Quotes: I'm just a nobody telling everybody about somebody that can change anybody!
-----
Nasa office na kami ni Kaizer,di ko man lang nakita si Jiro nakakapanghinayang. Nakaupo lang ako sa sofa habang nililibot ang tingin sa paligid. Maganda sya. Black and white lang makikita mo sa paligid.
"Let's go?"
Tumayo na ako at pinagbuksan naman nya ako ng pinto kaya nauna na akong lumabas.
"Kakaout lang ni Jiro baby"
"How did you know?" Napapaenglish na tuloy ako dahil sa kanya.
"I'm the CEO of the company" Proud nyang sabi. Keeeh fine napaka talaga nito.
Nang nakalabas na kami ng building,dumiretso na agad kami sa parking lot at sumakay sa kotse nya.
"So,saan mo gustong pumunta?" tanong ko.
"Napaka init baby para gumala" Sabay start nya ng engine.
"Nakakabagot kaya sa condo duh" Sabay irap ko sa kanya.
"Movie marathon?"
"Ayoko"
"Sine?"
"Ayoko"
"Hmmm chocolates?"
Nagningning ang mga mata ko kaya napangiti sya. Alam na alam nya talaga kung paano ako mapapasaya ng husto.
"Baby bakit ka nga pala nasa bar nung nakaraan?"
"Eh ikaw ? Bakit nasa bar ka nung nakaraan?" Pag baliktad ko. Atleast ako kapag sinabi ko yung rason ko,valid talaga.
"Napadaan lang"
"Wow napadaan tapos nalasing agad?" Sabay slow clap ko. Hindi na sya nakapag salita pa. Feeling ko talaga may mali eh at feeling ko din na may tinatago sya sakin.
"We're here" Sabay hinto nya ng kotse. Lumabas ako ng sasakyan para makita ang kabuohan ng paligid. Hindi ako familiar sa lugar na ito pero andyan naman siya hindi ako pababayaan.
Hinila nya agad ako papasok sa store. Bumungad sa amin ang sandamakmak na chocolates. Toblerone,Twix,Dairy milk, at marami pa. Nagningning ulit ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. May kalakihan din ang store kaya mas madami ding chocolates ang nakahelera dito.
Wala akong pake kung tumaba man ako basta makakain lang mwahaha.
"Go kumuha ka lang ng kahit ano"
Kinuha ko kaagad ang basket na nasa gilid ko at halos takbuhin ko na ang mga chocolates na gusto ko. I love chocolates.
Naagaw ang atensyon ko sa candyfloss sa gilid na color pink. Kukunin ko na sana ng may kumuha na nito. Napalingon naman ako sa lalaking iyon.
"Hi Thea" Sabay ngisi ni Luke ng nakakaloko. Napalunok ako sa inasta nya kaya tatalikod na sana ako ng hinila nya ako pabalik sa kanya.
"Ano bang kailangan mo?!"
"Chill lang Thea. You want this?" pinakita nya ulit ang candyfloss.
"No need Luke sayo na yan isaksak mo sa baga mo" Pumiglas ako para maalis nya ang kanyang kamay sa braso ko pero sobrang higpit ang pag hawak nya. Masakit.
"Magtulungan tayo" Napatigil naman ako sa pag piglas.
"Para saan?" Inalis nya na ang kamay nya sa braso ko at ngumiti.
Nilapit nya ang mukha nya sa akin kaya napaatras ako pero huli na ng hawakan nya ang beywang ko. Napasinghap ako dahil ang lapit ng mukha nya "I'll text you later" Sabay halik nya sa gilid ng labi ko at paglayo ng mukha nya. "Here sayo na" Kinuha nya ang kamay ko at inilagay ang candyfloss "Wala ka bang sasabihin?" Tinaasan nya ako ng kilay
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Fiksi RemajaThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...