Part 2

15.9K 285 2
                                    

Nasa sasakyan na kami ni Kaizer at pauwi na sa bahay. Mabuti naman kung ganon.. tapos na akong mapahiya. Ang tanga tanga ko talaga ngayong araw. Alam mo yung parang sasabog yung utak mo sa kakaisip kung bakit napaka tanga mo. Basta mamaya kailangan ko matapos yung project ko.

Tahimik lang yung byahe namin. After 20 mins nakadating na kami sa bahay NILA. Nung huminto na ang kotse bumaba na agad ako at pumasok sa bahay. Bahala sya, sya ang mag bukas ng pinto nya gigil ako.

Pumasok na agad ako sa kwarto ko at nag simulang gumawa ng project ko. Almost a half hour na akong natapos sa pag gawa ng project ko ng bumukas ang pinto ng kwarto.

"Wag ka dito magpahinga tsupi!"

Binugaw ko si James. Alam nyo bang dahil kababata nya si Kaizer at alam nyang hate ko ang ugali ni Kaizer, nag kakasundo kami at nauunawan nya ako. Sa totoo lang mas mabait si James kesa kay Kaizer.

"Pagod ako Theang" Sabay higa nya sa kama ko.

"Theang ka dyan baka gusto mo masaktan"

"Sa masarap na paraan? Go on"
pikit nyang sabi at ginawang unan ang braso nya. "Di ako papalag theang"

"Urgh! kaasar ka talaga! Bahala ka nga dyan basta behave kalang"

"Behave naman ako ah? Di naman kita i-rape, baka ako pa-irape mo"

Sinamaan ko sya ng tingin. Walangya talagang lalaking to.

"Sarap mo ibalik sa sinapupunan ng nanay mo no?"

Lumingon sya sakin at tinitigan ako ng maigi.

"Theang para ka nang si Kaizer wag ka mag sungit di bagay sayo 'tsaka magpapahinga lang ako mga 5 hours"

"1 Hour lang!"

"6 Hours?"

"30 minutes James"

"Isang araw nalang theang"

"Edi ikaw na tumira dito sa kwarto ko. Kasama mo matulog si manang dalhin mo na din mga damit mo dito. Pabibo ka rin eh no"

"Oh chill na may dalaw ka ata ngayon. Aalis na nga kako"

Tumayo sya at lumabas ng kwarto. Pumunta lang dito para mang iinis lang. Inayos ko na ang project ko at inilagay sa desk. Gutom na gutom na ako huhuhu.

Lumabas na ako ng kwarto at pumuntang kusina. Nadatnan ko si manang na nag luluto.

"Hmmm ang bango manang mas lalo akong nagutom"

"Umupo kana kakain na tayo"

"Eh tapos na silang kumain?"

"Si Sir Ceizar may lakad daw. Si Kaizer naman susunod nalang daw sya"

Tumango tango nalang ako. If kakain si Kaizer ng sabay samin siguro ito yung first time na makakasabay ko sya kumain. Ano kayang itsura nya kapag sumusubo este kumakain este..ahh basta yun! Kainan thing!

Umupo nalang ako habang hinihintay yung pagkain na niluluto ni manang. Nang matapos si manang, kumain na kami. Hinihintay ko si Kaizer kaso wala eh siguro ayaw nya lang talaga kami kasama kesho yaya lang kami sa pamamahay nato..bayaan na nga lang.

Nag ligpit ako ng pinagkainan namin at nilagay sa lababo. Gaya ng kinaugalian ko kinuha ko headset at phone ko. Nag pa music ako ng volume at sumasayaw habang nag huhugas ng plato sabay kanta. Ganto naman talaga mga girls eh.. yung iba nga lang.

Pagkatapos kong hinugasan ang mga plato, nilagay ko na agad sila sa mga lalagyan. Nag punas ako ng pawis at nilisan na ang kitche. Papunta na akong kwarto para magpahinga ng mag ring phone ko.

*unknown number*

"Sino naman kaya to?"

(Hello? Sino to?)

(Oh it's me Seb, Thea. Gusto ko lang sana malaman kung free ka tonight?)

(H-ha? Bakit?)

(Ohh ipagpapaalam kita kay Kaizer at Tito Ceizar)

(Ehh kas--)

(Sunduin kita bye)

*toot toot*

Hays so kailangan ko mag bihis yung simple lang para di magaya nung kanina. Pumasok na ako sa kwarto at naligo muna at nag bihis. Jeans, shoes and off shoulder lang naman yung suot ko plus nakalugay na buhok.. yan trip ko ngayon eh. Atsaka gwapo at isa sa pinakamayaman ang makakasama ko. Nakakahiya naman kung dugyot ako diba? Kahit hindi kagandahan, basta maayos ang ugali at pananamit, swak na yan!

*Beep beep*

Siya na ata yun tamang-tama. Ayoko din pala ng mga lipstick, make ups, basta mga ganon basta parang dinudumihan ko lang lalo mukha ko non. Polbo lang, sapat na.

Lumabas na ako at nag inhale exhale habang nag lalakad hanggang sa nakalabas na ako ng bahay. Bumukas naman agad ang passenger seat at lumabas si Seb mula dun. Ughh ang hot nya OMG.

"Hi miss gorg" ngiti nyang sabi.

"Miss gorg ka dyan. San ba tayo?"

"My treat basta" hinila nya ako papasok sa kabilang side at pinaupo ako. Pumasok naman sya agad at sinara yung pinto nya.

"San nga tayo pupunta?"

"Take a nap Thea"

Nag pout lang ako at dumausdos para makatulog. Dahil sa pagod at katangahan ngayong araw ilang sandali pa nakatulog din.

Naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sakin.

"Andito na tayo" bungad na ngiti ni Seb

"Ilang oras ba ako nakatulog?" umayos ako ng upo at nag unat. Natamaan ko pa noo ni Seb.

"Ay sorry"

"Ok lang hahaha cute mo no pag bagong gising. Well, isang oras lang naman"

"Isang oras?? 'Tsaka ang layo pala ng pinuntahan natin" Lumabas na ako ng kotse nya at tinanaw ang view. Wooooow napakaganda.

"Isang beach?"

"Ahh yah. Sa papa ko ito" nag lakad sya papasok sa isang restaurant. Sinundan ko lang naman sya habang pinapanuod ang mga alon na nag uunahan sa pag hampas sa dalampasigan.

"Oh Seb ngayon kalang ata napadalaw dito at may kasamang babae, again?" Sabi nong babae na morena magkahawig nga sila ni Seb. Oh wait---

"Si Thea, Thea si Stacy ang makulit kong ate" ngiting sabi ni Seb. Sabi ko na nga ba.

"Hi Thea my lil bro's girlfriend" nag abot sya ng kamay na nakangiti at nakipag-shake hands naman ako.

"Ahh hindi p--"

"No no no lahat nalang ng babaeng dinadala ni Seb dito yan nalang palaging sinasabi" Napanganga naman ako sa nasabi nya.

"Ate! Hays tara na nga Thea" hinila nya ako at lumingon pa sa ate nya habang kumakaway. Kumaway naman sya at sumigaw pang goodluck. Ay kaloka ha di naman kami mag ho-honeymoon jusko naman nakakakaba ate nya.

Huminto kami sa isang hotel at pumasok doon habang hila-hila nya parin ako. Anong gagawin namin dito? Kakasabi ko lang di kami mag ho-honey moon.

-------

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon