Quotes: Winners don't do different things, they do things differently.
---
"Mag iingat ka dun then tawagan moko sa skype or messenger.. Basta.." Niyakap ko sya ng mahigpit. Ayaw man naming mawala sya pero ina nya yun. Kailangan nya sundin at naiintindihan naman namin.
"Mag iingat din kayo dito" Lumingon sya kay mama at ngumiti "Ma ingatan niyo naman po si Thea oh" nag tawanan sila pero ako? Hindi ko magawang tumawa. Lumayo nalang ako kay Jiro nang mag simula ng kunin ang kanyang bagahe ng isa sa butler nya.
Nasa labas na kami ng bahay. Nagpaalam uli kami sa isa't isa. Hindi ko ata kayang mawalay siya samin. Nadudurog puso ko. Kinakabahan at the same time.
Kumaway muna sya bago pumasok sa kotse. Hindi na daw namin kailangan na ihatid pa sya sa airport. Magpahinga nalang raw kami. Wala naman akong magagawa.
"Tara na nak"
Inakay ko si lola at mama papasok sa bahay. At dahil tatlo nalang kami rito, nakakalungkot. Hindi namin alam pati na rin si Jiro kung kelan yung uwi nya.
Pumunta ako sa kwarto at kinuha ang laptop. Binili niya pa ito nung nakaraang araw para lang may magamit ako kapag makikipag usap sa kanya. Pinatong ko ito sa aking mga binti at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ko pa masyadong kabisado 'to kasi alam nyo namang hanggang phone lang ako. Wala sa bundok namin 'to eh lol.
Nag open ako ng facebook at nag pop up agad ang calling ni Tony sa skype kaya sinagot ko agad ito.
Tumambad sakin ang nakapout na Sheena at mga kaibigan kong nag tatawanan. Nang makita nila agad ako lumiwanag ang mukha ni Sheena at kumaway pa sakin pati na rin ang iba kong kaibigan.
"Kumusta?" Bungad ko sa kanila.
"Ayos naman kami dito" Sagot ni Grace.
"Napatawag kayo?"
Nagpout si Grace habang si Markie nakapamaywang.
"Kaloka ka girl hindi mo ba kami namiss?" Sabay flip hair nya sa buhok niya. Humahaba na rin ang buhok ni Markie. I wonder kung anong ginamit nito para humaba bigla ang buhok.
"Syempre namiss ko kayo no lalo na tong anghel ko.." sabay hawak ko sa tummy na ikinangiti nilang lahat "Namiss niya rin yung kakulitan nyong lahat" tumawa kaming lahat dahil sa sinabi ko.
"Pero seryoso Thea kelan kaba uuwi rito o bumisita man lang?" tanong ni Miya. Natahimik ang lahat pati na rin ako. Ni hindi ko kayang sagutin at wala akong mahanap na sagot sa tanong niya.
"A-ah hindi ko alam eh baka hindi rin pumayag si Jiro tsaka pauwi na rin si Jiro sa Pinas" ngumiti ako ng pilit.
"Ikaw ang gusto naming makita although gusto rin naman namin makita si Sebastian" pambabara sakin ni Miya. Napakakalmado ng mukha nya.
"And girl birthday ni Stephen bukas ikaw nalang ang wala. Nakakalungkot isipin na wala ka rito." Napayuko naman agad si Stephen ng mabanggit ang pangalan nya.
"Ako na ang bahala sa pakikipag usap kay Seb pagdating nya dito sa Pinas" Sabi naman ni Tony. Sumang ayon naman ang lahat dahil sa sinabi nya pero ako? Hindi ko kayang malayo kina mama. Paano nalang sila? Wala na silang makakasama kapag umalis ako rito.
"Walang mag babantay kina mama dito"
Bumuntong hininga si Miya at tumango tango "What if isama mo nalang sila?"
"Mas lalong hindi papayag si Jiro. Kakarecover lang ni mama sa opera,diba? Kapag pumunta ako dyan sila mama lang ang maiiwan dito pati na rin si lola"
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...