Nagising ako na may yumuyugyog sakin. Na naman? Urgh
"Thea babe uuwi pa tayo kailangan natin bumyahe ng maaga"
Minulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Jiro.
"Jiro 3:44 palang ng umaga"
"Para nga maaga tayo makauwi. May meeting pa kami nila tito"
Napilitan akong umupo at tumayo para maligo. Urgh di naman sa ano basta nabitin lang ako almost 11 pm na din kami nakatulog kagabi. Pagkatapos ko maligo kinuha ko ang t-shirt v neck na color gray and Jeans sa mesa malapit sa bed. Damit yun ni ate Stacy akin nalang daw yun kasi medyo masikip na sa kanya,fit naman sakin kaya binigay na.
Sumunod naman si Jiro para maligo din sya. Ang lamig lamig kaya nanginginig ako habang nag bibihis. Nang matapos na ako mag bihis umupo ako sa kama at nag suklay. May bag akong nakita sa gilid ng kama at kinuha ko yun. Wala naman akong bag na dala cellphone lang talaga baka kay Jiro to at ayun hinalungkat ko at may nakita akong Axe chocolate flavor omooo ang bango pa naman nito.
Nag spray ako ng kaonti at inilagay na sa bag. Nag patuloy ulit ako sa pagsuklay ko ng may marinig akong yapak sa gilid.
"Babes may sasabihin pala ako yung kahapon na di ko nasabi" napalingon ako sa kanya at nag indian sit sa kama.
"Ano ba kasi yun?"
"Magpapatulong sana ako para sa anniversary nila mom and dad,pwede ba?"
"Asus yun lang pala then dinala mo pa ako dito?"
"Para nga diba masabi ko din yung tungkol satin"
"Anong tungkol satin??" nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa dalawa kong pisngi
"I mean yung sinabi ko sayo kahapon tungkol sakin,sayo ganun"
Tunango tango ako at na gets ko naman yun. Ano kaba Thea tsk.
"So tutulungan mo ba ako babes?"
"Oo naman bestfriend kita eh"
"Yan ang bestfriend ko"
Lumapit sya sakin at kiniss ako sa forehead. Napapikit ako at napahawak sa kamay nya. Lumayo naman sya agad at tumayo na kami para umalis.
"Ok kana?"
Tanong nya at tumango ako. Lumabas kami sa hotel na medyo wala pang tao. Nakapag paalam na din kami kagabi kay ate Stacy. Sa ngayon si Ate stacy muna ako nag babantay sa resort kasi busy pa si Jiro sa pag mamanage ng business nila Tito Antonio. Nalaman din ni ate Stacy na ako yung hinahanap ni Jiro. Kinikwento pala ako ni Jiro sa ate at sa magulang nya na kung maaari hahanapin nya daw ako. Nag kikwentuhan kami nila ate Stacy kagabi pagkatapos ang insidente sa dagat kasama si Jiro kaya na stock kami kay Ate stacy at 11 na nakatulog.
Nasa loob na kami ng sasakyan ni Jiro. Ready na ako umuwi at ready na ako sa bibig ni Kaizer. Sigurado naman kasing pagagalitan ako nun. Kailangan ko pa pala tanungin si Jiro tungkol sa Anniv.
"Ano nga palang maitutulong ko sa Anniv nila Tito Antonio?"
"I want you to be my girl sa Anniv nila dad. Gusto na kasi nilang mag ka gf ako if kung pwede lang sayo babes"
"Oo naman para sayo isasalba kita at kapag natapos na ang araw na yun maniningil ako ng utang sayo ah?"
"Kahit ano ibibigay ko kapag natapos yun. Gusto mo pumuntang Korea para mahanap ang BTS? sure walang problema"
"Grabe naman to porque yaman mo na ah pero i like it hahahaha pero wag ganun basta ako na bahala kelan ba yun?"
"Next week saturday babes"
Tumango ako at nag maneho lang sya. Dumausdos ako para mahiga ang katawan ko kahit mangalay pa neck ko ok lang. Gustong gusto ko tong posisyon nato kapag bumabyahe eh nakakarelax.
"Take a nap babes"
Yun lang ang huling narinig ko kay Jiro at nakatulog na.
----
Nagising ako ng nag preno si Jiro. Biglaan yun ah. Napadausdos pa tuloy ako sa ginawa nya. Nakita kong lumabas sya at sinara ang pinto. Umayos ako ng upo at tinignan kong saan sya papunta. OhmyGod!! Muntikan na pala kami mabunggo ng isang dambuhalang sasakyan. Lumabas din ako at pumunta kay Jiro.
"Hindi ka man lang mag so sorry?" sigaw ni Kaizer. Ngayon ko lang sya nakita na sobrang galit. Dumadami na din ang mga tao sa paligid namin at may mga police na din. Sa pag tingin ko palang kay manong parang naka droga at lasing naku naman.
"Jiro tama na" awat ko sa kanya susuntukin nya sana ng pigilan ko ang kamay nya at napatingin sya sakin.
"Muntikan na tayong mabunggo babes dahil sa kanya!" Pasigaw nyang sabi sakin di na ako magugulat kasi sa sobrang galit lang talaga nya to.
"Sir pasensya na po lasing tong nag mamaneho ng truck. Ikukulong nalang muna namin to para mahimasmasan" sabi ng isang traffic inforcer.
"Dapat lang kasi dahil sa hinayupak na yan muntikan na kaming mapahamak ng girlfriend ko!"
"Sorry Sir Navarro di na po mauulit ang nangyari" payukong sabi ng isa pang police.
Take note: Kilala ang mga Navarro bilang isang mayaman dito sa Pilipinas kaya wag na mag taka kung bakit kilala si Jiro.
"Tara na Jiro" Hinila ko sya papasok ng sasakyan. Naging traffic pa tuloy sa daan dahil sa amin.
"Im sorry kung nasigaw---"
"Ssshhhh Jiro alam kong galit kalang nun wala kang dapat ipagpaumanhin" ngiti kong sabi sa kanya. Tumango sya at umalis na kami sa lugar na yun. Nakita ko namang pinosasan na ang lalaki at dinala sa malapit na prisinto. Nakakaawa ang lalaki pero mali yung nag U turn sya kasi bawal nga mag U turn sa daan. Napasigh nalang ako at napasandal.
"Ok kana?" Tanong ko sa kanya
"Yeah andyan ka eh" Patawa nyang sabi
"Nag bibiro kapa sa lagay nato ha? nako Jiro kung di kita pinigilan kanina mas naawa pa ako kay Manong"
"Natatakot lang ako kasi nga muntikan na tayo babes ayokong maaksidente na kasama ka"
"Loko ka din eh no? So gusto mong ma aksidente na wala ako? Aba loko ka din" Babatukan ko sana sya kaso nahawakan nya agad ang kamay ko. Napakagat ako sa labi ko para mapagilan ang ngiti ko. Alam kong pulang pula na ako na parang kamatis pero di ko mapigilan kiligin im lucky to be with you AGAIN Jiro.
------
![](https://img.wattpad.com/cover/109537353-288-k90229.jpg)
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...