Katatapos lang ng lahat ng subject namin syempre pagod ako sa kakaisip na sana lang si Jiro na. Mahaba naman yung pinagsamahan namin eh pero alam kong hindi sa tagal ng pagsasama ibabase lahat. Depende kung mahal nyo ang isa't isa o kung mahal ka ba nya.
Nasa locker room ako nag iiwan ng ibang mga gamit ko kesa istay ko sa bahay tapos dadalhin din naman. Si Jiro? Pinauwi ko na kaya ko naman sarili ko eh tsaka kapag sinusundo si Kaizer sumasabay ako pero not now. Kapag sumasabay kasi ako kay Kaizer palihim, kasi ako na mismo natatakot baka dumugin ako ng fangirls nya baka ikamatay ko pa. Oa ko no? Takot lang talaga ako tsaka kapag alam kong madami pang tao sa loob at labas ng campus mag tatago ako kina James at Kaizer kasi alam kong hinihintay nila ako. Ayoko lang talaga sumabay at baka may makakita sakin na pumasok sa loob ng mamahaling kotse with Kaizer Navarro. Ever since di ko pinangarap na maging famous gaya ni Kaizer yung tipong pag pasok palang sa gate pinagbubulungan na tapos nag titilian na mga babae pero nasa lahi na kasi nila Kaizer yun.
Lumabas na ako ng locker room at nag patuloy sa pag lalakad nang.
"Thea"
Napalingon ako sa direksyon ni Kaizer. Speaking of Kaizer Navarro andito na sya mismo sa harap ko.
"Oh? Bakit andito kapa? Si James baka andun na sa gate"
"Hinihintay kita" Kinabahan naman ako sa sinabi nya.
"Ha! Ako hihintayin ng Kaizer Navarro?" Napailing ako "Kaizer kailangan mo ng umuwi. May dadaanan pa ako" Kahit wala naman talaga ayoko lang talaga sumabay sa kanya.
"Uwi na tayo" Hinila nya ang damit ko kaya napahawak ako sa kamay nya. God unang beses ko palang napahawak sa kamay nya.
"Enjoying my hand,uh" sabi nya sabay ngisi
"H-hindi ah! Bitiwan mo nga ako" Pinitik ko yung kamay nyang nakahawak sa damit ko pero di sya natinag. Gosh naman mabuti wala na masyadong tao ngayon kundi tadtad na ako ng saksak ng mga mata nang fangirls ni sungit. Pumunta kami sa parking lot at huminto sa isang kotse. New car? Eh diba hindi na sya pwedeng mag drive? Oo tama yung nabasa nyo. Hindi na dapat sya nag da drive kasi last last month lang na aksidente tong kumag na to. Nag ra race sila ng mga kaibigan nya. Mabuti di binawian ng buhay to. Mabait ako promise.
"Get in" Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok nalang ako baka masabihan pa ako ng pabebe. Umikot sya para sumakay na din. Iaabot ko na sana ang seatbelt ng agawin nya sakin yun at lean pa sya sakin kaya napasandal ako ng di oras sa upuan ko. Fuck Kaizer what the heck are you doing.
"A-ako na kaya ko naman e-eh" Kukunin ko sana ulit yun pero iba yung na hawakan ko. Ngayong araw dalawang beses ko na nahawakan ang mga kamay nya. Nagkatinginan kami. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Nag kakarerahan na sila. Palapit ng palapit ang gwapo nyang mukha sakin kaya napapikit nalang ako.
*Click*
Napamulat ako ng di oras.
"Are yo---"
"No kung ano man ang iniisip mo h-hindi yun ganun. I-i just c-close my eyes t-thats it" tinulak ko na sya ng mahina sa dibdib nya at binaling ang tingin sa labas. Shiiit nakakahiya yun hindi dapat yun nangyari dapa-- hays so,sisisihin ko na naman yung sarili ko? Na nag aassume ako na hahalikan nya ako? Urgh nakakainis Thea! Nakakahiya ka talaga! Eh sya naman kasi tinease nya ako ayan tuloy.
Pero nanghihinayang ako. What the heck? Dapat di ako manghinayang tsaka dapat lang na di natuloy kasi wala na akong mukha na ihaharap pa sa kanya. If mag kiss man kami, first kiss namin yun pero..no waaaaay! Nakakabaliw.
Nasa highway na kami papuntang mansion nila Kaizer ng iliko niya ito.
"Hoy! Ba't ka lumiko?"
"Sa condo tayo"
Anudaw?
"Hindi pwede! Kailangan nating umuwi tsaka mag gagabi na din at kailangan ako ni manang d---"
"Pinagpaalam na kita kay tanda at kay manang so,no need to worry"
"Hindi halata na di ka galit sa papa mo. Papa mo padin sya hindi mo dapat sya sinasabihan ng tanda" Napalakas ang boses ko kaya nakapag preno sya ng di oras. Napahinto sya sa gitna ng daan. Mabuti nalang wala masyadong dumadaan ngayon dito.
"Ano bang pakealam mo sakin at sa pamilya ko? Wala diba? So shut your mouth" Nanlamig ang buo kong katawan nang sabihin nya yun sakin. Nag patuloy naman sya sa pagdrive. Ano ba kasing pakealam ko sa kanya. Bakit ko ba sya pinapakealaman tsaka buhay nya yan ano ba Thea! Concerned lang din naman ako kung ako siguro papa nito sasakalin ko na sya.
Huminto kami sa isang hotel. Lumabas na ako ng kotse at nilibot ng mga ang piligid nito. Wow ang ganda.
"Liked it?"
Nasa likod ko na pala sya.
"No... I loved it" sabi kong nakangiti nang napakalapad. Hinila nya ang braso ko kaya napadaing at nawala ako sa moment ko na langhapin ang paligid nato. Pagpasok namin sa hotel.
"Good evening sir Navarro" nag bow sila bilang galang kay sungit at sabay sabay pa talaga sila. Kaninong hotel ba to? Sa kanila? Ngayon ko lang ata alam kung sakanila nga to.
Pumasok kami sa elevator at dun pa nya ako binitawan. Ang hilig nya atang hilahin ako kung san san. Madami pala akong tanong sa isip ko. Bakit nya ako dinala sa condo nya? Puro why's ang nasa isip ko. Hindi ko naman hinihingi ang mga sagot sa mga katanungan ko.
*TING*
Nasa 25th floor na kami ito ang pinakatuktok ng hotel. Pagpasok palang namin kanina ang daming Chandeliers ang nakakasalubong ko. Nauna syang lumabas ng elevator at sumunod naman agad ako sa kanya baka magaya na naman nung first time ko nakatapak sa hotel with sungit nung napahiya nga ako.
Room 250 kami pumasok. Mas malaki to kesa sa inaasahan ko at mas malaki talaga to compare sa iba na medyo maliit lang. Kumuha sya ng card at pinaslide dun sa ano nga tawag dun. Nakita ko na to eh nung nasa hotel kami nila Jiro binigyan pa nga nya ako ng card di ko lang alam kung anong tawag dun. Bumukas ng kusa ang pinto ng condo nya.
Pumasok sya kaya pumasok na din ako. This is the first time na makakasama ko si Kaizer na matutulog sa iisang kwarto. Makakasama nga ba?
------
![](https://img.wattpad.com/cover/109537353-288-k90229.jpg)
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Fiksi RemajaThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...