Part 32
"Uy Thea pahingi kami!"
"Ang damot talaga ng babaeng to"
Lunch break namin. Nasa labas kami, with my friends except kay Markie kasi may activity daw silang dapat tapusin at nakaupo kami ngayon sa bench. Wala din namang mga guro na pumapasok samin so ayos lang.
"Girls pabayaan nyo na si Thea. Sige kayo! Kapag nagalit si Kaizer" Sabat ni Stephen. Si Stephen sya yung pinsan ni Tony na napasama samin. Kanina lang din namin sya nakilala. Mabait naman sya.
"Bibilhan mo kami nyan?" Sabay turo ni Miya sa plastic bag na yakap yakap ko. Kukunin kasi nila babies chocolates ko eh.
"Syempre libre ko kayo!" Proud na sabi ni Steph.
"Wow yaman natin Steph ah!" Pang aasar ni Tony. Ngiting ngiti naman sila Miya kasi mabibilhan din sila ng mga chocolates.
"Syempre insan di naman mahal yung plastic bag eh" Sabay tawa ni Steph gago talaga to. Ang pangiting ngiti na sila Miya kanina, ngayon ay nakabusangot na. Tawa kami ng tawa ni Tony. Si Miya,Grace at Sheena kasi ang nangungulit sakin na humingi ng chocolates. Tumayo ang tatlo at hinabol si Stephen na ngayon eh naghahabolan. Sucklaugh umasa silang tatlo.
Napailing nalang kaming dalawa ni Tony. Maya maya nag salita sya "As a friend Thea hindi ako kampante kay Kaizer kaya mag iingat ka"
"Sus mabait naman yun eh tinotopak lang minsan pero maayos naman pakisamahan"
"Pakisamahan? What do you mean?"
Napalipbite ako bago sumagot "W-wala"
"By the way,yung kanina nakita namin yun. Sincere naman ata sya sayo Thea kaso lang natatakot din kami NBSB ka kaya"
"Anong problema dun?" Kumuha ako ng dairy milk at binuksan yun. Hinati ko at binigay sa kanya ang kalahati.
"Ayun nga Thea natatakot kami baka masaktan ka. Kung magiging kayo man baka saktan ka nya"
Kumagat muna ako sa dairy milk "Tony kahit di ko pa nararanasan yun,walang tao na di masasaktan kapag pumasok ka sa isang relasyon. Kapag pinasok ko man yun alam kong handa na ako para masaktan. Tanggap ko kung paano masaktan"
"Basta Thea kung may maging problema man kayo andito lang kami bilang kaibigan" Sabay ngiti nya. Ngumiti naman ako at tumango. Maswerte ako kasi may naging kaibigan ako at sila yun. Hindi ako nag kamali at hinding hindi nagkamali si papa God na ibigay sila sakin.
"Tara na? Mukhang wala na ata sila"
Tumingin ako sa paligid. Wala na nga ata sila. Kung san san na naman yun nag hahabulan. Nag kwe-kwentuhan kami ni Tony habang nag lalakad. Kahit na chikboy to marunong padin sya rumesto sa mga babae lalo na sa amin.
"Nga pala kumusta kayo ni Sheena?"
"Ayun nasa ligaw stage pa nagpapahard to get but ayos lang. Mas gusto ko sa babae yung pinapahirapan ako para makuha lang ang oo. Worth it kaya yun. Kaya ikaw wag mo muna sagutin si Kaizer"
"Naman. Nakapag decide na nga ako"
"Na ano?"
"After 1 year sasagutin ko sya"
"Ayos yun Thea" Nagtawanan kaming dalawa. Nakarating kami ni Tony sa cafeteria. Nag hahabulan padin ang apat at sa cafeteria pa talaga. Wala naman masyadong tao. Close din kami sa mga nag titinda dito kaya di sila pinapagalitan sa mga ginagawa nila.
Umupo kami ni Tony malapit sa bintana. Ang lakas ng hangin di naman masyadong mainit. Makulimlim din kasi. Maya maya lumapit na din yung apat sa amin na may dalang pagkain.
"Nagutom kami" Sabi ni Steph "Ako ba naman mag isa tapos pinagtulungan ako ng tatlong nag gagandahang dilag ugh ang sarap" Sinapak ni Miya si Steph.
"Ang bastos mo! Kala mo naman ang sarap mo!" Sigaw ni Grace
"Gusto mo patikim ko to sayo?" sabi naman ni Steph. Mga kabalastugan ng mga to.
"Hoy mag si tigil kayo" sita ko sa kanila. Nag tawanan kami kinalaunan at kumain na sila. Ang sweet nila Tony at Sheena. Pinupunasan ni Tony ang nililigawang si Sheena. Oww how sweet.
Bandang 4 pm na din ng balak nilang umuwi. Binigyan ko sila ng tig isa isang chocolates. Nag paalam na sila pero ako andito sa cafeteria nag iisa. Tinext kasi ako ni Kaizer na kung asan ako then sinabi ko namang nasa cafeteria at pupuntahan nalang daw nya ako dun. 10 minutes ang nakalipas wala padin sya baka na late lang. After 5 mins dumating na ang hinihintay ko.
"Katagal naman" Sabay tayo ko
"Sorry may tinapos lang ako bago pumunta dito" Kinuha nya yung bag ko at hinawakan ako sa kama "Let's go"
Pumunta kaming parking lot at sumakay na ako sa Vios car nya.
"You want see your bestfriend?"
Napalingon ako kay Kaizer na may ngiti.
"Pwede ba?"
Ngumiti sya at nag nod. Sa wakas makikita ko na din ang bestfriend ko. Antagal na din mula nung huli naming kita.
Pinaharurot na ni Kaizer ang kotse. 5 mins lang nakarating na din kami. Navarro's Company ang pangalang sasalubong sayo pagbaba mo palang ng sasakyan. First time kong papasok dito sa mismong company nila.
Pinauna na ako ni Kaizer kasi ipapark pa daw nya ang kotse. Papasok na sana ako kaso lang hinarang ako ng security guard.
"Ma'am ID?"
"A-ahh wala po eh"
"Bawal po pumasok ang walang dalang ID"
Ganito ba talaga kahigpit dito? Entrance palang di kana makakapasok.
"She's my girlfriend" napalingon ako kay Kaizer na papunta sakin. Nang nasa tabi ko na sya hinawakan nya ang kamay ko.
"Sorry po Sir Kaizer" yumuko yung security guard. Medyo may katandaan na din.
"Ok lang po yan" Sabi ko sabay tapik sa kanya. Napatingin naman ang security guard at ngumiti sakin. Pumasok na kami ng tuluyan ni Kaizer. Madaming yumuko para pagbigay galang sa Kaizer. Yung iba nakatitig sakin kaya napayuko ako.
Nasa elavator na kami ni Kaizer. May pinindot sya at papunta kaming 10th floor ngayon.
"Baka andun si Mom" Sabi ni Kaizer. Ngumiti lang ako at nod. Kailangan ko maging handa kung andun man sila. I just want to see my bestfriend Jiro kung ok lang ba sya.
Nang makarating na kami hawak hawak padin ni Kaizer yung kamay ko. Ang daming nakatingin samin habang nag lalakad. Office na ata to.
Dumiretso kami sa isang kwarto na nasa gilid. Pagpasok namin dun bumungad ang mukha ni Jiro na nakangiti sa kausap nya.
Napalingon si Jiro sa direksyon namin at nag excuse sa kausap nya "Babes" tumayo sya at niyakap ako. Nakaopen padin yung door kaya lahat ng tao na nasa part malapit samin nakita kaming mag kayakap.
"I miss you too Jiro" Sabat tawa ko
"Ahem Thea wants to see you" Sabi ni Kaizer na nakapoker face.
"Thanks bro" Sabay tapik nya kay Kaizer. Napahinto naman si Jiro nang makita nya ang kamay namin ni Kaizer. Nag bago yung ekspresyon ng mukha nya.
"What's the meaning of this?" Sabi nya na nakatitig padin sa mga kamay namin. This is not the right time.
----
A/N:
Sobrang late ko na nag u-update pero ginagawa ko ng paraan para makahabol. Happy 2.91k readers mahal ko kayo 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/109537353-288-k90229.jpg)
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...