Part 46

7.9K 150 7
                                    

Quotes: When your kids grow up they will realize that when you said no, you were saying I love you.

-----

Hindi ako nakatulog mula nung umalis sila mama. Sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Jiro.

Napabuntong hininga nalang ako at pumikit. Napamulat ako ng mata ng bumukas ang pinto.

"J-jiro"

Lumapit sya sakin at niyakap agad ako. Ngumiti ako at niyakap rin sya.

"I-i'm sorry sa inasta ko kanina"

"I know.. I know" Tinapik ko ang likod nya. Umupo sya sa tabi ko kaya umurong ako ng kaunti.

"Lumayo tayo dito Thea"

"H-ha? Hindi ayoko. Paano sila mama?"

"Isasama natin sila. Kahit saang bansa basta wag lang dito. Mas makakabuti pa sa inyo ng anak mo. Ipapagamot na rin natin si mama"

Napayuko nalang ako at napakagat labi. Iniisip ko palang hindi ko na kaya pero kapag naiisip ko naman yung ginawa ni Kaizer sakin, mas hindi ko kaya.

"Pag iisipan ko" Pumikit na ako at natulog.

JIRO POV.

Bumukas ang pinto na may dalang bag sila mama kinuha ko naman iyon at inilagay sa sofa. Umupo naman sya ruon.

"Ma"

"Oh Seb bakit? May problema ba?" Umiling ako at umupo sa tabi nya.

"Ma gusto ko humingi ng approval mo. Ilalayo ko kayo nila Thea dito. Kahit saang bansa ang gusto nyo dadalhin ko kayo dun"

"Seb parang tunay na din kitang anak. Alam kong nag aalala ka kay Thea pero hindi mo sya kayang ialis dito"

Napabuntong hininga ako at sumandal sa sofa "Kaya nga ma gusto ko ng approval mo. Alam kong mapapapayag mo sya" Ngumiti sya at tumango.

"One more thing ma ipapagamot kita"

Napalingon sya sakin dala ang kanyang serious face "Hindi mo gagawin yan"

"Ma parang tunay na din kitang ina kaya wag na matigas ulo" Sabay halakhak namin. Napatingin ako sa bag na may damit "Teka ma bakit may dala kayong damit? Hindi naman mag tatagal si Thea dito eh"

"Ah ganun ba? Akala ko mag tatagal pa. Oh sya gisingin mo na si Thea para kumain. 11 pm na rin" Tumango ako at pumunta kay Thea. Bakit hindi ka nalang naging akin? Bakit siya pa? Ayan tuloy nasasaktan ka. Andito naman ako,nag mamahal sayo.

Iniuwi ko na sila mama at lola dala ang bag na dinala nila. Bukas na bukas uuwi na rin kami. Bumalik ako agad sa hospital at chineck ang lagay ni Thea. Mahimbing parin nag tulog nya. Ayoko syang gisingin dahil nag da-day dream na yan.

Hinila ko nalang ang upuan papunta sa bed ni Thea. Naupo ako ruon at hinawakan ang kamay nya. Malamig iyon.

Nakatulog akong hawak hawak ang kamay nya.

THEA POV.

Nagising akong hawak hawak ni Jiro ang left hand ko.

Nakapag desisyon na akong aalis kami dito para na rin sa ikabubuti ng pamilya ko. Gusto ko mapagamot si mama. May mga naipon akong pera pang opera ni mama at dala dala ko yun.

Dahan dahan kong inalis ang kamay ni Jiro sakin at tumayo na. Okay na naman yung pakiramdam ko eh.

May pagkain sa mesa malapit kay Jiro kaya kinain ko nalang yun at umupo sa sofa.

Napahawak ako sa tyan ko.

"Hinding hindi kita ipapapalaglag baby. Hinding hindi na rin mag iisip si mommy ng mga negatives para hindi tayo mapasama" Ngumiti ako dahil sa mga pinagsasabi ko. Isa na rin ito sa napakahalagang regalo na natanggap ko sa tanang buhay ko. Napaka advance naman nito pero nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan ako ng regalo gaya nito. Thank you rin Kaizer binigyan moko ng anghel.

"Babes?"

Napaangat ako ng tingin "Oh Jiro gising kana pala"

Tumayo sya at lumapit sakin "Okay na ba pakiramdam mo?"

Tumango lang ako at na discharged na rin ako sa hospital. Nasa loob na kami ng kotse habang tinatahak ang daan papuntang bahay.

Nilingon ko muna sya at nag salita "Nakapag decide na ako"

Napangiti naman sya agad "That's great" Hindi sya nag atubiling lingunin ako. Yun nalang yun? Nag kibit balikat nalang ako at inihilig ang ulo sa bintana ng kotse.

Nang makarating kami bumaba na agad ako at pumasok sa bahay. Dis-oras na ng gabi at tulog na sila mama panigurado.

"Sa sofa nalang ako matutulog"

"Hindi!" Pagtanggi ko "Tabi na tayo matulog. Wala ka namang gagawin sakin diba?"  Sabay halakhak ko. Pumasok na ako sa kwarto at ganun rin sya. Humiga na ako ng sa left side at sya naman sa right side.

Mabilis akong nakatulog dahil na rin sa paghina ng katawan ko.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Wala na rin si Jiro sa tabi ko. Tumayo na ako para makapag almusal na kami ni baby.

Nag hilamos muna ako bago lumabas ng kwarto at nag hikab.

"Apo halika na kakain na"

Tumango lang ako at sumunod kay lola. Andun na rin pala sila Jiro at mama nag tatawanan.

Umupo ako sa tabi ni Jiro at nag simula na kaming kumain. Nag tatawanan at kwentuhan lang ang ginagawa namin buong magdamag.

May sinabi pa nga si mama na bakit hindi nalang daw si Jiro? Bakit si Kaizer pa? Kasi mas mahal ko si Kaizer bilang ama ng anak ko. Mahal ko rin naman si Jiro as a friend. Isasagot ko sana yan kaso lang baka ma offend si Jiro kaya nanahimik nalang ako.

Ayoko na mag ka issue pa at lalong lalo na sila nalang ang meron ako.

Pagdating namin sa bagong titirahan namin,i'm sure walang humpay ang gala ko nito. Exciting kaya mag adventure. Lalaki ang anak ko sa spoiled family. Spoiled nga ako pagdating kay mama at lola eh pano pa kaya sa anak ko?

Biglang pumasok sa isip ko si Kaizer. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Alam kong nasasaktan sya gaya ko pero mas ako.

Kailangan ko mag moved on sayo Kaizer. Kung dadating man yung araw na mag kikita ulit tayo sana lang nasa mabuting babae ka. Masaya.

Maraming binili sila mama para sakin at sa baby. Nakakaramdam na rin kasi ako ng pagkalabis na gutom. Handa na akong tumaba para lang mabuhay ka anak.

Gusto kitang alagaan baby. Kahit na wala si daddy,andito naman si mommy. Ikaw lang yung napakagandang regalo na iniwan sakin ng daddy mo.

-----
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon