Amanda POV.
"Please babe stay with me" Pagmamakaawa ko kay Kaizer.
"Amanda alam mo na hindi ko gusto na ma engage sayo. So please hayaan mo na kami ni Thea"
"Ayan ka na naman eh! Kapag si Thea ang pag uusapan palagi kang ganyan"
"Because i love her!" Sigaw nya sakin. Umagos na ang mga luha ko. Ang sakit lang pakinggan na yung taong mahal at kinababaliwan mo may mahal ng iba.
"Pupunta ka lang dito para pagsalitaan ako ng ganyan? Hoy Kaizer baka nakakalimutan mo. Malaki din ang share ko sa kompanya nyo kaya kitang pabagsakin"
Nilingon nya ako at nginisihan "Kaya mo ba?"
"Sure thing basta layuan mo si Thea that's it" lumapit ako sa kanya at hinalikan sya. Tinulak nya ako kaya natumba ako. Napapikit nalang ako sa sakit.
"Baliw kana" Umalis si Kaizer sa condo ko. Damn it! Ano ba ang pwede kong gawin para lang makuha ka sa kanya? Damn! Magbabayad ka Thea Strauss.
Thea POV.
Naghahanda ako ng pagkain para sa almusal namin ni Kaizer. Ang himbing ng tulog nya kase baka ma disturbo ko. 5 am pa naman.
Nag usap din kami tungkol sa pag graduate nya,excited nga sya eh. Sya ang Summa Cum Laude ngayong year. Ang layo ng naabot nya pero parang ang lapit nya lang sakin. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko. Nababaliw na naman ata ako.
Sa thursday na din iyon at sa thursday na din ako mag tatapat. Sasabihin ko na din sa kanya ang malutong na 'Oo' Na excite tuloy ako.
Sana maging maayos yung araw na yun. Sana nga.
Ginising ko na si Kaizer para kumain. Sabay kaming pumunta sa hapag kainan at kumain.
"Baby pupunta akong school ngayon"
"Bakit?" Sumubo ako at nginuya iyon.
"Pinapapunta ako ng Principal"
Ngumiti ako at tumango. Ilang araw na din at di ako nakapunta duon. Matapos kaming kumain naligo na agad kami ni Kaizer,oo sabay pero walang nangyari.
Nasa kotse na kami at papunta ng school. Panay tingin si Kaizer sa side mirror kaya napatingin din ako duon.
"May sumusunod satin" Panimula nya. Umayos ako ng upo at hinigpitan ang pag hawak sa strap ng seat belt. Pinaharurot nya ang kotse,ganun din naman ginawa ng pulang kotse na nakasunod samin. Natatakot ako.
"Baby lumabas ka kaagad ng kotse pag hinto ko sa parking lot. Dumiretso ka sa soccer field nanduon sila Kent"
"I-ikaw?"
"Wag mokong alalahanin i can handle myself"
Nang huminto ang kotse sa parking lot ng school lumabas na agad ako at tumakbo papuntang soccer field. Hindi na ako lumingon pa. Ayokong makita ang nasa likod ko. Maging maayos ka lang Kaizer,please.
Hiningal ako sa kakatakbo at napahinto din ng makita ako nila Kent. Lahat ng basketball player pati si Kent pumunta na din sakin.
"Oh Thea asan si Kaizer?" panimula ni Kent.
"M-may humahabol samin" Napapikit ako at hinahabol ang hininga.
"Damn it! Asan sya?"
"Nasa parking lot kung hindi ako nag kakamali"
"Bakit?"
"Pinatakbo nya kaagad ako dito sa soccer field kasi andito daw kayo"
Nag tiim bagang si Kent. Inutusan nya ang mga varsity player na puntahan si Kaizer duon sa parking lot. Inalalayan naman ako ni Kent umupo sa bench.
"Ayos kalang ba?" tumango ako bilang sagot.
"Magiging maayos lang naman si Kaizer diba?" Sabay yuko ko.
"Oo naman malaki na yun wag ka mag alala" Sabay tawa nya.
"Kilala ko si Amanda?" Napatigil sya sa pag tawa ng itanong ko yun.
"Amanda? If i'm not mistaken sya yung girlfriend ni Luke"
"Kilala mo din si Luke?"
"Oo. Sila yung nakalaban namin sa basketball"
"A-ang St. George?" Tumango sya bilang sagot. Shit! Bakit ngayon ko lang napansin yun? Familiar sakin si Luke nung nakaharap ko sya sa bar.
"Uminit sa pagitan namin nung nalaman naming lahat pati ang St. George na engage sila Kaizer at Amanda. Alam mo naman ata yun diba? Pero mas bagay kayo" Sabay tawa nya. Namula naman ako sa sinabi nya. Nagawa pang mag pakilig sa sitwasyon namin ni Kaizer.
"Kaya na post poned yung game 2 namin"
Kaya pala hindi na nasundan ng game 2 ang laro nila. Ang saklap naman nun.
"Thea alam ko kung paano mag higanti si Amanda. Alam ko na mahal mo talaga si Kaizer kaya tutulungan kita" Napatingin ako sa kanya. Napakaseryoso nya.
"P-pano mo nasabi y-yan?"
"Pinsan ko sya"
Nasa bench padin ako hanggang ngayon. Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi ni Kent. Napaka complicated nga talaga ng sitwasyon namin. Umalis muna si Kent at nag jogging sa field.
"Baby"
Napalingon ako sa nag salita nun "Mahal ko" halos takbuhin ko na ang pagitan namin ni Kaizer.
"Ayos kalang ba?" Tumango sya bilang sagot. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya napayakap na din ako sa kanya.
"Ang sweet!" Sigaw ng mga varsity player. Humalakhak sila at nag jogging na din papunta sa kinaruruonan ni Kent na nakatingin samin,sakin. Nag iwas nalang ako ng tingin at humiwalay na sa yakap ni Kaizer.
"San kaba galing? Anong ginawa mo?" Sunod sunod kong tanong.
"Chineck ko yung sumusunod satin"
"Tapos?" sabay lip bite ko.
"Si Amanda"
Nag salubong ang kilay ko at nag tiim bagang. Akala ko ba si Luke na ang bahala kay Amanda? Urgh! Hindi talaga sya titigil hangga't hindi mapapasa kanya si Kaizer. Hindi naman talaga mapapasakanya si Kaizer.
"Uwi na ba tayo?"
"Wait pinatawag ka ng principal diba?"
"Nakausap ko na sya. Tara na ba?" Hinawakan ni Kaizer ang kamay ko.
"Boss! Meryenda naman dyan oh" Sigaw ni Kent na papalapit samin pati na din ang teammates nito. Tumango tango naman ang teammates nito. Tumingin sakin si Kaizer kaya ngumiti nalang ako. Mabuti na din ito para getting to know each other na din kami ng mga teammates ni Kaizer.
Pumunta ulit kaming parking lot at sumakay na agad ako sa kotse ni Kaizer. May kanya kanyang mga kotse namin kasi ang mga lalaki.
Biglang nag ring ang phone ni Kaizer. Si Kent tumatawag. Sinagot ko naman ito.
(Oh Kent?)
(Ibigay mo kay boss Thea)
Binigay ko naman agad kay Kaizer. Gumuhit ang nakakalokong ngisi nya at pinaandar na ang engine. Nahulog ko yung phone ni Kaizer ng bigla nyang pinaharurot ang sasakyan at nag sumunod naman ang sasakyan ni Kent at ng iba pa.
Napamura ako ng mag red light at di parin humihinto si Kaizer pati sila Kent. Ano bang ginagawa ng mga to? Car racing? Dafuq
"K-kaizer red light!" Sigaw ko sa kanya pero di sya huminto. Nalagpasan na namin ang red light at naunahan kami ni Kent sumunod naman yung naka red hair na kumakaway pa sa amin.
Humalakhak si Kaizer kaya mas kumapit pa ako sa strap ng seat belt. Hindi maganda to.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
أدب المراهقينThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...