"Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
‘Di mo ba pansin?"Nakatitig lang ako kay Kaizer habang nag gi-gitara,habang sya nakayuko. Hindi ko alam na marunong pala sya nito.
"Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling mag kakalayo"Bumibilis ang tibok ng puso ko. Di ko na alam kung saan ako lulugar sa puso mo Kaizer.
"Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal kang talaga
Tayo ay iisa"Napatitig na sya sakin ngayon. Nahihirapan ako huminga Kaizer. Ang alam ko lang talaga sa sandaling ito konting kembot nalang mahuhulog na ako sayo.
"Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
‘Di na muling magkakalayoUnos sa buhay natin
‘Di ko papansinin
Takda ng tadhana
Ikaw ang aking bituinIkaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
‘Di na muling magkakalayoIkaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
‘Di na muling magkakalayo"Binaba nya yung gitara at hinawakan ang kamay ko. Walang umiimik samin sa sandaling iyon. Ang ganda pala ng boses nya. Nakakaramdam ako ng kakaiba kay Kaizer. Medyo na liliniwanagan na ako sa nararamdaman ni Kaizer para sakin,kahit hindi nya sabihin. Sa pinarating nyang kanta yun yung pruweba pero ayoko muna mag assume,masakit eh. Hihintayin kong ikaw ang mag sabi Kaizer.
"I'm sorry lately. Hindi ko naman intensyon na iwan ka dun"
"San kaba pumunta?"
"Kumuha ng gitara sa office"
"Gitara mo yan?" Tumango naman sya. Kitang kita ko ang paglungkot sa mukha at mata nya "Apology accepted" sabay ngiti ko. Hindi padin nag iba ang timpla ng mukha at mata nya pero nakangiti na sya ng pilit.
"Wag kana malungkot" Hinawakan ko ang magkabilang pisnge nya "Treat mo nalang ako para makabawi ka"
"Really?" Tumango ako at umupo sa bed. Nasa clinic ata ako. Kami lang yung tao dito. Asan ba yung mga nurse?
"Nga pala Kaizer yung subjects natin"
"Dont worry pinaalam ko na sa kanila kanina"
"Bat mo alam mga subjects ko? Stalker kita no?" sinundot sundot ko yung pisnge nya. Namula naman ang mukha at tenga nya. Stalker ko talaga ata to.
"H-hindi ah!"
"Asus nauutal kapa nga" Tumawa ako kaya mas namula pa sya lalo. How cute Kaizer. Nag iba ang timpla ng mukha nya. Sumeryoso.
"Let's go?"
"Ha? Saan?"
"Just come with me" hinila nya na ang kamay ko at nag lakad palabas ng clinic. Wala ng mga students ang naglalakad sa school kasi nasa kanya kanyang mga rooms na sila.
Pumunta kami sa parking lot. Lumapit sya sa Vios na sasakyan nya color silver. Bago na naman ba?
"Bago to?"
"Ah yes" Pinagbuksan nya ako ng pinto sa passenger seat. Pumasok naman ako at umupo ng mabuti. Umikot sya at binuksan ang pinto ng driver's seat tsaka umupo. Kinuha ko ang seatbelt ko.
"I insist" Kinuha nya sakin ang seatbelt kaya napalingon ako sa kanya. Sobrang lapit na naman nya. Bumibilis na naman ang pag tibok ng puso ko. Nang matapos na nyang malock yung seatbelt ko.
"Breathe Thea" Pang asar nyang sabi. Halos di na kasi ako humihinga. Napasinghap naman ako pagsabi nya yun. Ngumiti lang sya at ninakawan ako ng halik bago bumalik sa kanyang pwesto.
"Bwiset na mokong to" I speak in a murmur.
"Narinig ko yun"
In-start na nya ang engine at lumabas na sa parking lot.
After 5 mins nakarating kami sa park. Nasa 3-4 mins lang sana kung hindi traffic. Napamura tuloy kanina si Kaizer.
Pinark nya sa gilid ang kotse. Wala namang mga adik adik dito na kukunin yung plaka or gagasgasan yung kotse kaya madaming nakapark na kotse dito sa gilid ng park. Di rin nag kakaaberya kasi medyo malayo sa highway.Nauna syang lumabas at pinagbuksan ako.
"Salamat" sabay ngiti ko. Lumabas naman ako sa kotse.
"My pleasure" sabay kindat nya sakin. Tumaas lahat ng balahibo ko.
Hinawakan nya ulit ang kamay ko at nag lakad papasok sa park. May nakita akong nag titinda ng isaw,kwek kwek,ice cream etc.
"Kaizer! Bili tayo nun" Nguso ko sa mga nag titinda. Dinala naman nya ako dun.
"Manong apat na isaw" kukuha na sana sya ng wallet ng pinigilan ko sya.
"Ako na Kaizer"
"I said my treat,right?"
Sabi ko nga. Nakakahiya pala mag demand pero madaling sabihin na 'Treat mo nalang ako'
"Here" Abot nya sakin ng dalawang stick ng isaw. So,sakanya pala yung dalawa?
"Kumakain ka pala nito?"
"Why not? And masarap sya" sa mga ganitong paraan nakikilala ko ng lubos ang isang Kaizer Navarro. Napangiti lang ako na nakatingin sa kanya. Para syang bata na takam na takam sa isaw. I chuckled.
"What?" napahinto naman sya sa pagkain nya at nakataas ang kilay.
"Nothing" Ginaya ko yung tono na pag susungit nya. Natutuwa ako kasi kahit sa ganitong paraan nakakapag banding din kami. Matapos namin kumain ng isaw. Naglalakad kami habang nakahawak kamay papuntang bench nang may nakabanggaan ako. Isang lolo.
"Hala! Lolo" Tinanggal ko ang kamay ko sa kamay ni Kaizer at tinulungan si Lolo na tumayo "Sorry po hindi ko po sinasadya sorry"
Lumingon sya sakin at ngumiti "Ayos lang apo" Parang may sakit si Lolo medyo may katandaan na din ata at may baston na. Halatang mayaman lalo na sa Baston at sa tuxedo nyang suot.
"Sorry po talaga" napakagat labi ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Isa kang mabuting bata. Pagpalain ka ng poong may kapal" Pinat nya ang ulo ko at umalis na sya. Bumalik lang ako sa wasto nang kinalabit ako ni Kaizer.
"Are you okay?" Tumango lang ako bilang sagot sa katanungan ni Kaizer. Parang may bumabagabag sa isip ko. Parang kilala ko sya na hindi ko alam kung san ko sya nakita. Hindi ko matandaan na kilala ko ba sya o nakita na ba talaga sa isang lugar.
Hinawakan ni Kaizer ang braso ko at nagtungo kami sa isamg bench atsaka umupo.
"Something's bothering you Thea. Kilala mo ba yung matanda?"
"Hindi ako sure"
Tumahimik lang kami sa sandaling iyon. Di nag tagal umuwi na din kami sa condo ni Kaizer. Nagpahinga ako ng ilang minuto at lumabas lang ng kwarto para kumain ng hapunan. Iba ang tama ni Lolo sakin. May kakaiba talaga sa kanya lalo na yung ngiti nya at pagsasalita. Soon,malalaman ko din yan.
-----
TrixiHeartyMae
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...