"Oh Seb? Andito din pala kayo" sabi ni manang.
"Opo manang gusto kasi ni ate mag grocery eh" sagot ni Seb
"Pupunta din ba kayo ni Stacy sa bahay ngayon?"
"Oo naman manang para makilala din yung magiging fiancee ni Kaizer"
"Di mo pa nakikilala?" tanong ko at tumingin sa kanya.
"Hindi pa tsaka ayaw ipakilala ni Tito eh" tumango tango nalang kami ni Manang baka privacy yun. Edi bigyan natin sila ng privacy.
Namili na kami nila manang at seb pero yung dalawan---
"Hi kapatid" sabi ni ate Stacy na kapit kapit pa sa braso ni James at si James naman ayun ngumingisi.
"Oh ate? Kayo na ba?" tanong ni Seb loko to.
"Hindi pa no! Ano kaba kahit na gwapo to dapat nating pahirapan no, diba Thea?" Ngiting sabi ni Ate Stacy sakin. Nag thumbs up ako kay ate na lalo nyang ikinatuwa.
"Oh pano Hijo? Una na kami sa inyo nagmamadali din kami mag grocery eh" sabi ni manang
"Sige po manang" ngiting sabi nya at lumakad na palabas si Manang hihintayin nalang daw kami sa parking lot. "See you later" sabi ni Seb sakin.
"See you" i smiled. Humalik ako sa pisngi nya bago hinila palabas si James at ganun din ang ginawa ni Seb sa ate nya. Parang ayaw pa mag hiwalay eh.
"Hoy wag na wag mo pag t tripan yang si Ate Stacy ha. Malilintikan ka sakin"
"Alam ko Theang tsaka mag ka tulad kayo kaya mas mamahalin ko pa sya" sabay akbay nya sakin "Maganda sya,panget ka,sexy sya pero medyo mataba k---"
Hinampas ko sya gamit ang patula. Loko to ah!
"Gago ka! Umalis ka sa harapan ko!" sigaw ko at tumakbo syang tumatawa papuntang kotse. Kahit kailan James urgh nakakaasar yun! Di naman ako panget ah! Pumapanget lang ako kapag may pimples ako minsanan lang naman yun kapag nag puyat. Tsaka di ako medyo mataba ah sexy sexy ko kaya.
Nang makarating na ako sa kotse pinagbuksan ako ni manang at umupo na sa back seat.
"Anyare na naman sa inyong dalawa?"
"Manang kasi eh si James!"
"Hala ako pa talaga? Ikaw kaya nauna hinampas moko"
"Eh kasi sinabihan mokong panget at medyo mataba!" Hinampas ko ulit sya ng patula. Siguro kung tao lang tong patula nasasaktan na sya sa ginagawa kong hampas ni James tsaka di sya agad nababali ah.
"Hindi nga ako nag simula manang promise" sabi nya sabay start ng Engine. Tsk promise promise kapa dyan.
"Ang galing mo mag sinungaling James pag dating sa harap ni manang!" Sumandal ako at umirap.
"Tama na yan mga bata"
"Di na ako bata!" Sabay naming sabi ni James at nag pout kaya napatawa si manang sa ginawa namin. Kinahiligan namin ni James ang pag sabi nyan kapag sinasabihan kaming bata ni manang.
Habang nasa byahe tahimik lang kami. Nakakadistract kasi sa pag mamaneho ni James kasi kapag tinatanong lumilingin sya sa amin at di alam kung nag d drive ba sya o ano baka mabangga pa kami kaya iniiwasan namin yun lalo na kapag kasama namin si Manang napaka nerbyosa pa naman nito.
Sumagi sa isip ko yung Fiancee thingy about Mr. Sungit. Seryoso? Ni hindi nga kilala nila Seb/Jiro yung babae na yun eh. Si Sir Ceizar talaga pa suspense eh pero kung di pa kilala ni Jiro at ni Ate Stacy so may tendency na di din kilala or walang ALAM si sungit sa nangyayari sa paligid nya pero imposible namang di nya malalaman kasi papa nya yun.
Bakit ko pa kasi inaalala yung problema ng iba na di ko naman problema? Gulo ko talaga pero na eexcite lang ako na nawewerdohan lang naman. Andaming dumaan sakin ngayong dalawang araw. Yung kahapon nakilala ko si Jiro at ngayon Fiancee thingy. Ganito ba talaga ang buhay na meron ako ngayon? Di naman ganito sa inyo diba? Normal lang na nabubuhay sa mundong ito pero mapapasabi ka nalang kung bakit ikaw pa talaga ang andyan/andito sa poder na yan na sa kadami-daming tao bakit ikaw pa ang napili.
Nawewerduhan din ako minsan sa sarili ko kapag may mga bagay na pumapasok nalang at napapatulaley nalang ako.
Bumusina si James kaya natauhan na ako. Kinuha ko na yung ibang pinamili namin at bumaba. Dumiretso agad kami ni manang sa kusina at ako ang mag islice at sya naman ang mag luluto.
"Ano bang unahin nating lutuin manang? Ang dami nito eh"
"Adobong manok muna paborito ni Kaizer"
Tumango ako at kinuha ang mga ingredients nito. Marami din kaming pag kakatulad ni Kaizer like sa pagkain example: Bangos,Adobong Manok,Pakbet,Fried chicken etc. Nag slice na ako ng manok at yung iba pang ingredients nilagay ko na sa tabi ni Manang para sya nalang yung mamili dun.
Nag vibrate yung phone ko at may text.
From: Mr. Sungit
Anong meron?
--
Parang sa text palang di na nya alam kung anong nangyayari. Ayoko replyan bahala sya. Ibinulsa ko ulit yung phone at nanunuod kay manang mag luto. Kumulo naman agad yung tyan ko. Napapalipbite ako sa luto ni manang ang bango ang sarap. Yung imaginenin nyo yung napaka sarap na adobong manok. Ang hapdi na ng tyan ko huhuhu.
Nag luto din kami ni Chicken curry. Nakaupo lang ako habang nag hihintay sa mga sasabihin ni manang kung ano pang lutuin. Puro nga chicken eh walang meat bakit kaya? Nag luto din ako ng kanin at pagkatapos nun nag pahinga na. Kaya na daw ni manang yun mag papatulong nalang sya sa ibang yaya na naka assign sa ibat ibang sulok ng bahay. Papasok na sana ako ng kwarto ng may tumakip sa bibig ko at hinila papasok sa cr. Isinandal nya ako sa pader at inilawan nya ang buong cr.
"Gago kaba? Kinabahan ako sayo!" Habang hawak hawak ko ang dibdib ko.
"Di moko nirereplyan. Ano ngang nangyayari?"
"Ewan ko" pag dedeny ko pero di ako magaling sa pag dedeny kapag si Kaizer na ang kaharap mo.
"Ano nga?"
Bumuntong hininga muna ako bago mag salita "Dadating yung Fiancee mo" humawak na ako sa door knob para makaalis sa cr nato with Mr. Sungit.
"Fiancee?" patanong na sabi nya
"Pamamahay nyo to at buhay mo ang tinutukoy dito,di mo pa alam?" Tanong ko sa kanya na naka taas ang isang kilay.
"I-i didn't know" lumayo sya ng bahagya sakin kaya pinihit ko na ang door knob at umalis. Sabi ko sa inyo di nya alam eh. Hay kawawang Sungit. Pumasok na ako sa kwarto namin at humiga na sa kama. Napaka bango ng kamay ni Kaizer. Ngumingiti din ako ngayon. Baliw na ba ako? Ay ewan pumikit na ako at hinagkan ang malambot na unan ko.
-----
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...