Quotes:The love in our family grows strong and deep, leaving special moments to treasure and keep.
-----
"Maayos na ba ang lahat?" sabay tingin ni Jiro sa akin.
"Oo ata" Pag sang-ayon ko kay Jiro. Inilalagay ni Jiro lahat ng bagahe namin sa likuran ng kotse nya. Yes,aalis na kami ng pinas. Mamimiss ko ito. Ilang araw na din ang nakalipas mula nung pangyayari sa hospital.
Nagsusuka parin naman ako at parami ng parami ang nakakain ko. Minsan nga pinaghahanda nila ako ng napaka sarap na pagkain pero hindi sumasang ayon ang lasa nito sa akin.
"Let's go"
Tumango lang ako. Nilingon ko muna ang munting bahay namin bago kami nawala duon. Tinatahak namin ang daan papuntang NAIA. Sa mga kalyeng nadadaanan namin at mga batang madudungis i'm sure mamimiss ko sila. Dito ako lumaki kaya for sure maiiba ang environment namin sa Korea.
Yes Korea. Gusto ko talagang makapunta ng Korea. Kahit tumapak lang duon ayos na sakin pero hindi lang kami aapak duon, titira pa kami.
Ilang taon kaya ako mamamalagi ruon? Syempre panghabang buhay na unless kapag bumalik dito sa pinas.
Nang makarating kami sa NAIA bumaba na agad kami at nilagay sa pushcart ang mga dala namin. Si Jiro na ang nag tulak nito. Bawal daw akong mag tulak o magbuhat man lang. Kahit ganuon sila sa akin mahal na mahal ko parin sila and nagpapasalamat ako dahil sa paghihigpit nila sakin. Napapatawa na nga lang ako minsan.
Pumasok na kami sa Airport at pumunta agad sa flight namin. Limang minuto nalang din at aalis na eroplano.
Matapos namin sa loob ay pumunta na kami sa aming eroplano. Sosyal no? Umakyat agad kami dito habang inaalalayan si Lola. Mahina na rin kasi ang tuhod.
Nang makapasok kami nag hanap agad si Jiro ng mauupuan. Umupo sila mama sa gitna at kami naman ay nasa left side. Nasa bintana ako malapit. Gusto ko kasing makita ang mga ulap. Napaka babaw ba? Ganun talaga eh.
Maya maya ay naramdaman ko na ang pag galaw ng eroplano.
Masaya ako at pinag isipan ko na ng maigi to. Kahit na iiwan ko ang taong mahal ko parin hanggang ngayon,hindi matatanggal sa mata ng Diyos at sa pamilya ko na may rights parin si Kaizer pero sya na mismo ang kusang sumira ng tiwala ko.
Nabaling ko nalang ang tingin ko kay Jiro na nakatitig rin pala sa akin. Ngumiti muna ako at nag salita "Thank you" Pabulong kong sabi.
"For what?"
"Kasi tinutulungan mo kami kahit na napaka hirap nito para sayo"
Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga kamay namin "Kusa ko itong in-offer sayo and hindi ako nadismaya kaya maraming salamat rin. Pamilya ko na rin kayo"
Napangiti nalang ako at inihilig ang ulo ko sa balikat nya. That's my bestfriend.
Nag simula ng bumigat ang mga mata ko kaya mabilis akong nakatulog.
Nagising ako na ganuon parin ang posisyon namin pero ang ulo ni Jiro ay nasa ulo ko na rin. Hindi na ako nagtangkang gumalaw pa dahil alam kong natutulog rin sya.
Pumikit nalang ako ulit at humawak ng maigi sa kamay ni Jiro. Hindi ko na talaga kakayanin pa ang mabuhay sa mundong ito kapag niloko ako ng pamilya ko lalo na itong lalaking nasa tabi ko.
Nagising ulit ako dahil sa pagkalas ng kamay ni Jiro sa akin.
"Oh babes i'm sorry nagising ka tuloy"
Bahagya na akong napaangat ng ulo. Ngumiti lang ako sa kanya at ibinaling ang aking tingin sa labas ng eroplano. Wait,nag lalanding na kami. Naexcite tuloy ang buong sistema ko. The plane made a smooth landing.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...