Part 12

11.2K 192 0
                                    


THEA STRAUSS POV.

Nakasandal ako ngayon sa kotse ni Jiro. Antagal nya naman kasi mag cr nagugutom na ulit ako. May afritada pa naman dun sa bahay. Wait, nakalimutan ko na yung sinabi sakin ni sungit hays tsaka yung mga bisita ni sungit. Hays di nga pala ako welcome sa salo-salo nila kaya ayos lang na wala ako dun. Pero baka mag taka sila na pati si Jiro wala.

"Tara na" lumingon ako kay Jiro na may dalang plastic bag.

"Para san yan?" pumasok sya sa kotse kaya pumasok na din ako

"Ah ibibigay ko sa charity may mga bata kasing kinukulit ako dun na para ko ng kapatid" inistart na nya ang engine at ngumiti bigla na nakatingin sa daan "Parang tayo lang dati"

Lumaki ang ngiti ko "Pwede ko ba sila makita?"

"Oo naman pero wag na muna ngayon tsaka kailangan ka ni manang sa bahay tapos lunes na bukas. Kailangan mo ng mag aral" tumango ako pagkatapos nya sabihin yun.

*Riiiing*

Kinuha ko ang phone ko at sinagot. Kilala nyo na kung sino.

(Where are you?)

(Pauwi na po diba inutusan moko bumili ng mga wines po?)

(Tss bilisan mo)

*Toot toot*

Peste talaga ng lalaking yun nakakainis urgh! Kahit kelan di ko sya magugustuhan talaga kahit na lamunin ako ng lupa ok lang nakakainis talaga sya. Mas lalo ako nagutom sa sobrang inis.

Nakarating kami ng safe and sound sa bahay. Binuhat ni James at Jiro ang mga karton ng wines papuntang kusina. Sumunod lang ako sa kanila at ng makarating sa kusina kumuha ako ng dalawang plato at umupo sa maliit na mesa.

"Jiro kain tayo nagutom ako eh" umupo sya mag kaharap kami. May humba,afritada tsaka cupcakes yung nasa mesa namin. Tahimik lang kaming kumakain nang may mag salita.

"Hoy Thea!"

Nagulat ako at nabulunan. Bwiset yun! Langya mapapatay ko talaga gumulat sakin. Binigyan ako ng tubig ni Jiro at nang makarecover na ako tumayo ako at sinapak si Grace. Oo andito ang gaga feel at home eh.

"Gusto mo ko mamatay?"

"Parang ganun na din" tumawa sya kaya sinapak ko ulit.

"Mahal mo talaga ako ano?" pag tataray nyang sabi

"Ganun ako magmahal sumasapak" umupo ulit ako at nagpatuloy ako sa pag kain.

"Di mo ba ako ipapakilala sa lalaking yan?" turo nya kay Jiro

"Nah wag na baka landiin mo pa"

"Hoy grabe ka di naman ako ganun" lumingon sya kay Jiro at ngumiti "Hey i'm grace" Inabot nya ang kamay nya kaya sinabi ni Jiro pangalan nya at nakipagshake hands.

"So ano na girl" umikot sya at umupo sa tabi ko.

"Ano? Tsaka bat kaba andito?"

"Grabe ka makawelcome ah feel na feel ko talaga mainit mong welcome"

"Feel at home ka na naman kasi" sabi ko

"By the way sabi nila bukas daw medyo walang klase pero meron urgh basta! Naguguluhan ako" Sumubo ako at ngumuya. Kumuha naman si Grace ng cup cakes.

"Yan lang yung pinunta mo dito?"

"May isa pa! Ngayong darating na week may party party na magaganap"

"Saan naman?" Sabi ko habang kumakain.

"Sa bahay nila Chelsea tsaka parang masaya naman. Uy wag ka tatanggi alam ko namang di ka mahilig sa party party ganun pero i promised na matutuwa si Chelsea kapag nakita ka tsaka anniv din nila Grandpa and grandma,please?" Nag pout sya at nag puppy eyes hays kung ganyan ba yung mukha na pinapakita nya,matatanggihan ko ba?

"Oh sya! Basta mabilisan lang ako dun tsaka" Lumingon sya kay Jiro "Sama ka din ah?" sabay ngiti nya

"Madaming girls dun?" binatukan ko agad si Jiro abugh chicks hunter pala to "Joke lang babes grabe naman to" sabay ngisi nya

"Wow babes,kayo na?" biglang sabi ni Grace. Nagkatinginan naman kami ni Jiro at sabay tumawa. Naweirduhan naman sya kaya tumayo na sya at nag paalam na aalis na pero tawa padin kami ng tawa. Gaga talaga sakit ng panga ko.

"Girlfriend kita?" pang aasar ni Jiro sakin. Nag huhugas na ako ng mga pinggan at nang matapos inalis ko na apron at nag lakad papuntang kwarto ko.

"Jiro pagod na pagod na ako uwi kana sa inyo ha?" Sabi ko with matching action.

"Hahaha oo na bye babes" Kiniss nya ako sa chicks "See you tommorow" ngumiti lang ako at kumaway. Ang sweet nya talaga. Pumasok na ako sa kwarto ko at umupo. Gumagabi na din bukas stress na naman sa school walang katapusan ang stress pagdating sa school lalo na nung 4th year ako. Andaming mga requirements na ibibigay para makagraduate ka ng 4th year. Ngayon naman moving up na ang 4th year. Mabuti di ko naabot yung K-12. Sasama talaga loob ko nun ah masamang masama.

"Matulog kana" sabi ni manang na kararating lang sa kwarto.

"Opo manang" humiga na ako at pinatay ang phone ko.

Naalimpungatan ako kaya tumayo ako at pumuntang kusina. Tuyong tuyo lalamunan ko gosh kumuha ako ng flashlight at papikit pikit na nag lalakad papuntang kusina. Lumiko ako na nakapikit kaya nabangga ako. Dinilat ko ang mga mata ko. Tao to? Nakita kong may naka pajama tsaka inilawan ko papuntang taas omg! Huminto ako sa ano nya! Ang bastos ko 😱 Ipinagpatuloy ko pa hanggang sa mailawan na ang mukha nya. Nalaglag ko yung flashlight at tinakpan ang bibig ko.

"Are you okay?" sabi ni sungit oo si sungit lang naman yung nabangga ko. Kinuha ko yung flashlight tsaka tumayo. Nag lakad ako ng nakayuko at dumiretso sa kusina. Nakakahiya yun shiiit urgh tapos tapos! Urgh nakakahiya sobra. Pero umumbok este hindi ko nakita yun! Uminom na ako ng tubig. Bumalik ulit ako sa kwarto ko at nahiga.

Nagising tuloy diwa ko nakakahiya talaga hays. Ay oo nga pala bukas sweldo ko kailangan ko pa mag ipon para sa gastusin sa school,sa pang araw araw ko at sa pag papaopera ni mama. Pinikit ko ang mga mata ko at napangiti nalang. Kahit papano nakakaraos kami ng pamilya ko at tumayo ako bilang padre de pamilya samin. Mahal na mahal ko sila tsaka sila nalang din ang meron ako. Kung mawawala pa sila mama edi wala na din saysay yung buhay ko.

------

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon