Quotes: Anger is a condition in which the tongue works faster than the mind.
---
"Sshh tahan na" Pag aalo ko kay Blake. Tatlong buwan na rin ang nakalipas. Andito na ulit kami sa Sokor. Kasalukuyan kong pinapa breastfeed si Blake dahil iyak ng iyak. Tumatahan naman kapag nabusog na ito. Isusunod ko naman si Clayton sa pag papabreastfeed.
Si Blake kasi ang iyakin sa kanilang dalawa at si Clayton naman ay tahimik lang. Hindi madaling patawanin si Blake pero kabaliktaran kay Clayton dahil madali lang itong patawanin. May similarities naman sila pero bilang lang.
"Anak?" Napalingon ako kay mama na papasok sa kwarto. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya.
"Mama ang hirap patahanin ni Blake. Isang oras na rin akong nag papatahan sa kanya" Pagsumbong ko kay mama. Natawa naman sya at humiga sa kama.
"Masanay kana anak. Iyakin ka rin kaya dati" Humagikhik ako dahil sa sinabi ni mama.
"Mama" Umupo ako sa gilid ng kama at inilagay na rin si baby Clayton sa kama katabi ang kuya niya.
"Hmm?" Busy siya sa pag lagay ng mga unan sa mag kabilang gilid ng dalawang anghel ko.
"Wala bang sinabi sayo si Jiro tungkol sa kompanya nila Kaizer? Tatlong buwan na rin ang nakalipas ma. Kapag nag i-skype kami ni Kaizer, sa tuwing inoopen ko ang tungkol doon iniiba niya ang topic."
"Anak.."
"Ma gusto ko lang naman malaman kung ano na ang kalagayaan ng kompanya nila. Pero parang ipinagkakait nila yun sakin." Napayuko ako ng may maramdaman akong kirot sa dibdib ko.
"Anak mag tiwala ka kay Kaizer yun lang ang dapat mong gawin. Tumahan kana" Ngayon ko lang napansin ang mga luha kong nag uunahan sa pagpatak.
Naging ganun lang kami hanggang sa tumahan na ako at lumisan na siya sa kwarto. Nakatulog akong katabi ang dalawang anghel ko.
Dalawang araw ang lumipas ay ganun parin ang sitwasyon namin. Nag i-skype kami ni Kaizer pero iniiwasan niya ang topic about sa company nila. Sa bawat iwas niya ay kumikirot ang puso ko.
Ano ba ang maaari kong gawin para makumbinsi ang isang Kaizer Navarro?
Napabuntong hininga nalang ako habang kagat kagat ang ibabang labi. Sinusulyapan ko ang dalawang anghel ko kapag gumagalaw ang isa sa kanila.
March na at nag hahanda na ako sa pagpasok muli sa unibersidad. Kahit na may dalawang anak na ako at ikakasal na ako ay hindi hadlang iyon para sa pangarap ko.
Tumayo ako sa kama at isinigurado na maayos ang posisyon ng dalawa kong anghel. Bumaba muna ako para kumuha ng makakain sa kusina.
Naabutan ko si mama na nagluluto ng adobong manok.
"Ma? Pahirapan ang pag bili ng manok dito ah" Lumapit ako sa kanya at kumuha ng dalawang bowl. Nilagyan niya ng adobong manok ang isang bowl habang ang isa pang bowl ay nilagyan ko ng mainit na ramen.
"Naku 'nak si Jiro ang nag pa grocery niyan. Ewan ko ba sa batang yun. Bakit hindi nalang puros gulay ang bilhin" Ngumiti ako dahil sa sinabi ni mama at pumunta sa kwarto. Nilapag ko sa mesa ang dalawang bowl at umupo sa gilid ng kama katabi ang dalawang anghel ko.
Mag tatanghali na rin kaya nakaramdam ako ng gutom. Tuwing tanghali rin nag pupunta si Lala rito para makipaglaro sa dalawang anghel ko. Sobrang saya niya noong nalaman niya na dalawa ang anghel ko at puro lalaki. Natuwa siya dahil may magiging kapatid raw siya. Nagtataka nga rin ako dahil hanggang ngayon eh wala pa si Lala. Baka may pinuntahan lang.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...