Quotes: Time spent with family is worth every second.
Sorry kung napakadalang na ng UD sapagkat maraming aktibidad sa paaralan. Epilgoue na po ang kasunod nito at tumatanggap na po ako ng mga katanungan. Pwedeng i-message o dito nalang po. Salamat sa pagsubaybay sa kwento ko.
---
"How's the taste?"
Nilunok ko ang natitirang pagkain at napalipbite "Masarap!"
Nag susubuan lang kami ni Kaizer habang sila Jiro ay busy sa dalawang anghel namin.
Pagkatapos namin kumain ay umuwi na agad kami. Pagkapasok namin sa bahay ay bumungad sa amin si lola na naglalakad kasama si manang. Napahinto naman siya at napalingon sa amin.
"Andiyan na pala kayo" Bungad niya sa amin. Nag tiim bagang muna ako bago nagmadaling yumakap sa kanya. Halatang nagulat siya pero hindi ko na iyon inisip.
"Lola akala ko may masama ng nangyari sayo. Thank God. Wag na muna lola.." Bumuhos ang luha ko hindi dahil sa naiisip ko na baka pagdating namin ay wala na akong maabutan sa kanya kundi dahil mahal na mahal ko ang lola ko at hindi ko kayang hindi siya makaabot sa kasal ko "Lola mahal na mahal kita wag na po muna lola"
Hinagod ni lola ang likod ko kaya napahagulgol ako, "Hihintayin ko na muna ang pagtapak mo sa altar apo. Mahal na mahal rin kita tandaan mo yan"
Tumango tango ako at mas hinigpitan pa ang pagyakap kay lola. Nagpapasalamat ako sa mga lolang hindi nag sawa na mahalin ang kanilang apo at isinilang ang kanilang anak na babae at nabuo ka. Sobrang mahal ko talaga ang lola ko lalo na si lolo na nauna ng nagpahinga.
"Apo tahan na at pagod kalang kailangan mo lang mag pahinga. Okay naman ako wag kana mag alala" Kumalas na ako kay lola at humalik sa noo niya bago kami pumanhik sa kwarto.
Pinatulog muna namin ni Kaizer ang mga anghel. Pagkatapos namin mag bihis ay humiga na agad kami sa kama. Niyakap ko siya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya.
"Kaizer i'm scared"
"Baby, I think malakas pa naman si lola. No need to worry"
Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga. Madaling sabihin, mahirap gawin pero kailangan.
Dumating ang Mayo at nasa Pinas na ulit kami. Nasa mansyon nila Kaizer. May munting salu-salo na inihanda sila daddy Ceizar kaya napasubo kami. Kwentuhan doon at dito.
Nasa bisig ni dad si Blake habang kay mommy Marife naman ay si Clayton. Halos mangiyak ngiyak na sa kakatawa si Clayton dahil sa walang tigil na pag papatawa ni mom.
Habang si Blake naman ay pinapakain ni dad at minsan tumatawa. Kahit ako ay di ko agad mapatawa si Blake. Parang si Kaizer lang, napaka moody.
"Napaka cute cute talaga ni Clayton mana sakin, right baby?" Napapailing nalang ako dahil sa pinagsasasabi ni Jiro na kaharap ko. Napatingin naman ako kay Kaizer na nakakunot noo. Wala bang katapusan to?
"That's my baby kaya saakin yan mag mamana, back off Jiro" Salubong parin ang kilay ni Kaizer habang si Jiro ay ngumingisi lang. Sarap talaga pag umpugin ng mga to.
"Thea"
Napadako ang tingin ko kay mommy Marife "Yes mom?"
"Pwede ko ba ipasyal itong apo ko? Bibilhan ko lang ng mga laruan"
Ngumiti ako at tumango, "Oo naman po"
Tumingin ulit ako sa gilid ko pero wala ng tao. San na naman kaya pumunta yun?
"Mama nakita mo si Kaizer?" Tanong ko kay mama na nasa kabilang gilid ko.
"Lumabas ata ng bahay anak. Puntahan mo nga baka mainit na naman ang ulo nun"
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Novela JuvenilThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...