Quotes: If you live life with regrets of yesterday, you will have no today to be thankful for.
-----
Hindi ako makatulog dahil sa pangyayari kanina. Nakauwi na kami at andito na ako sa kwarto ko. Hindi nag tanong si Jiro dahil alam nyang nagtataka din ako sa inasta ng matanda.
Malaking katanungan din sakin kung sino ba talaga sya. Anong pakay nya samin? sakin? Ni wala na ako sa pilipinas at hindi ko na kasama si Kaizer. Anong problema nya?
Hindi ko na sinabi kay mama at lola nung pag uwi namin ni Jiro dito dahil baka mag alala pa sya sa akin. Sasabihin ko nalang ata pagkatapos ng operasyon nya or baka wag nalang kasi dagdag problema lang yun.
Lumipas ang dalawang araw at ganun parin pero andito lang ako sa bahay dahil may inaasikaso si Jiro. Ipagpapatuloy niya rito ang pag aaral. Mabuti pa sya pero hindi ako nagsisisi na tumigil sa pag aaral dahil dito sa pagbubuntis ko. Thankful nga ako eh. Next year ko nalang ipagpapatuloy ang pag aaral ko kapag nailuwal ko na ang anghel ko.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV at kumakain ng chocolates. Sa totoo lang bawal ako ng mga sweets. Kumakain lang ako ngayon dahil wala si mama,si lola at si Jiro na mag babawal sakin. I'm free yeah.
Tumayo ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ko uminom ng tubig bumalik ulit ako sa sofa. Hindi pa ako nakakalapit doon nakita ko na ang kabuohan ni Jiro na nakaupo sa sofa. Patay ako nito.
"What's the meaning of this Thea?"
At dahil kasalanan ko naman 'to,paninindigan ko. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya habang nakayuko. Stupid Thea.
"I-im sorry"
Wala akong nakuhang salita sakanya bagkus kinuha nya ang mga chocolates at iniwan akong nakayuko dito sa sofa. Galit kaya sya? Malamang kasi sinuway ko sya. I sigh.
Nakita ko syang naglalakad sa staircase. Wala na rin ang chocolates sa kamay nya. Tinapon nya kaya yun? Sayang naman. Such a stupid Thea. Tumayo na rin ako para sundan sya. Halos takbo lakad na ang ginagawa ko para lang mahabol sya pero ang bilis nya talaga. Hindi ko naman alam na uuwi sya ng maaga eh kung sana alam ko edi ni expect ko na.
Pumasok sya sa kwarto nya at bago pa ako makapasok roon sinarado na nya ang pinto.
"Ang bastos naman nito!" sigaw ko sabay sipa sa pintuan nya. Nagpunta nalang ako sa kwarto ko at kumuha ng jacket. Mag lalakad lakad nalang muna ako sa labas.
Paglabas ko ng bahay sinalubong ako ng napakasarap na hangin. Napayakap tuloy ako lalo sa sarili ko dahil sa lamig na dala nito. Naglakad ako sa hallway at may mag kakapamilya na naglalakad din duon habang nag tatawanan. Hinawakan ko ang tyan ko at hinimas himas ito. Medyo lumalaki na rin kasi kaya mas nararamdaman ko pa ang kaba.
Kaba dahil baka hindi ko kayang mailuwal ang anghel ko. Kaba dahil baka hindi ko sya mapalaki ng maayos. Kaba dahil baka hanapin nya ang papa nya. Bata palang ako nawala na si papa,ayoko namang maranasan ng anghel ko kung ano ang naranasan ko duon. Masakit walang papa o mawalan ng papa. Sobrang sakit.
Napahinto ako sa paglalakad ng may narinig akong batang umiiyak. Napalingon ako sa bata na nasa puno. May parang mini park sila dito na para lang sa mga bata. Nilapitan ko sya at tumabi sa kanya. Nakayakap sya sa mga tuhod nya habang umiiyak. Asan ba ang mga magulang nito?
"Hei (Hey)" Hei lang ang masasabi ko sa batang ito. Ayoko namang mag korean ng napakahaba dahil baka tawanan lang ako nito dahil mali mali ang pinagsasasabi ko. Hindi nya ako sinagot bagkus umiyak pa sya ng todo. Anong problema ng batang to?
"U-uy tama na sa kakaiyak" Hinawakan ko na ang balikat nya pero hindi nya man lang iyon inalis.
"Tumahan kana. Ako si ate Thea. Alam kong hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko but im willing to help. Trust me" Lalapit pa sana ako sa kanya para yakapin sya nang laking gulat ko nalang ng yakapin nya ako bigla. Mas tumindi pa ang pag iyak nya kaya tinapik tapik ko nalang ang likod nya.
"Shhh hindi bagay sa batang babae na umiiyak. Lalo na't kagandahan ito" Hindi ko pa nakikita ang mukha nya pero ramdam ko na may kakaiba sa kanya. Bahagya syang tumahan at lumayo sakin kaya nakita ko na ngayon ang kabuohan ng mukha nya. Wow. Ang nakapout nyang labi na namumula lalo na ang mga mata nyang namumula dahil sa kakaiyak. Makinis rin ang balat nito at ang kanyang mga matang chinita na mas lalong nagpaganda sa kanya.
"Really? Maganda me?" Na shock ako dahil sa tanong nya sakin. Nakakapag tagalog sya. Tumango lang ako habang nakatingin sa mga mata nya. Ang ganda nyang bata. Parang may paglilihian na ako nito.
"Eh why is that na hindi ako like ni Nathan?" Umagos na naman ang mga luha nya habang nakatitig sakin. Crush problems ata to or should i say love problems.
"If you don't mind, may i know who's Nathan?" Tanong ko sa bata sabay punas sa mga luha nya.
"He's my first love but he said na ayaw nya sakin because i'm ugly daw" sabay yakap ng bata sakin. Paano ko ba patatahanin 'to? Gagawin ko nalang kung ano ang makakaya ko.
"Shh that's not true beautiful lady" niyakap ko na rin sya. Umiyak lang sya ng umiyak at kumalas na rin ng tumahan sya. Tumayo na sya at inoffer ang maliit nyang kamay sakin para itayo rin ako. Napangiti nalang ako at kinuha iyon. Sabay kaming nag lakad habang paalis ng mini park. Naglalakad kami sa hallway pero pabalik na ng bahay namin.
"Asan ba ang mga magulang mo?" Tanong ko sa bata.
"Eh mommy and daddy is busy in their work. Si kuya naman nasa barkada nya siguro" Napapangiti ako dahil sa pagiging conyo ng bata lalo na kapag nag tatagalog ito. Ang sarap sa teynga.
"Ate Thea i want to invite you" huminto ako sa paglalakad dahil na rin sa paghinto ng batang babae.
"Saan?"
"Sa bahay namin tsaka i want you to meet my family especially my kuya" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa "Perfect!" Sabay talon nya at niyakap ulit ang beywang ko. Naglakad na sya papunta sa pintuan ng bahay nila. Magkatabi lang pala kami ng bahay. Bago pa sya makapasok sa loob kinawayan nya ako na may dalang ngiti sa mga labi nya at nag uumapaw na saya sa mga mata nya. "See you later ate Thea!" Sabay sarado na ng pinto.
Kanina pa hindi naaalis ang ngiti sa mga labi ko. May kaibigan na ako rito at isa iyong batang babae. Ni hindi ko nga pala alam ang pangalan nya. Tsaka kuya nya? Well, i'm not interested but para sa bata kakaibiganin ko rin ang kuya nya.
Naglakad na ako papasok sa gate at naglakad papuntang pinto ng bumukas iyon at tumambad sakin ang mukha ni Jiro na hindi maipinta pero nang makita nya ako nag iba ang ekspresyon ng mukha nya at inambahan ako ng yakap.
"I-i thought nag layas ka i-im sorry dahil na naman sa inasta ko kanina. I'm so sorry. You're such a hardheaded kase. Wag mo na gagawin ulit yun. Hindi ko mapigilang magalit pero mas hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko kapag nawala ka sakin"
-----
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...