Andito na ako sa kwarto ko at inaalala kong bakit ako pumayag ng walang pag aalinlangan na maging girlfriend ako sa harap ng mga magulang ni Jiro. Kahit na Navarro sya ngayon iba padin yung Jiro dati. Simple lang,simple naman sya ngayon at sweet.
Nag pagulong gulong ako sa kama ko hanggang sa nag ring yung phone ko. Si Kaizer.
To: Mr. Sungit
Go to my room now.
Ano na naman pakulo to Kaizer? Ahh oo kasi nga diba ngayon lang ako nakauwi kasama si Jiro. Tsk tumayo na ako at nag ayos. Lumabas na ako ng kwarto. 2nd floor ang bahay kaya yung kwarto namin ni Yaya nasa gilid ng hagdan imagine-nin nyo nalang. Pumuntang ako taas at kumaliwala. Makikita mo agad ang isang kwarto dun. Yun ang kwarto ni Kaizer.
Huminto ako sa tapat ng pinto at kumatok.
"Pasok" isang malamig na tinig ni Kaizer lang naman yun. Pinihit ko na yung door knob at dahan dahang pumasok na di nakatingin sa loob kundi sa door knob lang at sinarado ang pinto.
"Enjoyed with Seb?"
Napalingon ako kay Kaizer na naka--- Omoooo napapikit agad ako sa nakita ko. Naka topless lang naman po si Kaizer himwehimwe yummy este nakakahiya. Sabi naman kasi pumasok edi pumasok.
"A-ano kaba mag d-damit ka nga!!" Nauutal kong sabi. Tinakpan ko na ang mukha ko gamit ang mga kamay ko ng may humawak sa kamay ko at inilagay yun sa isang omoooo mga pandesaaaaal O.O
"Open your eyes lady"
Kinakabahan ako what if pag open ng eyes ko nakahubo't hubad na sya? Omooo wag naman inusente is me pero baka naman di sya nag hubad ng ano baaaa Thea!!!!
"Lady" Nararamdaman kong nag lean sya kaya napaatras ako at na corner sa pinto langya naman. Jiro jiro help me!! Naramdaman ko naman yung pag hakbang nya palapit sakin.
"Open your eyes now" Bulong nya sakin. Nararamdaman ko yung hininga nya sa leeg ko. OhmyGod! First time ko kabahan ng ganito kay Kaizer. Bat ba sya ganito?? Na curious na ako kaya minulat ko na ang mga mata ko ng pagmulat ko. Ang lapit na ng mukha nya sakin. 1 inch? Waaaaaaah!
"Shocked?"
Sabi nyang naka smirk. Walangya ka Kaizer kapag talaga nabuntis ako at di mo pinanindigan. Lumayo sya ng bahagya kaya naka hinga ako ng maayos. Tapos nilapit nya ulit ang mukha nya sakin kaya di ako makahinga baka mabaho bibig ko kapag masabi nya kaya inhale lang Thea inhale lang. Nag smile lang sya at lumayo na nga sakin. Pumasok sya sa cr at napaupo naman ako sa sahig. Naging jelly yung tuhod ko. Kapag kay Kaizer kinakabahan ako na di ko mabasa yung isip nya kung ano bang gagawin nya sakin. Papatayin nya ba ako sa sarap este gamit ang gunting,kutsilyo o kung ano ano pa dyan.
Napapikit ako habang hawak hawak ang dibdib ko. Wag kayong ano may dibdib ako di ako plat gaya nyo aba. Napasandal ako sa pinto at huminga ng malalim.
Tumayo na ako bago nya pa ako maabutan na ganito at masabihan na napaka apektado ng ginawa nya sakin. Inayos ko ulit ang sarili ko at aalis na sana nang may nag salita.
"Pinapapunta kita dito then aalis ka ng walang paalam?"
Nag tiim bagang ako na hawak hawak ang door knob sana. Urgh!
"Dalhin mo ito kay tanda" humarap ako at may hinahalungkat sya sa drawer nya at ng mahanap nya ang color blue folder ibinigay nya na sakin at lumabas na ako. Yun lang ba? Pwede namang si Yaya tawagin nya pero nga naman yaya niya ako nag t trabaho ako sa kanila kaya bawal ako mag reklamo. Sya ang boss ko dito.
Pumunta na ako sa kanan na kwarto at kumatok.
"Come in"
Pumasok na ako at nakitang may kausap si Sir Ceizar. Di pa naman masyado ganun katanda si Sir Ceizar eh. Ewan ko ba kung bakit galit si Kaizer sa papa nya kasi samin kahit na katulong lang ginagalang din nya kami na parang kapamilya na nya lalo na si Manang.
"Excuse me po Sir pinapabigay po ni Kaizer"
Inilagay ko ito sa desk nya at nag pasalamat naman sya habang nakangiti. Yumuko ako bilang galang sa kaniya at sa kausap nya. Lumabas agad ako at bumaba ng hagdan. Wala akong balak gantihan si Kaizer sa ginawa nya at baka kapag gumanti ako masisante pa ako. May mama ako na kailangan pa ipagamot.
Pumunta akong labas at dumeritso sa garden. Madaming klaseng mga bulaklak dito may roses sa kabila,sunflower yung mga common flowers pero magaganda ang pag design lalo na sa harap ng bahay. May isang fountain sa gitna. Ang mga flowers area nasa kanan ng gilid ng bahay at yung nasa kaliwa ng gilid ng bahay eh garahean ng mga cars nila. Daming sasakyan no? Lalo na si Kaizer. Gusto nya kasi yung mga latest car. Sa likod naman di mawawala ang swimming pool sobrang laki ng swimming pool.
Minsan pa nga ako yung nag lilinis dun at nandidilig ng mga halaman na nakapalibot sa pool kapag wala na akong gawain kay Kaizer. Ang ganda kasi eh nakakarefresh ng utak.
----
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...