"Ang ganda mo babes" sabi ni Jiro sakin habang papalapit ako sa kanya. Minake-upan kasi ako ng mga bata at inayos din ang buhok ko. Ganito ba sila kapag may bisitang babae dito? Pero infairness ang galing mag make up ng batang babae kanina. Di ko lang natanong ang pangalan nya.
"Sus maniwala" Sabay hampas ko ng mahina sa braso nya nang makalapit na ako "Asan si Kaizer?"
"Andun kina sisters baka nagkwentuhan matagal tagal na din kasi na di kami nakadalaw dito"
Andito kami sa labas ng malaking bahay. Ang daming puno at halaman na magaganda kaya kahit mainit pwede ka mag pasilong sa malalaking puno at mahangin pa.
"Babes dyan kalang ah"
Tumango ako at umupo sa sahig. May munting sahig kasi dito sa labas.
"Ate pakarga po" Napalingon ako sa batang singkit na babae na humihila sa manggas ko.
Mukha pa kasing baby to eh. Tumayo muna ako bago sya kinarga.
"Anong name mo?"
"Atho po Abby"
Natawa ako sa sagot nya. Di pa ata sya marunong mag salita.
"Ow Abby" niyakap ko sya ng mahigpit. Bat may mga batang ganito dito sa ampunan? Ang ganda nya singkit. Maputi din tong batang to mas maputi pa sakin. Medyo mataba din sya. Sa tingin ko mabait din.
"Ate puntha thayo sa yikod bahay" sinunod ko naman yung sabi nya. Nang makarating kami dun may maliit na kubo. Pumasok daw kami dun utos nya.
Bumungad samin ang madaming pagkain sa mesa. Napalingon si Jiro at Kaizer sakin at kay Abby.
"Baba atho ate" Binaba ko naman sya agad. Bago sya pumunta kina Jiro hinalikan muna nya ako sa pisnge. Napangiti naman ako. Napaka sweet na bata. Bakit ba sya nilagay dito? Anong dahilan ng mga magulang nya na ilagay ang batang si Abby dito? Mabait naman sya tsaka sweet.
"Babes halika dito" Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya "Sorry kung iniwan kita dun"
"Ayos lang dumating naman si Abby eh" Sabay lingon ko kay Abby na nag pu-puppy eyes kay Kaizer. Tumango si Kaizer na lalong ikinatuwa ng bata.
"Yeheeey yeheeey" Tumayo pa sya sa upuan at sumayaw sayaw. Napatawa naman kaming tatlo sa inasta ni Abby. Masayahing bata din sya. Galit ako sa magulang ni Abby. Hindi dahil inilagay sya dito kundi bakit di nila magawang mag paka magulang sa batang to? Nasasaktan ako sa mga naiisip ko.
"Babes are you listening?" Sabay kalabit ni Jiro sakin. Tumango nalang ako at ngumiti. Di ko alam kung anong sinasabi ni Jiro basta ang alam ko lang na galit ako sa mga magulang ni Abby. Kahit ngayon ko lang nakilala ang mga batang andito,napakagaan na agad ng loob ko sa kanila.
Maya maya nag sidatingan na din ang mga bata at kumain ng meryendang inihanda nila Kaizer.
"Babes what do you want?" Napalingon ako kay Jiro na nakatingin na pala sakin
"Busog pa ako Jiro tsaka ginaganahan kumain yung mga bata" Sabay ngiti ko at binaling ang tingin sa mga batang kumakain na may ngiti sa mga labi nila. Gusto ko silang ampunin lahat. Kahit na ang kukulit nila,may pagkasweet naman sila. Nanghihinayang ako dahil may mga magulang na kayang bitawan ang mga anak nila at ilagay dito sa bahay ampunan. Maraming mga dahilan ang mga magulang nila kung bakit sila inilagay dito.
"Okay so mga bata mauna na kayo sa labas. Susunod kami" Sabi ni Kaizer. Sumunod naman ang mga bata pwera kay Raiden at Abby. Nakapulupot ang mga kamay ni Raiden sa paa ni Jiro at nakapulupot din ang mga kamay ni Abby sa leeg ni Kaizer.
Ako nalang ang nag linis sa lamesa. Parang nag kakatuwaan silang apat eh. Nang matapos ko ng linisan ang mesa,umalis na din kami sa kubo at lumabas kami ng gate. San ba sila pupunta? Sumunod nalang ako hanggang sa makarating kami sa Videokehan. Andun ang mga bata nag kakantahan kahit na wala sa tono sige padin sa pagkanta. Nakakatuwa silang panuorin.
Umupo ako sa tabi ni Kaizer. Si Jiro busy sa pag pipili ng kanta sa song book. Yung mga bata padin ang kumakanta. Halos 30 minutes din nang matapos ang ibang bata sa pag kanta. Napagod na ata kaya umuwi na sila. Apat nalang kaming natitira. Si Abby na karga karga ko na natutulog,si Raiden na nasa paanan ni Kaizer natutulog at si Jiro na walang humpay sa pag kalkal ng song book. Kanina pa sya dyan ah.
"Ano ban--"
"Gotcha!" Sabay hampas nya ng malakas sa song book.
"Jiro natutulog yung mga bata" Saway ko. Nag peace sign naman sya at ngumiti sakin. Ibang ngiti yun. May kahulugan. Anong binabalak nito? Tumayo si Jiro at may tinype na number sa videoke. Napalingon naman ako kay Kaizer na papikit pikit na. Napagod din ata sya sa kulit ng mga bata.
Napapitlag ako ng may kumanta. Expect the unexpected ika nga.
(Playing: Bestfriend by Jason Chen)
"Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend.
I didn't know it back then."Last kong nadinig ang boses nyang umaawit nung bata pa kami. Kinakantahan nya ako ng mga love songs or whatsoever pa yan.
"Now I realize you are the only one
It's never too late to show it.
Grow old together,
Have feelings we had before
Back when we were so innocent"Napansin ko nalang na ngumingiti na ako. Mas gumwapo din ang boses nya sa pag kanta. Napalingon sya sa direksyon ko at ngumiti. Naramdaman ko naman ang matang nakatitig sakin. Si Kaizer.
"I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
(I must be dreaming)
This is something like a movie
And I don't know how it ends, girl
But I fell in love with my best friend"May iba syang pinapahiwatig. Ramdam ko yun. Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga maaaring ipahatid nya. Kung sakali mang mag katotoo ang mga iniisip ko wala na akong magagawa pa.
Natapos syang kumanta eh pumalakpak ako. Nailang din ako ng titig na titig silang dalawa sakin. Sino pa ba? Si Kaizer at Jiro. Hindi ko alam kung ano man ang mga tumatakbo sa isip nila pero isa lang ang nasisigurado ko. Nagkakarerahan ang mga puso nila kung sino ang mauunang makaabot sa finish line. May the best man win kumbaga.
----
A/N:
Sorry for the late update nigguh's 😂 Anyways,happy 4.84k reads satin po and i hope na susubaybayan nyo padin ang love triangle nila 😊 May ginagawa din akong bagong story The Half Blood Princess pero di pa na published. Sana sa susunod kong istoryang gagawin masubaybayin nyo din. Thank you and God Bless you all 😁
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Fiksi RemajaThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...