"A-ah--" Mag sasalita na sana ako para magpaliwanag pero inunahan ako ni Kaizer.
"She's makulit kasi kaya hinawakan ko ang kamay nya" sabay bitaw ni Kaizer sa kamay ko. Wow ang kapal nya pero salamat na din sinalba nya ako.
"Ahh" Mukhang naniwala naman sya then inakbayan ako ni Jiro "Wag kasi makulit babes kaw talaga" Naglakad kami palabas ni Jiro sa kwartong yun. Ayan na naman yung mga matang nakatitig samin habang nag lalakad.
"By the way babes gusto mo bang pumunta sa bahay ampunan? Yung sinabi kong charity? Di ko pa kasi nabibigay yung binili natin nung nakaraan"
"Di kana ba busy?"
"Hindi na din eh katatapos lang namin sa meeting. Tara?" tumango ako at sumunod lang sa kanya. May kinuha muna sya sa office nya bago bumalik sakin. Wait si Kai--
"Hindi nyo ba ako isasama?" Napahinto kami ng mag salita si Kaizer. Napakagat labi ako. Humarap si Jiro kay Kaizer.
"Syempre bro kasama ka" Iniwan ako ni Jiro mag isa habang sya papalapit kay Kaizer. Okay naiwan ako. Nag lakad ako mag isa papuntang elevator habang ang dalawa nag daldalan. Pumasok na agad ako sa elevator ng bumukas at sumunod naman ang dalawa.
Puro sila tawa. Ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganun si Kaizer pero parang naiilang sya. Nang makapasok na kami di na sila nag kibuan. Ang tahimik naman.
"Jiro"
Napaharap si Jiro sakin "Hmm?"
"Wala" sabay ngiti ko. Naiilang din ako. Iba yung atmosphere namin dito. Ang tagal naman makababa 5th floor pa kami. Ngumiti lang din si Jiro. Nang makarating kami sa baba nauna na silang nag lakad at ako naman nasa likod nila.
Nilingon ako ni Kaizer at hinila. Yung tipong nag lalakad kayo na parang fierce tapos napapagitnaan ka ng nag gwa-gwapohang nilalang.
Nang makalabas na kami pinag aagawan ako ng mga to.
"Sakin na sasakay si Thea" Sabi ni Jiro
"No! Ako ang nagdala sa kanya kaya sakin sya sasabay"
Haba ng hair ko diba? Pero mamaya na pagpapakafeeling prinsesa ko.
"Teka nga!" inawat ko silang dalawa. May namumuong love team este tensyon sa pagitan nila "Gusto nyo mag commute nalang ako?"
"No" Sabay nilang sabi. Napabuntong hininga nalang ako. Nag sasalubong na mga kilay nila kulang nalang mag patayan. Ganun ba ako kaganda? Char lang.
"Ganito nalang. Sasakay tayo pareho sa jeep,ayos ba?"
"Hindi! Ayoko sumakay sa jeep" Pag tanggi ni Kaizer. Kakaltukan ko na talaga to. Okay lang naman kay Jiro kasi naranasan nya din sumakay ng jeep,ewan ko lang kay Kaizer. Narinig ko pang tumawa si manong guard. Hinila ko na silang dalawa at pumara ng jeep.
Na unang sumakay si Jiro na nakangisi. Alam ko kung anong iniisip nito. Sumunod ako at sumunod si Kaizer. Napagitnaan nila akong dalawa. Umandar ang jeep. Ang sikip sikip dito naiipit ako sa dalawang to.
"Kaizer umayos ka nga!" Pano ba naman kasi yung mukha nya nasa balikat ko na. Napapamura sya sa bawat pag preno ng jeep. Mas lumaki pa yung ngisi ni Jiro. Langya talaga ng lalaking to. Alam nya namang hindi sumasakay si Kaizer ng jeep ngumingisi pa sya.
"Thea nasusuka ako" Bulong nya sakin. Patay tayo dyan di pa nga kami nangangalahati sa byahe.
"Manong para!" Sita ko sa driver. Bumaba agad si Kaizer at sumunod naman kami. Binigyan ni Jiro ng isang libo ang driver. Tinawag pa nga sya pero sinabi nyang keep the change nalang daw.
Nasa waiting area kami ngayon. Nag hihintay kami ng taxi. Pumara agad ako ng may paparating. Pinasakay ko na agad si Kaizer at Jiro. Si Jiro nasa passenger seat at kami ni Kaizer nasa likod.
May sinabing address si Jiro na di ko alam kung saang banda yun.
"Okay kana ba?" Tanong ko kay Kaizer
"Medyo" napasandal kaming dalawa sa boarder.
"Ayan kasi sabi ko namang sakin na sasabay si Thea napilitan tuloy tayong sumakay ng jeep" Sabat ni Jiro. Sarap sipain nito.
"Tama na nga Jiro!" Suway ko. Tumawa sya at nanahimik ulit ang paligid. After 5 minutes nakarating na kami. Bumaba ako at sumunod si Kaizer. Nag bayad muna kami bago tuluyang pumasok sa gate. Pagpasok namin sa gate bumungad ang mga magaganda halaman sa paligid. May fountain din sa gitna ng daan parang kina Kaizer pero mas maganda nga lang kina Kaizer.
"Kuya Kaizer! Kuya Jiro!" Napalingon kami sa mga batang tumatakbo papunta samin. Ang cute cute nila. Nakakagigil. Dinaganan nila si Kaizer at si Jiro. Napahalakhak naman ako sa nakikita ko ngayon. Ganito ba sila ka close sa mga bata? Like Kaizer.
Napangiti ako ng makita kong kinikiliti sya ng mga bata at inaasar. Ganun din naman kay Jiro. Mahilig sa bata si Jiro di mapagkakaila yun. Ngayon ko lang din nakita si Kaizer na malapit sa bata.
"Sino po sya?" Turo sakin ng tabachingching na lalaki. Ang cute cute nyaaa.
"Sya si ate Thea nyo" Pagpapakilala ni Jiro sakin. Lumapit ang mga bata sakin at niyakap ako. Umupo ako para maging ka level ko na sila. Niyakap ko naman sila.
"Ate sama ka samin" Sabi nung tabachingching na bata
"Raiden wag mo papagurin ate Thea mo" Sabi ni Kaizer. Hinila naman ako ng mga bata. Nilingon ko silang dalawa. Pinanlakihan ko ng mata. San ako dadalhin ng mga to? Nag kibit balikat lang sila at dinala ako ng mga bata sa likod ng simbahan.
Pumasok kami sa malaking bahay. Dinala nila ako sa second floor ng bahay. Duon bumungad sakin ang mga sisters. Napalingon silang lahat saamin o saakin.
"Kasama po sya nila kuya Jiro at kuya Kaizer sister" sabi nung babaeng mataba din.
"Oh ano pang hinihintay nyo?" naguluhan ako sa sinabi ng isang sister. Malapad yung mga ngiti ng mga sisters na andito.
Pinasok ako ng mga bata sa kwarto. Nilock din nila ang pinto. Yung iba kumuha ng mga make ups. Yung iba naman tumatalon talon sa kama. Ang saya nila tignan pero anong ginagawa namin dito?
"Ate aayusan kalang namin ah?" sabi ng isang batang lalaki na ngayon ko lang napansin. Ang gwapo nyang bata.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.
----
A/N:
Ngayon ulit ako nakapag update. Anyways,malapit lapit na din mag end tong story at nag iisip na naman ako ng panibagong story sana subaybayan nyo padin po. Salamat sa mga nag babasa nito 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/109537353-288-k90229.jpg)
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...