Part 30

9.5K 200 2
                                    

"What do you want?"

Andito na kami sa magarang restau. Bawat tables may Chandelier. Makikintab ang mga makikita mo sa paligid. Ang mahal ata dito. Di ko maafford yung bawat isang menu nila. Umaabot ng isang libo pataas.

"Hey" Nabalik ako sa wasto at napalunok na napatingin sa kanya "Are you okay?" Tumango ako bilang sagot.

"K-kahit ano nalang" Tinawag na nya ang waiter.

"Si cheif Rander ang gusto kong mag luto sa best menu" may pinag usapan pa sila ng waiter. Ako naman manghang mangha sa ganda ng restau.

"Thea" Napalingon agad ako kay Kaizer "Wala ka na bang gusto?"

"Ayos na Kaizer. Busog na busog na nga ako sa nakapalibot satin" Sabay ngiti ko. Umabot ng 5 minutes wala ng nagsalita. Nakaka-awkward naman to. Napa lingon ako kay Kaizer ng magsalita sya.

"Thea i l--"

"Sir here's your order" Nilapag ng waiter ang order namin. Napatigil si Kaizer sa pag sasalita. Nang makaalis na ang waiter tinaasan ko sya ng kilay. Umiling nalang sya imbes na sabihin ulit yun. Gusto ko malaman kung anong sasabihin nya.

Nagsimula na kaming kumain. Walang umiimik sa amin. Awkward.

"I love you" Nasamid ako sa pabulong na pag sabi ni Kaizer.

"S-sorry" Inabutan nya ako ng tubig kaya ininom ko naman agad yun. Nang makarecover na ako tinanong ko agad sya.

"A-anong sinabi mo kanina?"

"You heard it,right?"

"Ulitin mo"

"I-i love you" Pabulong na sabi nya ulit. Napalipbite naman ako at napatakip sa bibig. Nakayuko sya ngayon at namumula. He's cute.

"Ano?" Inosente kong tanong ulit. Nakita kong nag pout sya. Lumapit ako ng kaonti para iangat yung mukha nya. Nakapout padin sya. Baliktad posisyon namin. Dapat ako yung nag po-pout samin at inaangat yung mukha.

Nakatitig lang ako sa kanya,ganun din naman sya sakin nang maiangat ko na ang mukha nya. Alam kong may hinihintay sya na lumabas sa bibig ko. Bumuntong hininga ako. Kailangan ko ng linawin ang nararamdaman ko sa kanya. I admit na mahal ko sya pero... Ugh! Wala ng pero pero.

"I..." Sasabihin ko ba? Tumaas yung kilay nya.

"I..i love you too"

Unti unting lumiwanag ang mukha nya. The next thing i know,nasa harap ko na sya. Niyakap nya ako at binulong ulit iyon "i love you Thea and i always do"

Magkahawak kamay kaming lumabas sa restau. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko at alam ko na ganun din si Kaizer. Ngiting ngiti kasi sya habang nag lalakad,abot tenga na.

"Kailan pa?" Tanong ko

"What?" Nilingon nya ako na may ngiti sa labi nya.

"Na... Mahal moko?"

"Oh. These fast months but di ako sure nung una"

"Sooo,matagal tagal na rin?" Tumango sya bilang sagot. Ganun rin naman yung nararamdaman ko nung mga nakaraang buwan din lalong lalo na ngayon. Di nga ako sure kung mahal ko na ba talaga sya pero nasabi ko na din naman yun edi paninindigan ko.

"By the way,about sa inyo ni Jiro"

Ngumiti ako at huminto kami sa Limousine na sinakyan namin kanina. Inexplain ko naman yung pinlano namin ni Jiro na mag panggap akong girlfriend nya.

"You're my property now?" Nabigla naman ako sa tanong nya.

"Court me first before i say YES Kaizer Navarro" Sabay ngiti ko.

Nakauwi kaming safe and sound sa condo. Nang nasa kwarto na ako nag bihis na agad ako at nag tatalon talon ako sa kama,muntik na akong mahulog.

Bumukas ang pinto kaya napaupo ako.

"Pwede ba akong matulog dito?"

"Hmmm basta may boundary tayo ha?"

"Bu--"

"No buts Kaizer" Humiga na ako at nag tulog tulugan. Naramdaman kong humiga sya sa tabi ko pero binalewala ko nalang.

10 minutes na din ata ang nakalipas pero di ako dinadalaw ng antok. Galaw ng galaw si Kaizer. May bulati ata sa pwet ang isang to.

"Kaizer ano ba! Di ako makatulog kakagalaw mo dyan" Sabay mulat ko at tumitig sa kanya. Nakapout na naman sya.

"Can i hug you?"

"No!"

"Thea please hug lang naman"

"Ayoko! Matulog kana"

"Thea" may namumuong tubig sa mga mata nya. Nakakaawa naman this guy. Bumuntong hininga ako.

"Ayoko padin" sabay belat ko. Tumalikod ako sa kanya tsaka niyakap ang unan ko. Naramdaman ko ang init ng katawan nya sa likod ko at ang kamay nyang nakapatong sa beywang ko.

"Whether you like it or not Thea i can do whatever it takes"

Mas hinigpitan nya ang pag yakap nya sakin. Ugh! Hinawakan ko yung  kamay nya na nasa beywang ko. Hindi na ako magtataka kung sa sunod na araw mamatay na ako dahil sa Fangirls mo Kaizer Navarro.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Fudge. Napaupo agad ako sa kama. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko at nag unat. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala na si Kaizer.

Napansin ko naman ang rosas na nasa mesa with letter.

'Baby eat your breakfast pagkabasa mo nito. Nahanda ko na ang lahat. May aasikasuhin lang ako i love you'

So sweet naman Kaizer. Baby pa talaga nais nitong mokong. Pero,kinilig ako. Kinuha ko yung rosas at inamoy. Ugh ang bango. Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto at kumain.

Nag ring naman yung phone ko. Kinuha ko naman sa bulsa ang phone.

From: Sungit

(Baby see you at Gym i love you)

Napalipbite ako sa text nya. Kailangan ba talagang mag i love you? Nga naman,nag i-start na syang manligaw sa akin. Can't blame him.

Natapos na ako sa gawain ko dito sa condo. Nag commute nalang ako. Nang makarating ako sa unibersidad,pagpasok na pagpasok ko palang sa gate may nag abot na ng rosas sakin. Na shock naman ako.

"Para san to kuya?" fourth year college kasi kaya kuya. Di sya sumagot,umalis nalang ng biglaan sa harap ko.

Paglakad ko naman papuntang Building A may may tatlong kalalakihan na fourth year college at dalawang kababaihan na third year college na nag abot sakin ng rosas.

"Thea sumunod ka samin" Sabi ni Kesha. Sumunod lang ako sa kanila papuntang Gym. Dito yung sinasabi sakin ni Kaizer na 'See you' Kuno. Anong pakulo to Kaizer?

---

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon