Part 35

9.3K 158 4
                                    

Andito na kami sa malaking bahay. Kinarga nila si Abby at Raiden, pagkatapos pumanhik sa kwarto para ilagay ang mga bata nagpaalam na din kaming umalis sa mga sisters. Di na tuloy kami nakapagpaalam sa mga bata.

Nang nasa taxi na kami tahimik lang ang byahe. Nilingon ko si Kaizer na kanina pa tahimik. Blank expression. Kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang kamay nyang nasa binti nya. Pinisil ko ang kamay nya. Wala padin syang kibo. Ni pagtingin sa mga kamay namin na nakapulupot sa isa't isa di nga man lang tinignan. And it hurts me you know.

Nang makarating na kami sa hotel naunang lumabas si Jiro at pinagbuksan ako. Sa isang pinto lumabas si Kaizer kaya di na kami mag kahawak kamay ngayon. Parang may problema talaga. Dahil ba kanina?

Sabay kaming nag lakad ni Jiro. Nauna nang pumasok sa hotel si Kaizer.

"Babes anyare dun?" tanong ni Jiro nang makapasok na kami sa hotel.

Bago pa makasakay ng elavator sinagot ko na sya "May regla ata" Sabay hagikhik naming dalawa. Tatlo lang kami sa elevator. Dahil nauna si Kaizer samin na sumakay,nasa likod sya at kami nasa harap.

Nang marating na ni Jiro ang condo nya nagpaalam na din sya sakin. Dalawa nalang kami ni Kaizer na nag lalakad. Naka hands on pocket sya. Kinabahan ako ng pumasok na kami sa condo. Kala ko mag sasalita sya pero pumanhik sya sa balkonahe.

Pumanhik naman agad ako sa kwarto. Sobrang pagod ako. Ayoko makipag argue sa kanya ngayon kung yun man ang problema nya.

Nagising ako na may mabigat na kamay sa beywang ko. Lumingon ako para iconfirm kung sino yun. Its Kaizer. Nakatitig sakin.

"I'm sorry" Malambing nyang sabi

"For what?"

"Sa inasta ko kanina. I wa-- jealous" humina ang boses nya sa huling salita nya.

Hinarap ko muna sya bago nag salita "You don't have to Kaizer. Kaibigan ko sya at alam mo yan"

"But Thea the w-way he looks at y-you..." Napatigil sya sa pagsasalita nya. Ano Kaizer? Sabihin mo!

"Nevermind"

Napabuntong hininga nalang ako. Mahaba habang eksplenasyon ang gagawin ko dito pero pagod na ako para duon.

"Look Kaizer. You know how much i-i-i love you and kaibigan ko lang si Jiro. Siguro nga gusto nya ako pero..." Napatikham ako sa naiisip ko. Paano kung malaman ni Jiro ang namamagitan samin ni Kaizer? Naisip ko na to dati. Paano kung malaman nya? Paano?! Nakakabaliw. Mas inuna ko yung puso ko kesa sa isip.

Nagsisisi? No! No way! Hindi ako nag sisisi na sinunod ko yung puso ko kesa sa isip ko lalo na't maganda na yung set up namin ni Kaizer. Hindi ko man matandaan kung saan kami nag umpisa o kung paano basta ang alam ko lang malapit na maging kami.

"Pero ano?" Nabalik ako sa wasto ng magsalita si Kaizer.

"Kaizer please not now di ko gusto ng argue ngayon tsaka please lang pagod ako" tumayo ako hudyat ng ayoko ng ipagpatuloy kung san man hahantong ang usapan nato.

Pumunta akong kusina para mag luto kahit na ang sama ng katawan ko. Magkakasakit na naman ba ako o yung puso ko lang yung apektado pero kumonekta sa buong katawan ko? Naguguluhan ako at natatakot.

Alam nyo yung feeling na nararamdam mo na may crush sayo yung bestfriend mo o baka nga mahal kana nya at mahal ka din ng taong kahit kailan di mo naman pinangarap pero unti unti mo namang minamahal?

Naguguluhan ako at natatakot dahil sa sitwasyong ito. Paano at bakit ako napunta dito sa sitwasyong to? Akala ko na nasa isang nobela lang ang ganitong sitwasyon,pati din pala sa buhay ng mga tao ito dumadating.

Aaminin ko nung mga araw na kasama ko si Jiro nakakaramdam ako ng masasayang oras na yun. Kinikilig at the same time. Pero iba padin yung dating ni Kaizer sakin kahit na yung mga ganung efforts lang ang ginagawa nya sakin. I appreciate it.

Natapos ako mag luto tinawag ko na agad si Kaizer. Sabay kaming kumain pero walang imikan.

Natapos ko na ang pag wawalis at ang pag huhugas ng plato. 6:45 PM na din pala.Ang bilis talaga ng oras.

Pumasok ako sa kwarto ko at nadatnan si Kaizer na nag babasa. Is he mad at me? Lumapit ako sa kanya.

"Kaizer" Basag ko sa katahimikan nang makaupo na sa tabi nya.

"What?"

"Are you mad at me?"

"Why should i?" 

Ayan na naman sya sa pagiging masungit nya. Nadadala na din ako sa kakaenglish nya pero wala akong pake basta makausap ko lang ang taong mahal ko.

"Kaizer naman ayoko ng ganito tayo. Gusto ko lang naman na sabihin na bestfriend ko lang sya at yu---"

Hinarap nya ako bago sya nag salita "Wag mo sabihing yun lang yun kasi hindi yun yun lang Thea. The way he looks at you iba yung dating! Lalaki ako at alam ko kung anong emosyon ang dumadaloy duon sa kanya. Wala pang isang linggo ang panliligaw ko sayo pero sobrang atat na ako na sagutin mo. Kung pwede lang YES I DO na agad."

Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya. Namumula ako. Langya ka Kaizer Navarro you driven' me crazy. Pero hindi ko padin pinalagpas ang mga ito.

"Ang hirap mo naman makaintindi Kaizer. Sinabi kong B.E.S.T.F.R.I.E.N.D ko lang sya!" Napasigaw ako ng di oras halata namang nagulat sya. Magsasalita pa sana ako ng lumayo sya ng bahagya sakin. No Kaizer. No.

"Yes it's so difficult to understand kung bakit ikaw pa ang minahal ko at kung bakit ikaw pa ang mahal ni Jiro! So unfair!" tumalikod sya sakin at iniwan ako sa kwartong tulala habang nag uunahang umagos ang mga luha ko.

Ang sakit. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mata ko . Naalala ko na naman yung kagabi. Ang sakit lang na masabihan ng ganun. Nag sisisi ba sya na minahal ako? Aabsent nalang kaya ako ngayon? For sure walang class na naman.

Tulog,kain,bangon at ligo lang ang ginagawa ko ngayon. Hinihintay ko din ang pagbabalik ni Kaizer. Wala sya sa buong condo. Hindi ko sya nakita pagkagising. Ganun ba sya ka affected? Napabuntong hininga nalang ako. Nakasanayan ko nang andito sya palagi. Wala din syang sulat o rosas man lang na inilagay sa mesa,pati ba naman yun nakasanayan mo na Thea?

Alam kong nasaktan ko sya sa di ko malamang paraan. Napaka complicated ng sitwasyon nato. Hindi ko alam ang gagawin. Ang bata ko pa naman para isipin to. Gusto ko lang din ng advice. Di naman sa ayokong mag pa advice sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Jiro na syang ugat ng pag tatalo namin ni Kaizer.

Hindi ko sinisisi si Jiro pero kailangan ko syang makausap. What for? Kung totoo ba ang nararamdaman nya para sakin. Prankahin ko nalang din sya sa kung anong meron samin ni Kaizer.

--
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon