Part 14

10.9K 184 3
                                    

Nasa Cafeteria kami ni Jiro kumakain malamang pfft. Nababaliw ako sa kanya tawa sya ng tawa kasi di daw ako marunong kumain kasi daw kung san san napupunta yung mga maliliit na kanin.

"Hoy! Nakakahiya na pinagtitinginan na tayo oh!" Suway ko sa kanya kumuha ako ng tissue at pinasok sa bibig nya.  Bad na kung bad nakakahiya na sya.

Kinuha nya ang tissue sa bibig nya at itatapon nya sana sakin ng may tumawag sa kanya "Seb!" lumingon kami sa babaeng tumawag ng pangalan nya. Maganda,naka V neck color Pink,Maputi tsaka Model ba to? Sino ba to? Ex ni Jiro? Umupo sya sa tabi ni Jiro at kumiss sa cheeks. Parang close sila halata naman di ko nga mahalik halikan cheeks ni Jiro eh. Ano bang pinagsasasabi ko.

"Who is she?" ngiting sabi nya at tumingin sakin. Parang mabait naman sya pwedeng kaibiganin. Wow taray ko ah.

"The girl of my life" sabay hawak nya sa kamay ko. Syeeeet The girl of my life daw omfg! Nag ba blush na me!

"Aww so sweet" Sabi ni girl with matching puppy eyes "By the way" Kinuha ni girl yung kamay ko na hawak ni Jiro "I'm Queen Anastasia Navarro"

Wow kaya pala ang ganda na nga ng pangalan pati na din ang may ari. Nava--- OMG!

"Don't be shy and oh don't you ever think na isa ako sa mga babae ni Jiro" Sabi ni Tasia at nag shake hands kami. Babae ni Jiro? andun na sana ako sa pag iisip na isa sya sa mga babae ni Jiro. So mag cousins sila ganda naman ng lahi ng mga Navarro talaga. Kinuha ulit ni Jiro ang kamay ko at inirtertwin.

"He's not my oh fucking ideal boy" dagdag nya pa ang hilig nya mag sabi ng oh.

"Siya si Thea Strauss yung kinikwento ko sa inyo. By the way Queen what brings you here?"

"You didn't miss me?" Sabay pout ni Tasia. Ang cute nila tignan yung parang hindi nila pinapamukha kay Jiro na hindi sila mag kadugo,pinapamukha nila kay Jiro na andito lang sila para sa kaniya at handang suportahan,yung parang galing talaga si Jiro sa totoong Navarro. Yun yung nararamdaman ko napaka close nila sa isa't isa.

"Que---" tumayo si Anastasia akala ko aalis na pero hinablot nya yung phone nya sa bulsa nya at pumunta sa akin.

"Let's take a picture" sabi nya. Ang panget ko di ako nakapag handa "Don't cha worry maganda ka naman like me" dagdag nya at ngumiti napangiti naman ako sa sinabi nya.

Di ako maganda unlike sayo. Napaka perpekto mo ng babae para sakin na di maabot abot ng ibang mga babae dyan.

Ngumiti kaming tatlo sa picture na yun at yun ang pinaka unang picture na kasama ako na nasa cp ng ibang tao. Di ako mahilig mag selfie sa totoo lang. Weird? Sadyang hindi lang ganyan ang pinagtutuunan ko ng oras ko. Likers sa FB? Nah di ka naman makakakuha ng mataas na grado dun siguro magiging famous ka pero lang wala ka namang nalalaman about sa pag aaral. San na ba ako? Dami kong salita.

Nagpaalam na si Anastasia samin na uuwi na sya ayaw nya daw sa sunod na subject nila babalik nalang daw sya kapag natapos na daw yung sunod na subject kasi daw nakakainis yung prof. Nag hintay pa kami ng ilang minuto para magpahinga muna at pumunta sa next subject namin sa Building B. Ang lalayo pa naman ng mga buildings dito lalo na kapag sa third subject o fourth subject ang init init kasi tsaka nakakatamad kaya mag dala ng payong.

Sa next subject ko na subject din ni Jiro andun yung mga kaibigan ko at handa na akong ipakilala si Jiro sa kanila. Parang boyfriend lang no? Hahaha. Naglalakad na kami papuntang building B ng magsalita sya.

"Babes hindi mo ba nakikita si Kaizer?" Tanong nya kaya nabigla naman ako

"Ngayon mo pa tinanong yan. Oo nga pala ngayon ko lang sya di nakita dito sa school. Siguro nag f flirt yun ng mga chicks"

"Chicks as in Chickens?"

"Pabibo ka rin eh no" Piningot ko ang tenga nya ng mahina.

"Aray!" makareact to para namang masakit.

'Si Kaizer ngayon lang pumasok na late'

'Talaga? Maaga naman sya dati ah'

'Kaya nga eh'

Si Kaizer? Pumasok ngayon lang? Napahinto kami sa pag lalakad at napatingin naman ako sa lalaking papasok palang ng gate. Yung mga mata ng mga girls na nakakasabay namin dito kumikislap ang mga mata. Naka black V neck and jeans lang naman sya. Hindi naman nerd pero minsan naaabutan ko sya na naka reading glass,sa bahay nga lang hindi dito sa school.

"Kaizer!" Sigaw ni Jiro sa kanya kaya napatingin si sungit sa direksyon namin. Nakita kong nag smirk sya at naglakad papunta samin. Oh no! Wag kang lalapit Kaizer! Mag kaka world war 69 este IV tayo dito.

"Yo bro" sabi ni Kaizer "Whats with this girl?" napadako yung tingin nya sakin. Ha! Anong sabi nya? Suntukin ko kaya sya.

"I told you bro childhood friend ko sya" sabay akbay sakin ni Jiro kaya napayuko naman ako. Ayokong tumingin sa mga mata nyang nakakaakit este nakakamatay.

"Tss" yun lang ang nasabi nya at nakita kong nag hands on pocket sya.

"Let's go babes,mauna na kami Kai" bago pa kami makalayo napatingin ako kay Kaizer na di sinasadya. Nag salubong na naman yung mga kilay nya. What's wrong with him hays walang araw na di ko sya nakikitang di nagsasubong ang mga kilay ng dahil sakin.

"Ayos kalang?" tango lang ang bilang ganti ko sa sinabi nya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun sya sakin.Pwede naman talaga sakin na di kami maging friends pero wag naman ganun na parang kulang nalang sakalin nya ako sa tingin nya like duh ayaw nya naman sakin no as if naman na magiging friends kami.

Pagdating namin sa room umupo na agad ako with Jiro. Sana nga lang si Jiro nalang ang para sakin yung mamahalin ako ng buo. Panghahawakan ko yung mga salitang binitawan nya sakin.

----------

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon