"Kailangan m--"
Tinulak nya ako palabas sa kwarto. Napaka nya talaga! Pasalamat sya anak sya ng mayaman na pamilya. Hi! Ako nga pala si Thea Strauss tsk at yung tumulak sakin si Kaizer Navarro sarap sapakin pero wag na baka masisante pa ako. Nag lakad ako papuntang kwarto ko ok lang na pinapahirapan nya ako. Nag titiis naman ako para sa pamilya ko din naman to. Yung mama ko may cancer, si papa naman wala na. Kahit na sabado at linggo ako dito sa mansion nila ok lang. Ten thousand naman kasi yung araw dito, mayaman eh.
Kanina pala pinapapunta si Kaize-- Mr. Sungit na medyo nerd? Kapag kasi lumalabas sya may reading glass sya na sinusuot. Pero infairness gwapo nya. Ay, shemay ano sabi ko? Hay naku. Balik tayo dun sa pinapapunta, pinapapunta sya ng dad nya sa office pero ayaw nya daw. Kinukulit ko kaso waepek eh kaya ayun tinulak nya ako palabas ng pinto.
Pinihit ko na ang doorknob at pumasok.
"Oh? Mukha mo?" Tanong ni manang Lis.
Sya ang yaya ni Mr. Sungit bago ako at sya din yung pinagkakatiwalaan dito na yaya almost 30 years din sya dito and nasa mga 22 na ata si Kaizer tagal na din. Sya yung nag aalaga kay Kaizer dati pero nung lumaki si Kaizer ayun di na kaya ni manang Lis kaya nag hanap nalang sila ng iba. Sa katandaan na din kasi eh. And heto ako, ako yung nakuha ni manang at kailangan ko din ng pera, alam nyo na.
"Manang kasi si Kaizer pinapatawag ng papa nya sa office, ayaw naman pumunta. Tinulak pa nga ako palabas"
Umupo ako sa kama ko at binagsak ang katawan.
"Ganun talaga yun masungit pero wag kang mapupuno ha? Ako nalang ang kakausap"
Napaupo agad ako ng marinig yun.
"Talaga manang?? Baka kasi mapagalitan ako ni Sir dahil diko pinapunta yung anak nya"
"Ako nalang ang bahala dun. Tsaka may project kapa diba? Tapusin mo muna yan"
Tumayo ako at hinug si Manang. "Salamat nang ha? Sa susunod mapapaamo ko na yan na parang aso yung tipong isang salita lang nakikinig na"
Humagalpak ng tawa si manang at ngingiti ngiti naman ako.
"Oh sya maiwan muna kita"
"Sige po manang salamat ulit" Ngumiti ako at humiga.
*beep*
Kinuha ko agad yung phone ko ng may tumunog.(From: Mr. Sungit)
Like a dog ha?Nanlaki ang mata ko at napangiwi.
"Patay"Yan lang yung nasabi ko. Patay na patay na patay ako. NARINIG NYA!!!!! Juice colored bat ganitooooo!! Pero paano?? SABIHIN NYO SAKIN!!
Nagpagulong-gulong ako sa kama. Lord ba't ganito yung buhay ko? Nag sipag naman ako sa pag-aaral, nag sipag naman ako para sa pamilya ko, nag sipag naman ako para maiahon sa kahirapan at may tuition fee ako. Tumingala ako at nakatitig sa ceiling fan.
*beep*
Tinignan ko lang phone ko at sinilip kung sino ang nag text. Naku naman! Kinuha ko phone ko at binasa yun.
(From: Mr. Sungit)
Get out fasterHa? Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
"Thea, tawag ka ni Kaizer"
"Bat naman daw?"
Si James kababata ni Kaizer. Lumapit ako sa kanya at nag lakad kami palabas ng mansion. Nag shrug lang sya.
Nang nasa labas na kami ng bahay may nakaparadang Limousine.
"Sakay na"
Napatingin ako kay James at napataas ng kilay.
"Ako? Sasakay? Haler ganito lang suot ko? "
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Genç KurguThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...