Nagluluto ako ngayon. Mag isa. Oo mag isa sa condong to. Simula nung pagtatalo namin ni Kaizer hindi na sya bumalik.
Wala akong ideya kung asan sya ngayon. Ayoko namang tawagan ang papa or mama nya baka makadisturbo ako or what.
Kinansela na lahat ng pasok sa amin. Isang linggo nalang at magaganap na ang graduation nila Kaizer. I missed him so bad na talaga.
Pagkatapos ko magluto,kumain na agad ako. Tutuloy muna ako sa condo ni Jiro. Di ko na din ma contact si Jiro kaya pupunta nalang ako sa condo nya. Nag palit ata ng number.
Nag hugas na ako ng pinggan bago pumanhik sa condo ni Jiro. Nang makarating na ako sa pinto ng mismong condo nya,inslide ko na yung card at agad pumasok.
Sobrang linis naman dito nakakahiyang pumasok.
"Jiro?"
Walang sumagot kaya nag lakad pa ako hanggang sa napunta sa isang pinto. Kwarto nya ata to.
Kakatok na sana ako ng bumukas ito at tumambad sakin ang bagong gising na si Jiro.
"Oh babes? Anong ginagawa mo dito?" Sabay kusot nya sa mata nya. How cute.
"Eh di kasi umuuwi si Kaizer simula nung araw na nakauwi tayo dito" pumasok ako sa kwarto nya at binagsak ang katawan sa kama. Sumandal sya sa pinto.
"Hindi umuuwi? How come? Diba sabay tayong umakyat dito sa hotel?"
Napabuntong hininga ako. Dito mag sisimula ang pag-eexplain ko ng mahaba.
Umupo muna ako sa kama bago nagsalita "Jiro gusto ko malaman mo yung tungkol sa amin ni Kaizer"
"Why? May 'Kayo' na ba?" Inemphasize nya pa talaga ang KAYO.
"Jiro listen"
"No Thea. Nakita ko kung paano ka nya tratuhin. First nung nasa isang restaurant kayo.Nakita ko kayong dalawa dun. Iksaktong duon na held yung meeting namin. I thought im hallucinating pero hindi eh. Ang saya nyo pa nga..
"At yung isa pang video na nag viral. Yung nasa gym kayo. Sobrang sakit pero tiniis ko kasi alam ko naman yung limitasyon ko eh." Sabay singhap nya.
"Jiro.."
"Thea i'm your bestfriend. Sa bawat kilos mo,bawat pag iisip,bawat ngiti,bawat lungkot o ano pa man dyan alam ko yan kasi bestfriend moko kahit na di tayo lumaki ng sabay kasi pinaglayo tayo ng tadhana pero kilala kita. And you know how much i cared,how much i worried and how much i love...you at kung san ka masaya? Susuportahan kita kasi mahal kita, kasi bestfriend kita. "
Nag kakarerahan na naman yung mga luha ko.
"Sshhh don't cry my princess" niyakap nya ako at hinalikan sa noo "I'm always here for you no matter what happens. Hindi kana bata para pag sabihan kung anong nandyan sa puso mo pero once na saktan ka nya Thea,hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung bakit binigay kita sa kanya" may naramdaman akong likidong tumulo sa ulo ko. He's crying.
"Jiro i love you as my bestfriend and i'm sorry kung hindi ko man masusuklian ang pagmamahal na higit pa sa kaibigan na hinahangad mo. I'm so sorry" Sabay iyak ko. I hate this feeling. Sinasaktan ko ang taong naging parte ng buhay ko.
"Thea sa maniwala ka man o sa hindi. Never ko hinangad na mahalin mo din ako pabalik gaya ng pagmamahal ko sayo. Thea kung san ka masaya dun ako. Parang martir lang diba?" Tumawa sya ng bahagya "Pero babes tandaan mo andito lang ako palagi" Sabay kiss nya sa noo ko. Tumango lang ako at ngumiti. I'm thankful kasi kahit ganito ang sitwasyon namin naiintindihan nya ako.
"J-jiro anong gagawin ko? Gusto ko syang makita pero di ko alam kung san sya tumutuloy ngayon"
"Babes hindi ko din alam kung saan sya tumutuloy pero..."
Napaatras ako ng bahagya para makita ang mukha nya. No. Wag mo sabihing... No! no! no!
"P-pero ano?"
He sighed "Maliban nalang kung nasa condo sya ni Amanda"
"Amanda?"
"Remember his fiancé?" Tumango ako bilang sagot. Yan yung naiisip ko ngayon. Ngayon lang ulit talaga nag sink in saakin si Amanda na Fiancé ni Kaizer. Hindi kaya mag kasama sila ngayon? Naiisip ko palang nadudurog na puso ko. Dapat kami ang magkasama pero ang selfish ko naman at napaka walangya kung babae kung aagawin ko si Kaizer kay Amanda. But i loved Kaizer.
"Babes wag mo muna syang isipin wag mo istress sarili mo tsaka may gumugulo din sa isip nun. As of now dito ka nalang muna sa condo ko. Uuwi na din ako tuwing hapon or gabi para may kasama ka"
"Wait hindi ka talaga umuuwi dito? Kailan ka bumalik?"
"Umuuwi naman pero hindi madalas. Nung nakaraang araw lang"
Tumango tango ulit ako.
"Wait,kumain kana ba?"
"Oo kumain na. Mabuti nga may natira pang mga pagkain sa ref ni Kaizer eh. Naku kung wala na patay ako" sabay hagikhik ko. Napailing at napangiti naman sya.
Dito na daw ako matulog sa kama nya habang sya sa sahig nalang daw matulog. Nakakahiya man pero mas mabuti na yun.
"Jiro?" Tawag ko sa kanya pero wala ng sumagot. Baka tulog na. Napangiti nalang ako at napayakap sa unan. Gusto ko mang yakapin at halikan si Kaizer sa malalambot nyang labi pero natatakot ako.
Natatakot ako na baka layuan nya ako pero hindi naman ata diba? Kasi nasa courting stage palang kami. Maaayos din namin to. Hindi ko hahayaang mawala sya sakin. Sana ganun din sya.
Ilang oras din na dilat pa ang mga mata ko sa kakaisip kung kumain na ba sya,nakakatulog ba sya ng maayos,kung okay lang ba sya,sino ang kasama or mga kasama nya. Madami akong mga tanong sa isip ko na di masagot sagot. Andito na naman tayo sa stage na to eh. Yung may problema o katanungan ka pero ni hindi man lang masagot? Nakakabobo isipin pero di maiiwasan. Maraming what if's din na napapasok sa isip ko.
Sana pag gising ko Kaizer yung maamong mukha mo na ang makikita ko yung gaya dati. Miss na miss na kasi kita eh. Pagpikit ko,may tumulong luha sa gilid ng mata ko. Andito na naman ako umiiyak.Ilang minuto din at nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...