Part 64

8.7K 148 8
                                    

Quotes: You may hold my hand for a while, but you hold my heart forever.

Anyways, sa naghahanap po ng The Half Blood Princess ko ay ni unpublish ko sapagkat napaka tumal ko mag update roon. Ipagpapatuloy ko ang pag uupdate sa istoryang yun pagkatapos nito.

Isang chapter nalang and epilogue na. Salamat sa lahat na sumuporta sa aking istorya.

Pwede na po kayong mag message sa akin at isasama ko iyon sa pamamaalam ng istoryang ito. Salamat po ulit.

---

"Hmmm" Nagising ako dahil sa sarili kong ungol. Bumaling ako sa aking kanan. Napangiti ako dahil sa mapayapang mukha ng aking mahal na natutulog at isiniksik pa ang kanyang mukha sa aking leeg.

Napangiwi ako ng ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng damit kong manipis. Huminto ang kamay nito sa tiyan ko. Gumalaw ulit ito kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay.

"Baby stop it. Alam kong gising ka" Napakagat labi ako ng ngumuso siya at idinilat ang isa niyang mata.

"How did you know?" Malambing niyang sabi. Alam ko na kung saan patungo ito.

"Kaizer i need to finish my fourth year college bago sundan ang magkakapatid. Can't you wait?" Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Dahan dahan niyang iginala ang kanyang kamay sa tiyan ko na ikinatindig ng mga balahibo ko.

"Can't wait baby. Ilang months ako mag hihintay? Ilang months bago kita maging asawa? Hindi na ako makapag hintay" Nag pout siya kaya hinalikan ko ito at tinignan siya.

"Baby naman napag-usapan na natin to diba? One year na ang mga anghel natin sa December. Ilang months nalang yun baby at mapapasayo na ako. Sayong sayo at walang makakapigil sayo, sa atin" Mas idiniin niya pa ang kanyang sarili sa akin.

"How about the honeymoon pagkatapos ng kasal? Hindi ba agad natin susundan?"

Napabuntong hininga ako, "Baby naman, kapag nakagraduate na ako diba? Napag-usapan na natin 'to. Ulit ulit na naman tayo eh" Napapikit na ako ng halikan niya ang leeg ko. Ugh! Hindi talaga sya makapagpigil at baka ako madala na rin.

"Okay fine" Pag give up niya. Humigpit ang yakap niya sa akin kaya napamulat ako ng mata at napatingin sakanya.

"Unless you beg for it.." Ngising aso siyang pumikit at isiniksik ulit ang kanyang mukha sa aking leeg. Napaangat na rin ang labi ko.

"Asa" Ipinikit ko na ang aking mga mata at nakatulog naman ako agad na may ngiti sa labi.

Nagising ako dahil sa pag iyak ng mga anghel kaya napabalikwas ako at dali-daling pumunta sa kwarto ng mga anghel namin. Pagkapasok ko sa kwarto ay tumahan agad ang dalawa naming anghel na nasa magkabilang bisig ng lalaking mahal ko.

Kinuha ko sa kanya si baby Clayton at sinimulang magpabreastfeed. Dilat na dilat ang mata ng dalawang anghel namin.

"Baby sino yung Faye?" Pagbubukas ko ng usapan. Nilamon ako ng kuryusidad kaya paninindigan ko.

"Faye is a good friend of mine. Isa ang pamilya nila na may malaking share sa kompanya. Then, one time my secretary told me na nag waldas sila ng pera na hindi namin dapat malaman. They said na sa bahay ampunan iyon mapupunta but na kumpirma namin na hindi iyon sa bahay ampunan napunta kundi sa drugs and then boom" Tumaas ang kilay ko dahil sa kwento niya. Wala dun ang gusto kong marinig.

"Bakit ganun siya makareact? Siya yung nagwala sa opisina mo, right?" Tumango ito at nag palit kami ng bata. Si Blake naman ngayon ang binibreastfeed ko.

"Yes, well your soon-to-be husband is very handsome, right?" Napairap nalang ako at tumingin kay Blake.

"So, ang ipinapahiwatig mo ay obsessed siya sayo?" Matabang kong sabi. Halata namang obsessed.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon