Part 45

8.3K 154 10
                                    

Quotes: It's never the tear that measure the PAIN, sometimes it's the SMILE we fake.

---

"Thea please open the door! Baby!" Sa bawat iyak ko palakas ng palakas ang pag katok nya sa pinto.

"Jiro! Ilabas mo si Thea!" Isang malakas na sipa ang pinakawalan nya kaya nagulat ako at napayakap pa ng husto kay Jiro "Mag papaliwanag ako! Please!"

Isang araw na din ang nakalipas pagkatapos ng kababalaghan sa condo ni Kaizer. Nasasaktan parin ako. Napaka sariwa pa sa ala ala ko yung pagkita namin sa kanilang dalawa. Frustrated na din ako,mabuti andyan si Jiro.

"Sshh tara sa kwarto" inalalayan ako ni Jiro papasok sa kwarto nya,nasa sofa kasi kami. Sumisikip ang dibdib ko. Isang araw na din na di kami lumabas dito sa kwarto nato kasi nasa labas si Kaizer. Hindi ko sya kayang harapin. Hindi pa sa ngayon.

Inupo nya agad ako sa kama at binigyan ng tubig.

"J-jiro gusto ko p-pumunta kina m-mama"

"But bab--"

"Please" Pagmamakaawa ko. Sila nalang ang meron ako ngayon. Miss na miss ko na sila mama at lola.

"Okay. Mamayang gabi tayo aalis I'm sure na wala na si Kaizer duon" sabay halik nya sa noo ko. Humiga na ako at pumikit. Ang sakit na ng ulo at dibdib ko sa kakaiyak.

"Sleep well princess" Pahabol ni Jiro at sinarado na ang pinto ng kwarto.

Nagising akong may tumatapik ng mahina sa cheeks ko.

"Tara na?"

Umupo ako na sapo ang noo. Ang sakit ng ulo ko. Tumango nalang ako at inalalayaan nya ako palabas ng kwarto.

"Anong oras na ba?"

"It's already 8 pm"

8 pm? Kung hindi ako nag kakamali apat na oras akong tulog? Paano nalang kung di ako ginising ng isang to? Sa sobrang bigat na ata ng pakiramdam ko kaya napahaba ang tulog.

"Wala na ba si Kaizer sa labas?" ipu-pull na sana nya ang metal na nasa pinto para buksan ito pero napatigil sya sa tanong ko. May bitbit din syang maliit na bag. Damit nya ata.

"I dunno babes but kailangan natin makaalis agad"

Hinila na nya iyon at tumambad sa amin ang nakasandal na Kaizer sa pader. Mukhang dito sya natulog. Napaka gulo ng buhok nya at nakapikit sya. Napagod ata sya. Lalapitan ko sana ng hilahin ako ni Jiro.

"Babes..."

Nakatitig ako kay Kaizer na may halong pagkaawa. I miss you Kaizer pero nag taksil ka.

Umalis na kami ruon at pumuntang parking lot. Sumakay agad ako sa kotse nya at sumandal.

Bumyahe kami ng isang oras. Nakikita ko na yung bahay namin sa dulo. Marami rami na din ang mga umuuwi ngayon kasi bakasyon.

Pinahinto ko ang kotse sa tapat ng gate namin. Kinuha ni Jiro ang bag nya at sabay kaming lumabas sa kotse.

Napangiti ako kahit papaano. Tagal ko na ding hindi nakabisita dito simula nung nag kasakit ako.

"Thea? Anak?" Tawag ni mama kaya niyakap nya agad ako. "Namiss kita anak"

"Namiss din po kita mama. Asan si lola?"

Bumaling ang tingin ni mama sa likod ko imbes na sagutin ako "Sebastian?"

"Mama natatandaan mo parin ako?" Sabay lapit ni Jiro at niyakap si mama.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon