Part 22

10.3K 199 2
                                    

"Good morning" Bati ni Kaizer sakin. Saya nya ata ngayon ah? Tumango lang ako at umupo sa sofa. 7:26 am pa tsaka kakagising ko lang din. Trip ko bumangon ng maaga,akala ko tulog pa itong isa.

"Maaga ka ata ngayon?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon sya sakin at ngumiti. Aba aba Kaizer Navarro marunong na ngumiti ngayon? Ibang klase to ah "Ngiti ngiti mo dyan? Nakaisa kaba sa mga babae mo?" Dagdag ko pa. Di nya padin binabawi yung ngiti at titig nya sakin. Ano bang nakain nito? Lumapit sya sakin at mas naging malapad pa ang ngiti nya. Kulang nalang mawala na yung mata nya sa sobrang singkit nito.

"Bawal ba ngumiti?" Nagulat ako ng halikan nya ako sa noo pagkatapos nyang sabihin yun. Mabilisan lang. Wow LANG parang nabitin ah. Napapansin kong nakakarami na sya ng halik sakin.

"Ano ba Kaizer!" Sigaw ko at lumayo sa kanya. Tinignan ko sya ng masama kaya napangisi sya.

"Ayaw mo na mag pa kiss sakin?" Lumapit sya sakin ng isang hakbang.

"Wag kang lalapit! Hayp ka! Sisipain ko betlog mo namo!"

"Sooo scared" Napatigil sya sa pag lalakad palapit sakin habang hawak hawak nya ang kanyang dibdib na parang natatakot. Urgh! Sabado Kaizer wag mo painitin ulo ko.

"Umalis ka nga dyan! Kabadtrip naman mukha mo" Tumayo na ako at umalis sa harap nya. Pumunta akong kusina at uminom ng tubig. Mamayang 8 or 9 nalang ata ako kakain ng breakfast. Biglang sumama pakiramdam ko kase.

"Monthly visit?" Napalingon ako kay Kaizer na nakaupo sa mesa. Walangya sa mesa pa talaga umupo. May upuan naman.

"Psh hindi no!" Inirapan ko sya at nag lakad papalayo sa kanya pero nahawakan nya ako sa braso kaya nahila nya ako palapit sa kanya.

"Are you sick?" Umiling ako pero sinuri nya padin ako. Nilagay nya ang kamay nya sa noo ko. Medyo masama talaga pakiramdam ko pero kaya ko naman na. Nakakapaglakad at nakakatayo pa naman ako na di natutumba.

"Hindi!" Inalis ko na yung mga kamay nya sakin at nag lakad na palayo sa kanya. Gusto ko bisitahin si Jiro sa condo nya kahit na ang aga pa. Tsaka gusto ko din makita ang mga Navarro nung gabing tinangay ako ni Kaizer papalayo sa event na yun. Kung galit ba sila sakin or kay Kaizer. Pumasok muna ako sa kwarto para kumuha ng jacket. Paglabas ko ng kwarto napadaan ako sa may sofa. Nakacross arms lang si Kaizer habang tinititigan ako. Problema nya?

"Where are you going?"

"Jiro's condo"

"Ahh Seb" patango tango nyang sabi "Bawal"

"The heck? Bestfriend ko sya whether you like it or not pupunta ako"

"Thea may sakit ka"

"Wala nga akong sakit!" Lumakad na ako papuntang pinto ng di ko na malaman ang sunod na nangyari.

Kaizer POV.

"Fuck Thea!" Tumakbo ako palapit sa kanya. Ni bridal style ko sya papasok sa kwarto. Kahit na ang init nya ayos lang "Fuck ang tigas ng ulo mo sabing wag na lumabas" inihiga ko sya sa bed at denial si Jiro. No choice ako. Wala akong kakilalang nurse or doctor or what.

"Pumunta ka dito sa condo.. Si Thea nahimatay.. Sige" Basta tungkol kay Thea wala syang palalampasin. Nakaramdam ako ng biglang pag kirot sa puso ko. Tangina naman Kaizer umayos ka. Boyfriend nya si Jiro kailangan nya malaman.

Kinumutan ko si Thea ni hindi ko nga alam ang gagawin ko. Ang taas ng lagnat nya sobra. Kanina medyo di pa mataas pero ngayon ang init na sa balat kapag tumatama sa balat mo yung init.

"Kaizer what happened? " Lumapit agad si Jiro kay Thea at hinawakan ang noo "Fuck ang taas ng lagnat nya"

"Sinabihan ko syang wag na pumunta sa condo mo kaso nag pumilit"

"Tss" Nag dial sya ng number at lumabas muna may kakausapin daw syang doctor. Umupo ako sa gilid ni Thea. I hold her hand. Nanginginig sya. Shit. Anong gagawin ko ba? Di ko alam kung anong pwedeng gawin.

Pumasok si Jiro na may kasamang lalaking doctor. Seriously? Lalaki talaga? Pero mukhang mapagkakatiwalaan naman. Pinatay ni Jiro ang aircon kaya medyo di na nanginginig si Thea. Bakit di pa sya nagigising? Nag rerespond naman ang katawan nya.

Nakahawak padin ako sa kamay ni Thea na sobrang init. Wala akong pake kung may masabi man si Jiro basta ang akin lang mapabuti si Thea lalong lalo na nasa puder ko sya.

Thea POV.

Nagising akong may nakahawak sa kamay ko. Ang bigat padin ng katawan ko. Tinignan ko kung sino ang nakahawak sa kamay ko. Si Kaizer. Natutulog sya sa tabi ko na nakahawak sa kamay ko? Ilang oras ba?

Biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Jiro. Ow this two guy. Napalingon naman si Jiro sakin kaya nilapag nya agad ang tray na dala nya.

"Babes" Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo

"Ba-baka mahawa ka" Di ko masyadong mabigkas ang mga sinasabi ko. Tuyong tuyo yung lalamunan ko.

"Maliit na bagay" sabay ngiti nya "Sabi ni Doc ipahinga mo nalang daw muna yan. Wag ka masyado mag pakastress babes and kumain ka muna ng sopas mukhang di ka pa kumakain"

Kinuha nya ang bowl na may sopas at umupo sa kaliwa ko. Nasa kanan kasi si Kaizer natutulog padin.

"Hawak hawak nya ang kamay mo kanina pa. Nag seselos ako" Tawang sabi ni Jiro. Sinubuan nya ako medyo nag blush naman ako sa sinabi nya. Di ako masyado makagalaw. Nanghihina ako "Sabi nga lala ni Kaizer papunta ka sana akin kanina?" tumango lang ako. Alam kong pagagalitan nya ako dahil ang tigas ng ulo ko.

"Babes dapat di mo na pinilit. Alam mong ang sama na ng pakiramdam mo tapos pinilit mo pa. Look what you've done"

"Oo na" Tamlay kong sabi. Pinagalitan nya ako ng pinagalitan pero sa huli napasinghap nalang sya at niyakap ako ulit. Hindi nya ako matiis alam ko yan.

"Iniwan ko yung meeting ko with my parents para pumunta dito"

"Bat ka kasi pumunta?"

"Bat kasi ang tigas ng ulo mo?" Balik na tanong nya sakin. Okay,ayoko na makipag talo sa kanya dahil may lagnat ako ngayon panalo na sya. Umalis na din sya ng matapos na nya akong alagaan at painumin ng gamot. Tulog padin si Kaizer pero ngayon mas mahigpit na ang paghawak nya sa mga kamay ko. Why oh why Kaizer? Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinigpitan din ang hawak sa kanya.

---
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon