Part 11

11.7K 202 0
                                    

"We're here" lumabas ako ng kotse pagkasabi nya nun. Napaka traffic mag kakalahating oras na nga eh. Boss ko si Kaizer kaya di ko dapat sya pinagsabihan ng ganun.

"Lalim ng iniisip natin ah"

"Wala to no"

"Kaizer na naman ba? Wag mo na sya isipin tupakin din yun. By the way lilipat ako sa school nyo bukas na bukas" napaharap ako sa kanya na nakangiti.

"Talagaaa?" Sabi ko na parang bata. Ginulo naman nya ang buhok ko at tumango sya "Wag moko kakalimutan ha? Baka pag dating mo dun para ka ding si Kaizer di ako pinapansin" sabay pout

"Wag mo ko itulad sa kanya Thea" He smiled.

"Ikaw si Jiro eh" Umakbay ako sa kanya papasok ng mall. Pumunta muna kami sa grocery para mamili ng mga wines. Nang nasa pila na kami.

"Ang gwapo ng lalaki"

"Oo nga eh girlfriend nya ata yan girl"

"Bagay naman sila kasi napaka simple lang ni girl"

"Mabait din naman ata yang lalaki"

Etc.

Napapailing nalang kami at napapangiti. Kahit kelan talaga kung anong makita ng ibang tao huhusgahan ka kaagad. Hindi naman masasakit yung mga pinagsasabi nila pero hinuhusgahan padin kayo. Pwede naman dibang mag tanong? Kasi walang mawawala kung magtatanong pero in a good way hindi yung idadala sa bulungan pero nadidinig naman.

Nang tapos na natotal yung pinamili namin binigay ko na yung Credit card ni Kaizer. 10k mahigit yung nabawas sa card ni Kaizer. Ilan kaya laman nito? Siguro sobra million din. Bat ako naging interesado? Hahaha

"100 thousand lang ang laman nyan" Nagulat ako ng mag salita si Seb. Napatingin naman yung girl cashier sa kanya nginitian ni Seb yung babae kaya napayuko at namumula. Tinitigan ko naman si Seb.

"Lakas ng karisma ko no?" Bulong ni Seb. Napabuntong hininga nalang ako ayan na naman sya karisma thingy na naman. Malamang gwapo sya sino ba naman di kikiligin na nginitian lang ng isang Navarro diba? Kulang nalang maihi yung girl sa palda nya hahaha ang sama ko no? Pabayaan na.

Matapos na ma pack yung lahat ng pinabili namin este KO nilagay na ni Jiro sa cart. Nakasunod lang ako sa likod ni Jiro ng niloko nya yung cart. Sinundan ko lang sya at huminto sya sa harap ng lalaki at may binulong. Tinulak na ng lalaki palayo sa amin ang cart.

Pumunta si Jiro sakin at hinawakan ang kamay ko tapos kinaladkad. Hays san na naman patungo to?

"Teka nga Jiro!" Huminto ako gayon din sya "San mo ba ako dadalhin?"

"Ice cream station?"

"TALAGA?" Ngumiti sya at inakbayan ako. Pinagtitinginan na naman kami hays Jiro. Nang nasa elevator na kami inalis na nya ang kamay nya.

"Babe ano gusto mo? Cookies 'n cream? Vanilla? Chocolate?"

"Ikaw"

"Tinatanong pa ba yan?"

Sabi ng dalawang babae na nasa harapan namin. Seriously?

"Oh Hi girls" Sabay ngiti ni Jiro kaya napaharap ang dalawa samin.

"Hi" chorus na sabi ng dalawang babae with matching flips hair

"You and you" Turo nya sa dalawang babae kaya nag taka sila "Gusto nyo ng cookies n cream?"

What?? Ano bang kalokohan to Jiro?

"Oo" chorus nilang sabi. Kambal ba to? Tumunog na ang elevator hudyat ng nakarating na kami sa third floor. Hinila ako ni Jiro tapos inakbayan,lumaki naman ang mga mata nila and me? Blush here ,blush there ,blush everywhere. Nakita kong ngumiti si Jiro at nag lakad kami palabas. Nang malagpasan namin sila. Huminto si Jiro na nakatalikod padin kami sa kanila "Bumili kayo"

Naglalakad kami habang nakaakbay sya kaya medyo nasasakal ako sa ginagawa nya.

"Kailangan pa talagang ipahiya yung girls?"

"Nakikisali kase"

"Di naman nila alam na hindi sila yung sinasabihan"

"So" Sabay hinto nya at harap sakin "Sa tingin mo ikaw sinabihan ko?" yumuko ako at nag lipbite

"Hindi ba ako?" sabay pout

"Syempre ikaw" hinila nya ang isang kamay ko. Holding hands while walking tayo nito. Nakadating kami sa ice cream section na napakadaming tao ang tumambad sa amin. Huminto ako at umupo sa may bench.

"Wag nalang kaya dito?"

"Why?"

"Ang daming tao oh tapos pipila pa tayo"

"Nah dont worry ako naman bahala sayo kapag uwi mo. Kung pagagalitan ka ni Kaizer edi sasaluhin kita tutal we're bestfriends,right?"

Bestfriends. Bestfriends

Ngumiti ako at tumango nag lakad na sya kaya ako nakaupo lang dito. Alam naman nyang chocolate yung favorite ko or strawberry bat pa nya tinatanong? OMG! Urgh! Sinabi nya yun with 'Babe' para mag mukha kaming couple?? Nang iinit na naman ang pisnge ko. Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko. Hindi naman sa ganun diba? Hindi naman ganun yun. Omg! Dapat di ako ganito kasi diba sinasabihan nya naman ako ng babe kasi nakahiligan na nya yun pero bakit ako nag kakaganito? And were just a b-bestfriend.

"Hey"

Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha ko at tinignan ang dala nya.

"Waaah chocolate" parang may butterfly sa tummy ko.  Binigay nya sakin kaya kinuha ko at ni lick agad.

"Hmmm saraaaap" Sabay sayaw sayaw.

-----

Jiro/Seb POV.

"Nah dont worry ako naman bahala sayo kapag uwi mo. Kung pagagalitan ka ni Kaizer edi sasaluhin kita tutal we're bestfriends,right?"

Tumango sya kaya lumayo na ako para bumili ng ice cream para samin. Bat ko ba sinabi yun? Wrong move naman yan Jiro oh!

"Cookies n cream and chocolate" sabi ko sa babae at nag bayad na. Inabot naman nya ang ice cream at kinuha ko. Bumalik ako sa bench nakita ko naman agad si Thea na nakatakip yung mga kamay sa mukha nya. Mali yung sinabi ko oo at baka na offend ko sya. Teka offend? Ako lang naman ata yung nagmamahal dito sa aming dalawa. Oo nagmamahal. Nangulila din ako nung nawala si Thea sakin. Di ko nagawang makipag kaibigan sa iba lalo na sa mga babae kasi naaalala ko si Thea sa kanila. I mean yung parang nakikita ko yung mukha ni Thea sa kanila.

"Hey"

Inalis nya ang kamay nya na nakatakip sa mukha nya. Ang ganda nya talaga mas lalong gumanda. Dugyutin kami dati eh mas malala nga lang sya hahaha seryoso.

"Waaaah chocolate" binigay ko sa kanya at agad naman nyang dinilaan. Naalala ko pa nung umiiyak sya nung nasa park kami di ko pa nga alam hanggang ngayon kung bakit sya umiiyak nung mga araw na yun eh. Dinala ko sya sa nag bebente ng dirty ice cream. Pahikni hikbi pa sya ng hilahin ko sya papunta dun. Gusto ko lang sya tumahan,di kasi ako sanay at di ko gusto na umiiyak sya. Nasasaktan din ako na malungkot. Nung pag bigay ko sa kanya ng chocolate ice cream unti unti ba syang tumahan.

Umupo ako sa gilid nya at sinimulang kumain. Gusto ko na sabihing mahal ko sya pero natatakot ako na baka ireject nya ako. Hindi naman ganun si Thea pero natatakot talaga ako. Baka sa ibang pagkakataon nalang.

---------

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon