Part 25

9.9K 186 2
                                    

Nagising ako dahil may tumatapik sakin. Urgh!  Palagi nalang ba akong tinatapik o niyuyugyog ng mga to?

"Maya na" tumalikod ako sa kanya. Ang kulit ni Kaizer.

"Kakain na tayo" Gusto ko pa matulog.

"Hmmm" unti unti ko dinilat ang mga mata ko pero gusto ko talaga matulog pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Thea kapag di ka bumangon....hahalikan kita"

Napabalikwas ako at napaupo sa kama.

"Tara kain na tayo!" Sigaw ko at hinila sya palabas ng kwarto. Ilang hours ba akong tulog? Napapasarap yung tulog ko. Mag gagabi na din eh.

Napukaw ako ng adobong manok na niluto ni Kaizer. Nagutom nalang ako biglang sinunggaban yun.

"Sarap mo pala mag luto Kaizer"

"Mas masarap ako" Pabulong nyang sabi. Napasmirk ako sa pagbubulong nya. Mas masarap pala ah.

Natapos ang araw na yun puro alaga lang sya sakin. Dumating din si Jiro nang 7 pm para kumustahin ako nun,pinaubaya din nya ako kay Kaizer kasi busy daw talaga sya. Nasa school na ako tatlong araw na din ang nakakalipas. Mas maayos na yung pakiramdam ko ngayon back to normal na ulit.

"Thea" Kinalabit ako ni Miya kaya napalingon ako sa kanya "Yung amo mo papunta dito" Sabay nguso nya sa gilid.

Napalingon naman ako sa daan na nginuso nya. Kaizer wag kang lalapit. Nang makalapit na si Kaizer samin.

"Hi Girls" sabay ngiti nya sa aming lima. Si Grace,Markie,Sheena at Miya lang ang kasama ko ngayon. Di namin alam kung bakit absent si Tony.

"H-hello" Pabebeng sabi ni Sheena. Nag lipbite naman si Grace at Miya. Si Markie nakatulala lang. God!

"Pwede ko bang mahiram ang kaibigan nyong si Thea?"

"O-oh sure thing" Sabay nilang sagot.Tinulak agad nila ako kaya malapit akong matisud pero andyan pala yung knight and my shining armor este si Kaizer,kaya nasalo nya ako.

Nauna akong maglakad kesa sa kanya. Nakayuko lang ako kasi yung mga tao sa paligid nakatitig samin. May nagbubulungan pa nga pero di ko nalang pinansin. Mas lalo lang ako mabadtrip. Ano bang kailangan nya?

Nang makarating na kami sa basketball gym huminto na ako. Wala pa kasing nag p-practice nang ganitong oras kaya walang tao.

"Anong ginagawa mo? I mean hindi mo ba alam na baka kalbuhin ako ng fangirls mo?"

"I'm here i'll protect you"

"Kaizer naman! Ayokong sumikat sa paaralan na to dahil sa mapahiya" Yumuko nalang ako sa kanya. Naiiyak ako. Iniisip ko palang kapag ako mag isa na mag lalakad sa pathway ng school tapos may haharang sakin? Natatakot na ako pero palaban naman ako. Kaso lang ayoko talaga nang away. Di ako lumaki sa kamay ng mga basag ulo na mga magulang,lumaki ako sa mapagmahal at maalagang magulang.

"Thea trust me"

"Trust you? Kaizer pinapahirapan mo lang yung sitwasyon" napabuntong hininga ako bago nag salita ulit "Mas ok pa ata na nasa condo lang tayo nag tatago sa mga ginagawa natin,pero sa paaralan? Ayoko masira record ko"

"Bu---"

"No buts Kaizer! Ikaw naman yung matigas na ulo satin eh!"

Nakita ko ang bakas ng lungkot sa mata at mukha nya. Nahahati puso ko Kaizer wag ka namang ganyan. Yumuko sya at hinawakan ang kamay namin.

"I.."

"What?" Sabi ko. Umiling lang sya at binitawan na ang mga kamay ko. Iniwan nya akong nakatayo sa Gym. Did i dissapoint him? Pero ano bang inaasahan nya? Lalong lalo na anong inaasahan ko.

Umupo ako sa bench at umiyak. Hindi ko alam ang rason pero nag uunahan na ang mga luha ko. Kaizer iba yung tama ko sayo. Minamahal na ba kita dahil sa mga pinapakita mo o sadyang paghanga lang?

"Oww ang munting Prinsesa umiiyak" Napaangat ako nang tingin at tumitig sa nagsalita. Number one Fangirl ni Kaizer kasama ang mga haliparot na alalay nya. Nagpunas muna ako ng luha at lalayo na sana sa kanila kaso hinawakan ako ng isa sa alalay ni Tamara.

"Nasasaktan ako! Bitawan mo ko!" Di na ako nakapalag ng nabaon ang kuko nya sa braso ko. Ang hapdi. Ang sakit.

"Pagkatapos mo kay fafa Jiro,kay fafa Kaizer ka na naman? Ano bang pinakain mo sa dalawang fafabols namin?" Pasigaw na sabi ni Tamara. Umaagos na naman ang mga luha ko sa sobrang hapdi talaga ng kuko nya na di oras dudugo na.

"B-bitawan mo ko sabi!" Inapakan ko ang paa ng babaeng nakahawak sa braso ko kaya napadaing sya sa sakit. Hinawakan ko ang braso ko na dumudugo ngayon. Apat na marka dahil sa kukong nakabaon. Binitawan nya agad ang braso ko at napaupo naman sya habang nakahawak na sya sa paa nya.

"You bitch!" Sigaw sakin. Tatakbo na sana ako ng hilahin ang buhok ko. Shit! Ang sakit! Sinapak nya ako sa ulo kaya napahiga ako sa semento at nag cover sa mukha ko. Sinakyan ako ni Tamara habang sinasampal. Kaizer bumalik ka.

"Walangya kang babae ka!" sinabunutan nya ako habang sinasampal. Ang sakit na ng katawan ko tsaka ang hapdi na. Di ko na kaya.

"Fuck! Lumayo kayo sa kanya!" My saviour. Napapikit nalang ako nang marinig ang boses ni Kaizer. Umalis naman agad si Tamara sa pagsakay sakin. Naramdaman ko na tumakbo na siya pati yung mga haliparot nyang alalay.

"Thea" Kinarga ako ni Kaizer at lumakad palayo sa Gym. That was my first embrassing moment.

"Kaizer" Ngumiti ako sa kanya. Papunta syang parking lot. Natatanaw ko padin ang mga dinadaanan nya. Nakaramdam ako ng pagkahilo.

Nagising ako sa isang kwarto. Puti lahat. Nasa heaven na ba ako papa God?

"Thea" napalingon ako kay Kaizer na palapit sakin. Hinaplos nya agad ang buhok ko nang makalapit at hinalikan ako sa noo. Na amoy ko ang scent ng pabango nya.

"Are you feeling well?"

Nakita kong may bandage na pala ang braso ko.

"Medyo mahapdi na naman pero ok na ako" sabay ngiti ko

"That's good pero magpapacheck up padin tayo"

"Kaizer gagastos ka lang tsaka ok na naman ako eh"

"I just want to make sure"

"Ayoko"

"Ayaw mong malaman ni Jiro to diba?"

Bumilis yung tibok ng puso ko. Kapag nalaman ni Jiro susugudin nya yung mga babae tapos masisira records nya tapos omg.

"Fine! Binablackmail moko" Sabay pout ko. May kinuha syang guitara sa gilid nya. Umayos sya ng upo at nag simulang mag strum.

---
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon