Part 59

8.5K 156 4
                                    

Quotes: Mistakes are always forgivable, if one has the courage to admit them.

Dedicated to: Everyone

Anyways, sa lahat ng nag rereklamong mabagal ang pag update ko? Feel free to remove my story.

---

"Ma naman!"

"Ma tama na"

"Hay nakakahiya ka mama!"

Paulit ulit ko nalang yan sinasabi simula nong dumating kami rito sa Sokor. Tatlong araw na rin ang nakalipas at nangungulit parin si mama na ipagsama kami ni Kaizer sa iisang kwarto.

Ngayon palang kasi nakita ni mama si Kaizer. Nagwapuhan ata at nakalimutan niya ata ang ginawa ni Kaizer sakin. Tinutukso tukso niya pa kami sa isa't isa. Halos ipagdikit na nga kami ni mama.

Paglapag namin dito sa bahay tatlong araw na ang nakalipas bumungad agad sa amin si Lola na naka wheelchair at si mama nasa likuran ni Lola.

Bumuhos ang luha ko dahil sa nakita. Napaka weak ko na ngayon. Hindi naman talaga natin alam kong kelan o pano kukunin ang mahal mo sa buhay. Just enjoy your life and also love your family, ika nga. Kung bibigyan ako ng percentage kung gaano ko kamahal ang pamilya ko masasabi kong hundred percent dahil buong buo ang puso ko na minahal sila at ganun rin sila sakin.

Ang kamatayan gaya ng sabi ko hindi natin alam kung kelan at paano. Basta basta ka nalang kukunin kung gusto ng Panginoon.

Nag hahapunan na kami dito sa dining. Busy si mama sa pag intertain kina Jiro at Kaizer,ganito naman kasi siya simula pa nong nakarating kami dito sa bahay. Panis na nga ata laway ko dito sa gilid ni Jiro dahil di man lang ako nadadamay sa usapan.

Matapos ang hapunan pumunta na agad ako sa kwarto at nagpahinga. Nakagat ko ang labi ko sabay himas sa tyan ko.

"Baby excited na akong makasama ka. I promise na kapag isinilang na kita may takot ka sa Panginoon habang lumalaki" Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa si mama na nakangiti.

"Anak"

Ngumiti ako at sumandal sa headboard "Yes ma?" Naglakad siya papunta sakin at umupo sa tabi ko.

"Ayos kalang ba?" Ngumiti ako at tumango. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilagay niya ang mga kamay namin sa tyan ko.

"Masaya ako para sayo anak. Kahit na may nagawa siyang masama, kahit na mag tago tayo sa kanya hindi parin mawawala ang pagiging ama niya at pananagutan niya dito" Sabay himas nya sa tyan ko. Napapikit ako at isinandal ang ulo ko sa balikat ni mama. Ito na ata ang pinaka mahabang nasabi niya sakin simula nong makarating kami dito.

"Anak alam kong nasaktan ka niya at mas masasaktan ako dahil anak kita, dahil nararamdaman at nakikita ko yun sayo. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Ayoko rin yung may mamuong galit sa puso ko at sa puso mo dahil ayaw na ayaw yun ng papa mo kaya sundin mo lang ang sinisigaw ng puso mo."

Kumagat labi ako at saktong tumulo ang luha "Ma pero paano? Nakaya nyong mag patawad. Sobrang dali sa inyo pero bakit kapag pagdating sa akin hindi ko magawa? Ma ang dali sabihin pero mahirap gawin. Ma hindi ko ata kayang mapatawad siya kahit anong dahilan pa yan dahil alam kong tapos na" Pinunasan niya ang luha ko na wala paring tigil sa pag daloy.

"Anak hindi pa tapos. Kayang mag patawad ng puso at isip mo. Hindi minamadali yan anak. Step by step ang pag papatawad. Napatawad ko si Kaizer dahil alam kong hindi siya masamang tao. Alam kong mahal ka niya at alam kong hindi ka niya bibitawan. Trust him again Thea."

Pinatahan muna ako ni mama bago siya umalis. Napangiti nalang ako ng mapait. Alam ko naman yun eh. Alam ko naman ang mag patawad, dati. Kahit paulit ulit pa yan pero bakit sa isang kasalanan lang ni Kaizer na halos mabaliw ako, hindi ko kayang patawarin? Dahil ba sobrang bigat na nito at hindi ko na kaya?

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon