Part 52

8K 131 7
                                    

Quotes: God always makes you smile cause he believes in you so always make him smile and believe in Him.

Dedicated to: YOU

---

"Ma andito pa kami ha?" Hinalikan ko ang noo ni mama. Napakagat labi ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Tumatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nakahiga na si mama para sa paghahanda sa operasyon niya. This is it.

"Syempre naman anak hindi kita iiwan at gusto ko pa makasama ang apo ko" ngumiti si mama kaya napangiti na rin ako. Umagos na ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan. Kahit kayo rin ang nasa pwesto ko kakabahan kayo dahil maraming 'what ifs' na papasok sa mga isip niyo pero hindi ito ang tamang panahon para mag isip nang ganyan dahil ang kailangan ni mama ngayon ay tatag ng loob.

Hinalikan ko ulit si mama sa noo at ipinasok na sya sa operating room. Ako lang ang andito dahil ayaw sumama ni lola. Kahit hindi niya sabihin na nangangamba sya para sa anak niya, nararamdaman ko yun bilang isang anak rin ni mama.

Naghintay ako ng apat na oras dito pero ni isa na Doctor or nurse walang lumabas sa operating room. Kinakabahan parin ako. Ang kailangan lang dito ay ang mag dasal. Nakaupo ako ngayon sa labas ng operating room. Nakapikit. Nag darasal na sana maging maayos ang operasyon.

"Babes"

Biglang umangat ang ulo ko at patakbong pumunta kay Jiro. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"Everything's gonna be okay babes sshh"

Naghintay pa kami ng dalawang oras doon sa labas ng operating room. 6 hours na yung pag ooperate pero bakit ganoon? Wala paring lumalabas?

"If you believe in God, things are possible"

Napalingon ako kay Jiro na ngayon ay nakatitig pala sakin. Ngumiti ako at tumango. Kahit papaano napapagaan nya ang nararamdaman ko.

Thirty minutes rin ang nakalipas at may lumabas na doctor tsaka nurse. Si Jiro na ang lumapit para makipag usap. Ano namang maiintindihan ko sa korean version? Kapag usapang KDrama kapag may kilig scene kahit di na maintindihan pag uusapan nila pwera sa Saranghae, nag titilian na.

"Let's go babes" Hinila na ako ni Jiro at pumasok sa operating room. Tumambad sa amin ang nakahiga kong mama. Hinawakan ko ang mga kamay nyang nanlalamig.

You survived ma. Napaka tapang mo. Sana kaya ko ring maging matapang. Sana yung tapang mo namana ko mama.

"Sabi ng Doctor ayos na daw si Mama. Ililipat rin natin sya sa private room"

Niyakap ako ni Jiro at hinalikan ako sa noo.

"Salamat Jiro"

"Anything for you"

Niyakap ko nalang ng mahigpit si Jiro habang nakatingin kay mama. Para lang syang anghel na natutulog. I bet kay mama ko namana ang kagandahan ko.

"Ipapakuha ko nalang sa butler yung mga gamit na kailangan natin"

Napalingon ako kay Jiro na nakatitig parin kay mama "Paano yung mga undies?"

Nag smirk muna sya bago ibinaling ang tingin sakin "Ako na ang bahala"

Lumaki ang mga mata ko. Lumayo ako sa kanya para suntukin sya nang makaalis agad sya sa kwarto. Napapikit ako at napalipbite. Nararamdaman ko ang pag init at pamumula ng mukha ko. Nakakainis ka Jiro.

May nag papasukang mga nurse para dalhin si mama sa private room. Sumunod lang ako sa kanila at agad umupo sa sofa ng makapasok sa private room. Tinitigan ko ulit si mama na ngayon ay komportable na sa palagay ko.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon