Part 53

8.3K 140 8
                                    

Quotes: The truth hurts for a little while, but lies hurt for a lifetime.

Dedicated to: EVERYONE

---

Kasalukuyan na kaming nag aayos ng gamit para sa pag uwi ni mama sa bahay. One month na rin ang nakalipas nung inoperahan si mama. Lumaki at gumastos si Jiro ng bill. Sabi ko sa kanya na iuwi nalang namin si mama pero ayaw niya.

Wala daw kasing mag aalaga kay mama sa bahay. Andun naman ako mag babantay kay mama at mag aalaga pero ayaw nya parin baka raw mapagod kami ng baby at ma stressed daw ako.

Sweet no?

"Anak? Nakikinig kaba?"

Napabalikwas ako ng marinig ang boses ni mama. Nakita ko ang pag kunot ng kanyang noo dahil sa pagtataka. Ngumiti ako at tumango.

"Baka na i-stress kana ha? Mag sabi ka ng totoo" umupo sya sa sofa.

Maayos na naman ang kalagayan ni mama at iniinom niya parin ang mga gamot na tinake ng doctor. Ilang weeks nga din hindi nakakain si mama dahil sa pag opera sa kanya. Ewan ko ba pero sa tuwing kumakain kami sa harap niya at tumititig sya samin habang nakangiti, naaawa ako. Hindi dahil sa titig at ngiti niya kundi sa kalagayan niya. Sabi nila kapag ina ka at nasasaktan ang anak mo o may problema doble rin ang sakit sa kanila.

Oo tama yun dahil napatunayan yun sa akin pero baliktad nga lang. Mama ko sya, anak niya ako kaya nararamdaman ko kung nasasaktan siya o hindi. Pero sa ngiti at titig niya walang halong sakit, awa, problema, o kahit ano pa man. Yung tipong kulang nalang na ipagsama ang katawan ko at katawan ni Jiro para maging isa dahil sa mga titig niya.

"Ma never ako ma i-stress atsaka happy lang ako dahil makakalabas kana dito. Uuwi na tayo sa bahay at lalong lalo na wala ka ng iindahing sakit" Hinalikan ko sya sa noo at niyakap. Ganito ako mang lambing kay mama kahit na OA sa iba pero sakin? Hindi. Ganito ko ipinaparamdam ang pagmamahal at pag rerespeto ko sa pamilya ko lalo na kay lola. Sila nalang ang meron ako ipagdadamot ko pa ba ang pagmamahal ko sa kanila? Time is running. Sabi nila mag mahal ka. Wag mo sayangin ang oras lalo na sa mga walang kwentang bagay. Mahalin mo ang pamilya mo lalo na ang nasa paligid mo dahil sila lang ang tutulong sayo na bumangon kapag nadapa ka.

"O'sya tara na mag da drama ka na naman" Humalakhak kami at tinawag na ang butler sa labas para kunin ang bag namin. Si Jiro? Ewan ko kung saang lupalop na naman yun.

Lumabas na kami ng kwarto at dumiretso sa parking lot. Lahat ng bills ayos na dahil kay Jiro.

Naalala ko na naman yung mga kaibigan ko sa Pinas. Alam na nila kung bakit lumayo ako at kung bakit buntis ako ngayon. Nakita ko pa ang pag tiim bagang ni Tony lalo na ang nakakunot na noo ni Stephen. Galit na galit rin ang mga babae pero mas pinili nilang manahimik at hindi masumbatan si Kaizer.

Nasabi rin nila na simula nung di na ako nagparamdam sa kanila, hinahanap raw ako ni Kaizer at pinuntahan pa talaga isa isa sa mga bahay nila. Hindi ko alam pero napapangiti ako dahil kahit kailan tama ang hinala ko na hahanapin niya ako. Pero bakit kaya ganun? Kung kelan kapa mawawala dun pa nila pagsisisihan ang maling nagawa nila. People nowadays.

Tuwang tuwa rin naman ang mga kaibigan ko dahil may anghel na raw ako. Nagbatukan pa si Stephen at Tony dahil gusto na mag ka baby si Tony kay Sheena. And yup mag jowa na ang dalawa. Napapailing nalang ako sa kakulitan nilang lahat. Mas tawang tawa pa ako nun nung nakisali na rin si Markieng bakla. Kakarating lang niya galing states. Kinuha kasi sya ng fashion designer doon.

Malapit na kami sa kotse ng maaninag ko si Jiro na nakasandal sa pintuan ng kotse nya. Ang lalim ata ng iniisip nito.

"Jiro" Hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap bago pumasok sa kotse. Ganun ang routine ko sa kanya. Ayokong maramdaman niya na parang wala lang sya sakin. Kaibigan ko sya at kami nalang ang nagtutulungan dito.

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon