Umupo ako sa gilid ng pool at nilagay ang mga paa duon. Namimiss ko na sila lola. Siguro next week uuwi na muna ako. Para kahit one day lang maalagaan ko sila lola at mama.
Tumayo na ako para pumasok sa bahay. Wala na akong gagawin nakakabored naman nito. Pumunta akong kusina para tignan kung may pwedeng maluto. Syempre alam ko mag luto no HRM kaya kinuha ko malamang pfft kinakausap ko sarili ko achuchu.
"Thea?" Sigaw ni manang
"Oh manang" lumapit ako sa kanya at pumunta sa harap nya
"Mag grocery tayo kailangan natin bilisan"
"May bisita ba manang?"
"Oo sabi ni Sir Ceizar kaya tara na" Hinila na ako ni manang at lumabas ng bahay. Manang talaga nakakaistress.
"Dahan dahan naman manang hahaha excited kaba?" tanong ko
"Medyo kasi makikita natin yung magiging Fiancee ni Kaizer"
"Ahhh--- Fiancee???" Gulat kong sabi
"Oo mag kaka fiancee na si Kaizer di ko pa nga nakikita yung babae pero mamaya makikita natin" ngiti nyang sabi at pumasok na kami sa kotse. Mag kakafiancee na sya? Eh ang bata bata nya pa kaya oo kuya ko sya pero ang bata nya pa para sa ganun.
Bat ko ba inaalala yun? Well concern and medyo curious lang. Wait alam ba ni Kaizer to? Malamang hays nababaliw na naman ako kakausap sa sarili ko. Sumandal nalang ako at napabuntong hininga. Excited masyado si manang.
Maganda ba yung babae? Matangkad? Matangos ang ilong? Maputi? Mayaman? Siguro kasi si Kaizer gwapo,matalino pero medyo nerdy lang kasi nga kapag nag babasa sya mas lalo syang nagiging hot oo admit ko na yun na hot sya kapag nakanerdy glass. Hearthrob nga yun sa school and oo same school yung pinapasukan namin.
Duon nga ako nilagay ni Sir Ceizar umayaw pa nga ako kaso wala akong nagawa. Ang mahal ng sem dun abot 25k,di nga ako makapag ipon ng ganun kalaking pera eh. Alam nyo ? Syempre hindi hahaha choss lang. Tuwing papasok si Kaizer minsan naka nerdy glass sya mas lalong hot. Pagtapak palang ni Kaizer sa entrance nag titilian na ang mga babae ganun sya ka gwapo ke aga aga sakit nila sa tenga.
Pero alam nyo bang ni isang beses di nya ako kinausap o nilapitan? Tsaka ayoko ding mangarap na lapitan nya ako o kaladkarin o kausapin kasi baka di na ako sisikatan ng araw dahil sa mga fangirls nya. Basketball player din sya varsity ika nga. Nung laban nga nila sa St. George College,kapag nag papahinga si Kaizer at nag pupunas sya ng pawis nya,napapalipbite yung iba at nangangarap na sila dapat ang nag pupunas sa bawat pawis na tumatagaktak kay Kaizer.
Napaka ambisosyo/ambisosya no? Oo ambisosyo may friend akong bakla na nahuhumaling din kay Kaizer. Sa tingin nyo wala akong friends? Aba madami ah mga lima promise. Si Grace,Sheena,Miya,Markie and Tony. Si Grace,Sheena and Miya malamang mga babae. Si Tony lalaki tsaka sweet yun chickboy este chikboy nga lang mabuti nga di pa nag ka HIV. Si Markie alam nyo na dalawa ang lahi pero bakla talaga sya. Peace tayo Markie di ko sinasadya.
"Hoy Thea!" sabi ni manang sabay pitik sa noo ko "Tulala ka?"
"Iniisip boyfriend nya manang" sabay tawa ni James. Oo si James driver namin ngayon.
"NBSB ako duh tumahimik ka nga James!"
"Oh sya bumaba na tayo mukhang uulan pa naman" sabi ni manang.Bumaba na kami ni manang pati si James. Pinark nalang ang kotse. Sumama si James kasi malamang para naman may maitulong sya kesa asarin na naman araw ko.
Pagpasok namin ng sa grocery humiwalay si manang samin kasi pupunta sya sa mga vegetables area. Kaming dalawa nalang daw ng mokong mamili sa mga beans chuchu. Inakbayan ako ng mokong habang nag lalakad.
"Alam mo bang ang ganda mo ngayon Theang?"
"Seriously James? Pati ba naman dito aasarin moko? Gusto mo makauwi ng buhay?"
"Seryoso nga ako" umalis sya sa pagkakaakbay sakin. Hinugot nya ang earphones nya at nakinig ng song. Na curious ako kasi pa tango tango ulo nya. Hinugot ko yung isang earphone at nilagay sakin.
"I wish i could be the perfect daughter" Binato ko sa kanya ang earphones at nagulat naman sya sa ginawa ko.
"Problema mo Theang?"
"Moana pa nais mo!!" Babatuhin ko sana sya ng sardinas kaso may nakita akong lalaki at babae sa likod ni James na napaka familiar. Nag side view yung lalaki kaya namukhaan ko na. Si Seb and si ate Stacy?
"Seb!" Napalingon naman sila sakin agad at ngumiti. Tama si Ate Stacy yung kasama nya. Hinila ko si James papunta sa kanila. Lumapit naman si Ate Stacy and nakipag beso beso sakin.
"Sino yang kasama mo?" Tanong ni Ate Stacy. Bago pa ako makasagot umakbay na sakin si James. Ayan na naman ho sya.
"Boyfriend nya ako" confident na sabi ni James. Siniko ko sya at binigyan sya death glare. "Biro lang" inalis ulit nya ang kamay nya sakin.
"Ate Stacy si James kababata ko" ngiti kong sabi.
"Hi James" palipbite na sabi ni ate Stacy. Inoffer nya yung kamay nya kay james para makipag shake hands "Ako nga pala si Stacy" nakipag shake hands naman si James sa kanya at nginitian nya si Ate Stacy kaya namumula ngayon. Ganyan ba talaga ma attract si James sa iba?
Ehem parang may nangangamoy na ano ngayon ah.
"Ehem" Paubong sabi ni Seb. Hinila nya ako at inakbayan. Hilig nila akong akbayan ngayon. Humarap naman agad sila saamin lalo na si Ate Stacy na namumula padin hanggang ngayon.
"James tratuhin mo ng maayos ate ko ah?" Sabi ni Seb at umalis kami sa harapan nila habang nakaakbay padin sya sakin. Di naman nakakailang kasi dati pa naman nya ako inaakbayan. Sya padin yung Jiro ng buhay namin. Pero pinagtitinginan na kami ng ibang tao.
"Ipapaubaya mo nalang ng ganun ganun?"
"Why not? Besides kilalang kilala ko si James. Seryoso sa mga babae hindi ny pinaglalaruan at lalong lalo na hinding hindi nya magagawa yun sa ate ko kasi ako mismo ang papatay sa kanya"
"Grabe naman yan papatay talaga? Kaya mo ba?"
"Hindi madaming mauutusan dyan pera nga lang katapat sa iba" Ginulo nya ang buhok ko at pumunta sa direksyon ni manang.
----
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...