Pinaupo nila ako sa sahig sa gitna ng Gym. May petals na pa heart na nakapalibot sakin. Dumadami yung tao sa Gym. Nakakahiya. Ano bang meron Kaizer? Asan kana ba?
Maya maya may kumanta.
"Akin ka sa 'king imahinasyon
Sana nama'y hindi lang hanggang doon
Kailan kaya'ng aking pagkakataon
Sa panaginip ko'y mahal mo ko 'ron"Alam kong kay Kaizer na boses yan pero di ko sya makita. Palinga linga ako pero di ko talaga sya makita.
"Akin ka na
Ikaw kasi 'tong tipong minimithi
Yung sabi nilang 'di ka magsisisi
Kaya't tanging hiling ko ay makatabi
ka't maging dahilan ng 'yong mga ngiti"Pabilis na pabilis yung pagtibok ng puso ko. Bakit ganun yung epekto sakin ni Kaizer kapag kumakanta sya. Baka paranoid lang ako. Pero may iba talaga eh. I love his voice.
"Gustong gusto kita
Ba't ba di mo makita
Na iniibig ka
Puso, salita't gawa
Kailan ba may tayong dalawa"Tumabi yung mga tao na nasa harapan ko at biglang sumulpot si Kaizer duon. Grand entrance ang peg but infairness naka salamin sya, mas naging hot sya. Papalapit sya ng papalapit sakin hanggang sa huminto sya sa di kalayuan sakin.
"At sa tuwing ika'y napapadaan
Nabibighani sa iyong kagandahan
Ngunit kahit 'di ka man malapitan
Sa panaginip ika'y pakakasalan na"Ganito pala yung pakiramdam na hinaharana ka sa school ng isang lalaki na sikat sa unibersidad nyo. Kahit kelan di ko pinangarap to. Never.
"Akin ka na
Ikaw kasi 'tong tipong minimithi
Yung sabi nilang di ka magsisisi
Kaya'y tanging hiling ko ay makatabi
ka't maging dahilan ng 'yong mga ngiti"Sumasabay na sila sa bawat beat ng kanta. Yung iba napapakanta at yung iba naman nag papalakpakan. Nakikita ko din ang bawat reaksyon ng mga nasa palibot namin ni Kaizer. Yung iba nakangiti halatang kinikilig,yung iba nakabusangot at yung iba iritang irita. Napangiti nalang ako. Araw ko 'to. Kahit ngayon lang pagbigyan nyo ko.
"Gustong gusto kita ba't ba di mo makita
Na iniibig ka
Puso, salita't gawa
Kailan ba may tayong dalawaAkin ka sa aking imahinasyon
Sana nama'y hindi lang hanggang doon"Napalipbite ako ng matapos ang kanta. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko 2x na ata ang bilis. Langya napaparanoid lang ata ako.
He cleared his throat bago nag salita "To all na andito i just want to clear na NILILIGAWAN KO SI THEA STRAUSS" Inemphasize nya talaga yung 'Nililigawan thingy'.
What?!
The hell!
No way.
Urgh di sila bagay.
That bitch.
Yan ang mga negatibong komento ng iba na umaalingawngaw sa Gym. May naririnig naman akong mga good comments like bagay kami ni Kaizer. Napayuko nalang ako habang kagat kagat ko ang lower lips ko. Hindi naman ako nahihiya kasi manhid na ako pagdating sa mga hiya hiya na yan.
Muling nag salita si Kaizer na ikinatahimik ng iba "For now on, walang mananakit sa mahal ko. Once na nalaman kong pinagti-tripan nyo sya,lalong lalo kana Tamara..." Napaangat yung ulo ko at napalingon kay Kaizer na naka titig na kay Tamara "...Hindi mo na magugustuhan ang susunod kong gagawin sayo"
Lumingon ulit si Kaizer sakin with his sweet smile. Naglakad na sya papalapit sakin at tinulungan akong tumayo. He held my both hands "Thea Strauss this is my first day of courting you. Hindi ko pa ba makukuha ang sagot mula sayo?" Tumahimik ang lahat. Inaabangan ang isasagot ko. Hindi pa ito ang oras para sagutin ka Kaizer.
"Wag mo munang sagutin Thea! Pahirapan mo muna!" Sigaw ni Kent. Isa sya sa member ng basketball team. Sinamaan naman ng tingin ni Kaizer si Kent. Nag hiyawan ang mga basketball players. Kompleto pala sila. Pigil na pigil si Kent para di matawa. Napadako naman agad ang tingin sakin ni Kaizer,hinihintay ang sagot ko.
Ngumiti muna ako bago nag salita "Kaizer hindi mo agad makukuha ang salitang 'Yes' sa isang bagay na ginawa mo gaya nito"
Napa aww naman ang mga nasa paligid namin. Akala ko sisimangot sya o magagalit pero imbes na ganun,ngumisi lang sya. May binabalak na naman to.
"Well then, araw araw kitang liligawan sa harap ng mga taong nakapalibot satin"
Nakakahiya man pero mas nangibabaw yung kilig na dala ng sinabi ni Kaizer. Niyakap nya ako bigla kaya na shock naman ako,lalong lalo na sa mga taong andito. Patay na ata ako kung nakakamatay lang ang mga titig nila.
"Don't be afraid princess i'm here for you anytime" and then he kissed my forehead. Napapikit ako sa ginawa nya. May nag titilian at nag bubulungan sa paligid namin pero pinabayaan ko nalang. As i said earlier, araw namin to ni Kaizer walang pwedeng humadlang.
Nauna kaming lumabas ni Kaizer sa Gym. Holding hands while walking ulit kami. Sa ngayon nasa pathway ng school. Madaming nakatitig samin. Kailangan ko na atang masanay sa tuwing pagpasok ko dito sa unibersidad nato.
"Kaizer about Jiro, ano bang pinagkakaabalahan nya? Palagi na syang absent"
"Business sa company. Kailangan nyang isanay ang sarili nya duon. Ipapamana kasi ni Tito Anton yun sa kanya"
"Sa tingin mo kelan kaya sya babalik?"
Huminto kami sa harap ng Vios kotse nya. Humarap sya sakin na nakapout. So cute.
"I'm jealous puro ka nalang Jiro"
Ngumiti ako at hinawakan ang magkabila nyang pisnge.
"Kaizer hindi mo kailangan mag selos sa kanya. First of all,kaibigan ko sya"
"The big question is: Kaibigan ba ang turing nya sayo?"
Napatigil ako sa sinabi ni Kaizer. I'm--- speechless. Ramdam kong may pagtingin sakin si Jiro and hindi pala alam ni Jiro about samin ni Kaizer. Masasaktan kaya sya kapag nalaman nya ang nangyayari sa pagitan namin ni Kaizer?
He knows na hate ko si Kaizer. Ako na mismo nang nag sabi sa sarili ko na hinding hindi ako maiinlove kay Kaizer dahil sa pagiging masungit nya sakin. At dahil minahal ko na ngayon si Kaizer,magpapalamon na ako ng kusa sa lupa. But i'm not guilty honestly,dahil minahal ko si Kaizer.
"By the way,bakit andito tayo sa parking lot? May mga subjects pa tayo" Pag iiba ko ng usapan. Baka kasi kung saan pa humantong to.
"Oh wait a minute di naman tayo mag tatagal dito" Pumunta sya sa backseat at may kinuha. Bumalik sya sakin na may dalang bouquet ng roses at isang plastic bag "For you"
"Thank you Kai" Sabay hug ko sa kanya. Kinuha ko ang plastic bag at roses. Pagtingin ko sa plastic bag may toblerone,dairy milk and Twix sa loob nito. Tumili ako at nag tatalon talon. Ang saya ko ohhemgeee may chocolates na naman ako "Thank you madami nito Kai ah!"
"Walang kiss?"
Nilapit ko ang lips ko para halikan sya sa cheeks pero lumingon sya kaya sa lips ko sya nahalikan. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Nag simulang gumalaw ang labi nya kaya napapikit nalang ako at tumugon. I love you Kaizer Navarro.
----
A/N:
Thank you for voting,commenting and adding my story to your reading list. Sorry for the grammatical error sadyang trying hard lang bunso nyo po HAHAHA. Thank you ulit and God Bless You 😊Imahinasyon By Tj Monterde
TrixiHeartyMae
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...