Part 27

9.9K 192 2
                                    

Nagising akong sapo sapo yung noo ko. Nakakastress naman kakaisip yung nangyari kahapon sobra. Uupo na sana ako sa kama kaso tinamaan ako ng katamaran. Time check 5:49 am. Napaka aga naman ata para mag luto. Wala akong nagawa kundi tumayo at mag lakad papuntang Cr. Naiihi ako. Pagbukas ko ng pinto ng cr.

"Jusmeyo!" Napatalikod agad ako sa nakita ko. Si Kaizer naka topless. Di naman ito yung first time na nakita ko syang nakatopless pero sa sobrang gulat ko na din. "Ano bang ginagawa mo dito?" Pasigaw na sabi ko. Nagising tuloy diwa ko.

"Taking a bath"

Urgh "Bakit di ka nag lock? Napasok ko tuloy to!" Aalis na sana ako ng hinawakan nya ang braso ko. Napapikit ako at napalipbite.

Naramdaman ko ang hininga nya sa batok ko "Ako na ang aalis tutal tapos na ako and.... Mukhang mag c-cr kapa" Bago sya umalis hinalikan nya ang batok ko kaya tumaas na naman ang mga balahibo ko. Nang makalabas na sya sinara ko agad ang pinto ng cr.

Shitie! Umurong ata yung ihi ko. Umupo nalang ako sa toilet at hinintay maihi. Di ko inaasahan na andun pala si Kaizer atsaka ni lock--- ahh my duplicate nga pala sya sa kwarto nya kaya nabuksan nya. Nang matapos eh lumabas na ako ng cr. Bumalik ako sa kama at sa di inaasahan na NAMAN. Nakahiga sya sa kama.

"I thought natulog kana sa Cr tagal mo naman" Pang asar nyang sabi kaya tinapunan ko sya ng masamang tingin na mas lalong ikinatuwa nya pa. Ang hilig nyang mangasar. "Here" Tinapik tapik nya yung pwesto sa gilid nya.

"Eh kung ayoko?" Sabay pamaywang ko.

"Ayaw mo naman atang ma rape diba?" Seryoso nyang sabi. Napilitan akong tumabi sakanya. Nang makahiga na ako sinuntok ko ang tyan nya kaya napadaing sya sa sakit. Nakakainis ke aga aga ganyan bungad sakin.

Tumalikod ako sa kanya at pumikit na. Maya maya gumalaw sya at nilagay ang kamay nya sa beywang ko sabay dikit nya sa likod ko. Ang bango naman nya,bagong ligo.

Hinalik halikan nya ang tuktok ng ulo ko. Ano bang problema ng isang to?

"Kaizer tumigil ka nga!"

"Ayoko" Pabata nyang sabi. Ayan sya nagiging childish. Aalisin ko na sana ang kamay nya sa beywang ko ng higpitan nya ang pag yakap sakin. Tumigil naman sya sa pag halik sa tuktok ng ulo ko.

"Thea"

"Hmmm" Napipikit na ulit ako.

"Asdfghjkl"

--

Nagising ako sa paggalaw ni Kaizer. Pagmulat ko mukha agad ni Kaizer ang nakita ko. Teka ano ngang sabi ni Kaizer kanina? Di ko na narinig yun kasi nakatulog na ako. Sayang naman baka importante yung sasabihin nya.

Hinawakan ko ang maamong mukha ni Kaizer. Ang kinis ng mukha nya. Kapag natutulog,mabait. Hinalikan ko ang noo nya at bumangon na para mag luto. Tinignan ko ang orasan 6:52 na. Dahil tinatamad ako mag ipit,tinalian ko nalang. Ganun talaga kapag mga babae eh. Pag gising wala ng suklay suklay,tali nalang agad.

Natapos ako mag luto at mag hain mga almost 7:20 na din. Bumalik na ako sa kwarto para gisingin si Kaizer. Nakita ko syang mahimbing padin ang tulog. Kailangan ko na syang gisingin,napapasarap dreamland nya.

"Kaizer" Tinapik tapik ko ang pisnge nya. Nag mulat naman sya agad. Mabuti lang hindi tulog mantika to, naku naku kung tulog mantika lang to kanina ko pa sya hinulog sa kama   "Kakain na tayo"

"Really? Kakainin na kita?" sabay ngisi nya.

"Tse! Bumangon kana dyan malapit na tayong malate" lumayo na ako sa kanya at nauna lumabas. Nag hintay ako sa kanya sa kitchen. Maya maya nakita ko na syang naka porma. Nga naman maaga syang naligo. Ang hot naman nya ngayon. Araw araw HOT pala.

Kumain na kami ng tahimik pero naalala ko yung sinabi nya sakin kanina pero di ko na narinig kasi nga nakatulog na ako.

"Kaizer ano yung sinabi mo sakin kanina?"

"Wala yun"

"Kaizer naman parami na parami na yung katanungan na nasa isip ko. Wag mo na dagdagan please?" Napabuntong hininga sya at tumitig na sakin.

"I said lately na tulo laway ka" sabay tawa nya. Aba di naman ko tulo laway ah! Di naman sa defensive pero di ako tulo laway. Baka kayo? De joke lang peace tayowzxs

"Hoy! For your information Mr. Navarro never ako nagigising na tulo laway since birth" Tinarayan ko sya at kumain ulit.

"Nakita ko sa dalawang mata ko Thea. Pinicturan ko pa nga eh" Napatingin naman agad ako sa kanya na nagpipigil ng tawa.

"Wag ako pagtripan mo! Akin na nga cellphone ko!" Tumayo na ako at pumunta sa gilid nya. Kukunin ko na sana ang cellphone nya ng hawakan nya ang kamay ko. Binawi ko naman agad ang kamay ko at kukunin ulit sana sa bulsa nya ng hawakan nya ulit ang kamay ko.

"Baka iba yung mahawakan mo Thea" Sabay ngisi nya "Mahirap na"

Napabalik ako sa upuan ko ng wala sa oras. Nakakainis sya! Basta patutunayan ko na hindi ako tulo laway at nag kakamali sya sa kinakalaban nya! Period.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Nagtataka ako nung una kasi diba hindi ko alam na may naliligo pala sa CR nun. Nung unang pasok ko palang sa kwarto ni Kaizer. Sound proof pala yung CR nya kaya di nadidinig sa labas kahit anong gawin.

Magaling na bata din. Baka ayaw nyang may makarinig na may umuungol na babae sa CR nya kapag may papasok sa kwarto nya. Matalino Kaizer Navarro. Ikaw na talaga ang napakatalino pag dating sa ganito.

Pagkatapos ko maligo,nagbihis na ako at pagkatapos ay pumunta na kaming school,sabay daw ulit kami. May ipapakita din daw sya saakin.

Nakakaexcite naman yun. Baka romantic yung ipapakita nya sakin. Mag po-propose siguro. HAHAHA kaloka ka Thea wala ngang KAYO eh. Wag na kasi mag assume,mas nasasaktan lang tayo. Nang makadating na kami sa school. Holding hands while walking kami sa pathway ng school. 8:06 am na din,malapit na yung first subject namin dalawa.

Excited na din ako makita si Jiro. Papasok kaya yun? Hila hila lang ako ni Kaizer hanggang sa mapadpad kami sa Basketball Gym. Ang daming mga istudyante. Anong meron?

Pagpasok namin sa Gym napalingon ang karamihan samin at natahimik ang loob ng Gym. Naglakad kami sa gitna sa Gym. Nagulat ako ng nakaluhod sila Tamara at mga alalay niya.

Bakas sa mukha nila ang takot at pangamba baka kung anong gawin sa kanila. Akala ko romantic yung ipapakita nya. Ayoko magparusa ng kapwa tao ko. Wala akong permission para saktan sila. Ang pwede lang manakit o mag parusa sa kanila ay ang Panginoon.

"Do you want to kick them?" Sabi ni Kaizer sakin. Syempre rinig nilang lahat na andito kasi medyo napalakas ni Kaizer ang boses nyo o NILAKASAN NYA TALAGA.

Bumuntong hininga muna ako bago sya nilingon at sinagot.

"Pabayaan mo na sila Kaizer wala tayong karapatan saktan sila. Ang Panginoon na ang bahala sa kanila" Sabay ngiti ko at hinila na sya palabas sa Gym. Nag simula naman mag bulungan at umingay ang Gym sa pag alis namin.

---
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon