Part 29

9.3K 178 1
                                    

Kaizer POV.

Fuck this life kung kelan ayos na yung nararamdaman ko at moves ko kay Thea,graduation naman. Connect? Nah. Di ko na sya mahahatid,sundo. Like kanina di ko sya nasundo kasi kailangan kami ma prepared sa incoming grad.

I badly want her.

Pagpasok ko sa condo pupuntahan ko sana si Thea sa kwarto nang nakita ko syang nakabulagta sa sahig. Fuck.

"Thea" Inalog alog ko sya. Humihinga pa naman sya i was just-- over acting. Dahan dahang bumukas ang mga mata nya. Umiiyak ba to?

"Kaizer" Pabulong nyang sabi. Sa tuwing lumalabas sa bibig nya ang pangalan ko,mas sobra akong gumagwapo.

"Hey are you okay?" Tumango lang sya at kinamot ang ulo nya. Umupo naman sya agad at ginala ang paningin sa paligid.

"Anong oras na ba?"

"Hmm 5:00 pm exactly" She bite her lower lips. Fuck is she seducing me?  "Namumugto mata mo"

"A-ah nanuod kasi ako ng movie"

"And?"

"Nakakatouch" Sabay hawak nya sa dibdib nya.

Sometimes i noticed,she's crazy pft tho. I laugh nang makita ko yung reaksyon sa mukha nya. Thea is beautiful,workaholic,humble etc. I loved the way she pouted,smirks,biting her lips. Kaya di ko sya pinapansin dati kasi natutukso ako sa mga ginagawa nya.

Binibigyan mo kasi ng malisya Kaizer kaya ka nagkakaganyan.

"Kaizer tell me"

"What?"

"Maganda padin ba ako?"

"Yes"

"Sabi mo yan ah?" Tumayo sya at tinalian ang buhok nya. Umalis sya sa harap ko. Teka may naisip akong plano. I want you to be my girl as soon as possible .

Thea POV.

Nasa kusina na ako ngayon nag hahanda sa makakain namin. Asan na ba si Kaizer? Baka natulog.

Nang mahain ko na nilisan ko muna ang kusina at hinanap si Kaizer. Pagpasok ko sa kwarto,nakita ko si Kaizer na nagbabasa. Nakaharang yung libro kaya di makita yung mukha nya and naka boxer sya. Shit ayan na naman yung mapangakit nyang style.

"Kaizer kakain na"

"Mag bihis ka Thea may pupuntahan tayo"

"H-ha? Pero nakahain na ako saya--"

"Mag bihis kana" Tinanggal nya ang libro na nakaharang sa mukha nya kaya nakita ko na yung kabuohan. Shit! Naka nerd glass sya. Ang hot nya talaga titigan kapag yan sinusuot nya.

Busog mata ko araw araw kapag naka nerd glass at boxer lang sya. Ugh Thea napaka mo!

"Hey" Napakurap ako ng magsalita sya. Nasa harap ko na pala ang gwapo kong amo.

"San tayo pupunta?"

Nginitian nya ako at ninakawan ng halik. Ang hilig mang nakaw ng halik ng isang to.

"You'll see lady. Dress suotin mo,wag yung black na sinuot mo last party" umalis agad sya pagkasabi nya nun. Ayaw nya nun? Ang ganda kaya tsaka hindi ba sya naakit? Maputi naman ako tsaka syempre may cleavage ako,dibdib lang wala. Joke lang. Tinawag nya din akong lady oemgeeee kenekeleg eke.

Kukunin ko na sana ang towel sa cabinet ng bumukas uli ang pinto.

"Pwedeng dito ako magbihis?"

Maliligo pa naman ako so, "Oh sige liligo pa naman din ako" Sabay kuha ko sa towel. Pumasok na agad ako sa cr at naligo agad. Ayoko paghintayin sya. Second date ba namin to? Oemgee. Umaasa ka na naman Thea.

Nang matapos na ako lumabas agad ako ng cr na naka robe.

"Bat di kapa lumalabas?" gulat na sabi ko kay Kaizer. Nag aayos sya ng bow tie nya. Nakatuxedo. Sosyal ba talaga pupuntahan namin? Imbes na sumagot,kinulikot lang nya yung bow tie nya.

Lumapit ako sa kanya at ako na nag ayos ng bow tie nya. Halatang di sya nabigla. Ngising ngisi pa ang mokong.

"Tapos na tsupi na!" Sabay tulak ko sa kanya.

"I want to see the view" Nag pout sya bigla. Nagets ko naman yun kaya sinapak ko sya.

"Gago ka! Manyak mo!"

"Can't argue with that but fine" Tumayo na sya. Akala ko aalis na sya pero tumalikod lang sya sakin.

"Aba! Umalis ka na dito Kaizer!"

"Nakatalikod naman ako"

"Urgh! Alis na!"

Humarap sya at tinakpan ang mukha nya gamit ang dalawang kamay nya. Ang kulit ng isang to.

"Kaizer naman. Di tayo matutuloy kapag di ka lumabas"

Tumalikod ulit sya sakin pero di umimik. Ang kulit nya talaga.

"Di naman ako sisilip eh" sabat nya

Tumalikod na ako at kumuha ng dress sa cabinet. Simple red gown lang. Nabili ko sa ukay-ukay joke lang. Binigay ni Grace sakin nung pupunta sana ako ng party kaso di natuloy. Hanggang paa yung gown and mag 4inch heels nalang ako. Peste kasi nung last ko mag suot ng 6 inches heels,nagkanda sugat sugat paa ko.

"Are you nake--- i mean done?"

Loko to!

Humarap ako sa kanya. Nakatalikod padin sya sakin. "Di pa ako nakakapagsimula Kaizer tsaka di ako komportable kasi andyan ka"

"You want me to dres--"

"No need Kaizer! Umalis kana kase!"

Humarap sya at naglakad papunta sakin. What the. Kinuha nya yung dress na nasa kamay ko.

"Ako na mag bibihis sayo"

"What the fuck Kaizer!?" inagaw ko yung dress sa kanya. "Please umalis kana para matapos na ako dito"

Bumuntong hininga sya at nag lakad palabas ng kwarto. Salamat naman at umalis na.

Nag ayos na ako at pina curl yung buhok ko. Sinuot ko na yung heels at nag lakad palabas ng kwarto.

"Ready?" Sabi nya sabay ngisi.

"Loko ka talaga pinapakaba moko. Tara na nga" kumapit ako sa braso nya at kinaladkad sya palabas ng kwarto. Sumakay kami ng elavator at lumabas ng hotel.

Pumasok kami sa isang Limousine na nakaparada sa harap ng hotel. Pinaghandaan talaga to.

Inalalayan nya ako papasok at paupo. Bumuntong hininga ako nang maramdaman kong nakaupo na sya sa tabi ko.

Natetense ako hindi ko din alam kung bakit. Naramdaman ko ang kamay ni Kaizer sa hita ko. Napalingon ako sa kanya at ngumiti.

Binigyan nya ako ng makabuluhang ngiti at tingin.

Kaizer nababaliw na ako sa kakaisip kung bakit ka ganito sakin. Kung pinaparamdam mo mang mahal moko,ramdam ko na yun sa mga ganitong paraan na pinapakita mo. As of now,ayoko muna mag assume. Mamahalin kita kaya ng pagmamahal na ibinibigay mo sakin.

---
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon