Part 58

9.3K 168 20
                                    

Quotes: Some people try to understand, but nobody can know what living like this is like.

Dedicated to: Everyone

Sorry natagalan sobrang busy eh.
---

Thea POV.

Nagising ako dahil sa matinding gutom. Nakalanghap rin ako ng ramen kaya napatayo agad ako at pumunta sa kusina. Nadatnan kong kumakanta at bahagya pang umiindak si Kaizer habang nag luluto. Imagine that? Shit. Napapalipbite nalang ako dahil sa nakikita ko ngayon.

Seriously? Kaizer Navarro? Sumasayaw at kumakanta habang nag luluto? Hindi ko na kinaya kaya napahagalpak ako ng tawa.

"Shit!" Nakita ko ang pag lingon niya sakin at ang pag ayos ng tindig niya. Late na siya sa reaksyon niya kaya wala siyang magagawa kundi ang mag face palm.

Matapos niyang mag luto ay kumain agad ako. Habang kumakain ako hindi ko mapigilang ngumiti or should i mean tumawa. Hindi parin ako makapag move on sa nakita ko.

"Tss.." Nakita ko pa ang pag irap niya sa hangin kaya mas natawa pa ako.

"Atleast napapatawa na kita.."

Natigil ako sa sunod niyang sinabi. Hindi ako sumimangot kundi ngumiti lang ako habang nakatingin sa mga mata niyang kumikislap.

"Ang tagal na rin baby sobrang namiss kita" Napalipbite ako dahil sa sinabi niya. "Be my wife, please?" Natigilan ako sa pag ngiti at napalitan ng seryosong mukha.

"No Kaizer" Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko. Tumayo na rin siya at hinawakan ang braso ko.

"Please baby just be my wife"

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at kinuha na ang pinggan atsaka nilagay sa sink. Naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa beywang ko at ang mukha niyang nasa leeg ko.

"Baby.."

Inalis ko kaagad ang braso niya sa beywang ko at hinarap siya. Sa sobrang lapit niya tinulak ko pa siya bago nag salita.

"Kaizer hindi ganun kadali lalo na sa sitwasyon natin. Oo napatawad na kita pero dahan dahanin mo naman" Bumalik na naman sa akin yung mga alaalang sobra kong kinamumuhian.

"Doon rin naman tayo patungo eh"

"Bakit Kaizer? Bakit ako? Andiyan si Amanda... Andiyan siya..."

Nagtiim bagang siya habang nakatitig sakin "Nagkamali lang ako noong araw na 'yon baby maniwala ka naman sakin oh"

"Hindi ako naniniwala sa pagkakamali mong 'yon Kaizer. Mas naniniwala ako sa batang nasa sinapupunan ni Amanda." Umiwas ako ng tingin dahil alam kong bubuhos nalang bigla ang mga luha ko. "And...don't call me baby dahil hindi mo na ako pagmamay ari dahil ni isa walang nag mamay ari sakin"

Iniwan ko siyang nakatulala doon. Umupo agad ako sa tinulugan kong sofa kanina at nanuod ng TV. Naramdaman ko pa ang pag bagsak ng pinto. Kung aalis siya wala na akong pakealam doon dahil hindi niya na ako pagmamay ari at hindi ko na rin siya pagmamay ari. Alam kong uuwi siya kahit na di ko siya sundan.

Umabot ng 11 AM ay bumukas ang pinto kaya napalingon ako.

"I brought some foods baby let's eat?" Sabi niya habang naglalakad papunta sa harap ko. May limang supot na jollibee sa harap ko pero imbes na ikatuwa ko, mas sumimangot ako hindi dahil sa dala niya kundi dahil sa pag tawag niya ulit sakin ng baby. Ayokong ma i-spoiled sa kanya at ayoko ng maramdamang may pag asa pa siya sa akin.

"Kakainin mo 'to o pakakasalan moko?" Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nakaawang pa ang bibig niya kaya napalunok ako. Umiwas ako ng tingin kaya kinuha ko ang isang supot at tumambad sa akin ang limang fries.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon