Ako dapat ang kasama mo not that...slut"
Sasagot sana si Kaizer ng may mag salita.
"Don't call her slut Amanda"
Sabay ulit kaming napatingin ni Kaizer kay Luke na nasa likod namin "Wag ka mag eskandalo dito"
Nag lakad sya papunta kay Amanda at hinila nya sa braso ang babae.
"L-let me go!" Sigaw nya kaya nasa amin na talaga ang buong atensyon. Nanginginig ang buong katawan ko sa mga nangyayari. Lumingon ulit si Amanda sakin na nanlilisik ang mga mata "Hindi pa tayo tapos slut"
Niyakap ako ni Kaizer at mabilis kaming lumabas sa mall dala ang pinamili namin. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung saan ako naiiyak. Sa pag yakap ba ni Kaizer o sa pag tawag sakin ng slut. Ever since walang tumawag sakin ng ganun,ngayon palang. Lalo na yung bitch na sabi akin ni Sandra.
Pumasok agad ako sa kotse habang si Kaizer abala sa pag pasok ng pinamili sa back seat. Pagkatapos ay pumasok agad sya ng kotse at pinaandar tapos pinaharurot.
Pumikit nalang ako. Pagod ako. Sobrang pagod. Sinabi ko sa inyo. Hindi sa lahat ng oras masaya tayo. Kanina ang saya saya ko pero dumating yung dilobyo. Ilang minuto lang yun pwera sa kasiyahan,parang wasak na agad ako. Ganuon kasama ang kapalit kapag sobra ang saya mo.
But hindi sa pagkakataon na ito susuko ako. Until my last breathe gusto kong kasama si Kaizer hanggang dulo.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...