Part 57

9.7K 172 29
                                    

Quotes: Don't cheat in a relationship. If you're not happy then just leave.

Sorry kung natagalan ang pag update. Busy sa school eh. 'lam nyo na.
---

Nagkulong lang ako sa condo ni Jiro. Pinalabas ko silang dalawa. Umiiyak na rin ako kaya wala silang nagawa. Galit ako. Sobrang galit ako. Hindi dahil sinabi ni Jiro kundi dahil sa katangahan ko. Dapat sinabi ko na kay Kaizer noon pa na nagdadalang tao ako. Ang kalahating puso ko sinasabing tama ang desisyong ginawa ko pero ang kalahati naman ay hindi.

Nasumbat ko na lahat ng sisi sa akin. Nasasaktan ako lalo na sa ekspresyon ni Kaizer kanina. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayo. Sumasakit na rin ang ulo at tyan ko sa kakaiyak. Pinipilit ko namang maging matatag gaya ni mama eh pero bakit hindi ko namana yung tatag na yun galing kay mama?

Napahawak na ako sa sakit ng tyan ko. Pinilit kong tumayo at buksan ang pinto. Nang mabuksan ko na ang pinto agad akong napakapit sa braso ni Kaizer na nakasandal pala kanina sa pinto.

"H-hey are you okay?" Tanong ni Kaizer.

"Fuck she's bleeding!"

Napatingin rin ako sa ibaba ko. Halos hindi ako makagalaw. Umiyak pa ako ng todo dahil sa dugong nag uunahan.

Doon pa ako natauhan ng ni bridal style ako ni Kaizer at nagmamadaling makalabas ng hotel. Bumibigat na rin ang talukap ng aking mga mata. For the first time. Baby be safe. I can't live without you. I promise na magsasama na kami ng daddy mo. Just be safe.

And i collapse.

KAIZER POV.

"Thea hey! Baby please wake up. Goddamn! Nurse faster shit!" Halos lahat ng mura nasumbat ko na sa mga nurse. Huminto na kami ng naderitso sya ng ER. Ako na mismo nag insist na ideritso siya doon. Ayoko ng sa tabi tabi lang gawin ang check up kay Thea. Fuck! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa.

"Calm down Kaizer" Napalingon ako kay Seb na nakaupo at nakatingin sa pintuan ng ER.

"Calm down?! Wag mokong sabihan niyan, Idiot!"

Tumingin siya sakin ng matiimtim "Idiot? Sino ba ang nag loko dito? You broked her heart into pieces. Minahal ka niya pero ginago mo siya. That time she wants to confess her feelings but guess what? Ha! Troublemaker"

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. I know na kasalanan ko. Ako pa ata ang napahiya dito.

30 minutes ang nakalipas at lumabas na si Dr. Ramos.

"How's she? The baby?"

"The baby is fine and Thea also. Ano bang nangyayari sa inyo?" Tinignan niya kaming dalawa ni Seb. Dr. Ramos is my Tito also kaya salubong ang kilay niya ngayon. "Mabuti nalang at mahigpit ang kapit ng bata kay Thea. Who's the father?"

"Me" Pag angkin ko dahil akin naman talaga si Thea at akin lang ang anghel namin. Imbes na magulat siya ay ngumisi lang siya. What's the problem with this man?

"I knew it. Next time wag nyong i-stress si Thea dahil kapag nangyari yun.." sumeryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako "May mawawala.. Excuse me" Umalis siya at kami ay natigilan. Hindi ko na kayang mawala pa si Thea sakin lalo na't may anghel na kami.

May lumabas na nurse na dala dala na si Thea. Humawak ako sa metal na higaan at pumasok kami sa private room.

"She deserve nothing but the best Kaizer. Ayokong nasasaktan siya. She's my first and last love pero nong dumating ka sa buhay niya? Parang hindi ko na natatanaw ang pag asang maging last love siya dahil sa simula't sapol ikaw ang pipiliin niya" Hinawakan ko ang kamay ni Thea na nanlalamig parin. Sa kahaba-haba ng sinabi ni Seb iling lang ang nasukli ko. Ako ang magiging huli sa puso at buhay ng aking mag ina. Hindi man nauna pero mapapangako kong magiging huli ako.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon