Yumakap din ako sa kanya ng sobrang higpit. Hindi ko aakalaing dito pa kami mag tatagpo ulit. Destiny na naman ba? Kumalas sya sa pag yakap sakin at pinunasan ang mga nag dadaluyang luha sa pisngi ko.
"Ang laki na ng pinag bago mo Jiro akala ko din di na kita makikita. Pero ang daming tanong sa isip ko na sana lang masagot mo"
"Iisa isahin ko sayo Thea. Nung naglalaro tayo ng kasal kasalan 7 ka 8 ako nun. Hindi ko sinadya na masabi yun sayo pero wala eh nasabi ko din. Yung mga araw na yun lumipat kami sa lolo at lola ko. Napaka istrikto nila saakin kapag nawawala si mama. Alam mo namang wala na ang papa natin pareho diba? Tapos mga 4 years mahigit namatay si mama sa sakit ng puso hindi ko alam yun,itinagon nya sa amin. Mula nung namatay si mama tinataboy na nila ako sa bahay ng lolo at lola ko. No choice ako eh ayaw talaga nila saakin kaya nag empake ako,nag lakad lakad sa high way hanggang sa magutom pero kinaya ko. Napuntang syodad ng manila yung tipong nakikisali nalang sa mga palaboy? Naranasan ko mang limos" Natawa sya ng bahagya
"Pero kahit papano naramdaman ko yung isang Jirong palaboy dati. Nakakakain naman ako pero isang beses lang sa isang araw. Kung malaki ang nalimos ko nasa mga 10 pesos lang ata tsaka nakakabili na ako ng isang tinapay at ice water nun.Nag kasakit pa nga ako eh tapos kinaya ko padin pasan pasan ang tatlo kong bag sinama ko na din mga damit ni mama hanggang sa di ko kinaya. Nahimatay ako at nagising nalang sa hospital.
JIRO POV.
*FLASHBACK*"Oh my God Antonio gising na sya!" May babaeng nag salita pag gising ko. Asan ba ako? Uupo sana ako kaso pinigilan ako ng lalaki.
"Wag kana muna umupo Hijo. Andito ka sa hospital nahimatay ka kanina sa daan"
Humiga ako at sinapo ang noo ko dahil sa sakit ng ulo ko. Maya maya may mga nurse na nakapalibot sakin. May injection silang dala at ituturok sakin pero iniiwasan ko yun hanggang sa itinurok nila ang injection sakin at nawalan ng malay.
Nagising na ako ng nasa ibang kwarto na. Bahay na sya medyo ok na yung pakiramdam ko nun. Umupo ako at sinuri ng maigi ang paligid nang makarecover na tumayo ako at pumuntang pinto. Pinihit ko ito at lumabas. Ang ganda ng bahay at ang laki laki pa nito. May Chandelier sa gitna ng bahay na malaki. Bumaba ako sa hagdan at ng makababa na sa first floor nag taka ako kung ako lang ba ang andito.
"Seb?"
Napalingon ako sa babaeng nag salita. Seb? Sino?
"Gising kana pala Seb gusto mo ba kumain?"
"Hindi Seb ang pangalan ko. Ako si Jiro"
Dumating ang lalaki na nakita ko kanina.
"May pag uusapan tayo Jiro"
Sabi ng lalaki. Dinala ako at umupo sa sofa. Nasa harap ko silang dalawa.
"Gusto ka namin ampunin. Mukhang wala namang nag aalaga sayo kung ok lang sayo"
*END OF FLASHBACK*
"Sa totoo lang pinag isipan ko ng matagal ang pag aampon nila sakin at nalaman kong may isa silang anak yun si ate Stacy. Pinakain nila ako,dinamitan ng maayos,naging maganda ang buhay, nakapag aral,nakukuha ang ano mang gusto ko at higit sa lahat minahal nila ako ng buong buhay at puso kahit na hindi ang dugo nila ang dumadaloy sakin. Sila si Antonio Navarro at Miley Navarro. Kaya naging Navarro ako at nag papasalamat ako ng lubos sa kanila"
"Tsaka yung kung paano kita nakilala bilang Thea sa loob ng mansion nila Kaizer Navarro. Natatandaan mo ba yung araw na may bisita sila at halos di kayo makatingin sa mga bisita? Duon palang na curious na ako na ikaw si Thea. Months din na nalaman ko ang pangalan mo itinanong ko pa kay James. Nahihiya kasi akong mag tanong kaya kay James nalang at nag lakas loob akong itanong sa kanya. Sinisigurado ko lang din na kung ikaw ba talaga ang matagal ko ng hinahanap. Nung nag serve ka samin ng ulam natapakan mo pa nga yung sapatos ko pero di ako umangal mas tinitigan ko ang mukha mo. Gusto kitang yakapin pero di ko magawa kasi andun lahat ang mga Navarro.Nag sorry ka pero nakapikit kasi akala mo mapapagalitan ka hahaha ang cute mo nga nun."
"Tsaka Thea galing ko mag panggap na parang di kita kilala no? Malaki ba yung itinaas ko sayo? pandak ka padin Hahaha mas lalo kang gumanda ngayon"
Tumingin ako kay Thea pagkatapos ko sabihin yun.
THEA POV.
Yumuko ako nung tumingin sya sakin. Yun na pala nasagot na ang mga katanungan ko na bumabagabag sakin. Miss na miss na kita Jiro gusto kita yakapin pero di ko magawa dahil natatakot ako kasi isa kang Navarro ngayon o siguro di ko lang talaga magawa. Gusto ko sabihin to sayo pero nagkanda buhol buhol dila ko. Umuurong sya.
"Say something Thea" sabi nya "Like, you missed me so much" dugtong nya. Napatingin ako sa kanya na nakanguso.
"Kasi kung ako ang tatanungin mo Thea na miss na miss na miss na kita sobra"
Tumulo na naman ang luha ko. Basta pag dating sa mga ganito o mga mahal ko sa buhay weak ako eh napapaiyak nalang ako kahit di pa sila nakapag salita. Ganun ako ka weak pagdating sa mga mahal ko.
Nagulat ako ng iangat nya ang mukha ko. Pinahid ang mga nag uunahang luha sa mga pisngi ko. I miss you Jiro.
Lumapit ang mukha nya sakin. Hindi ko to inaasahan never ever. Sa sobrang lapit na ng mukha nya napapapikit na ako at hinintay na dumampi ang labi nya sakin.
Nag hintay ako ng ilang segundo bago dumampi ang labi nya sa labi ko. My First kiss sa kanya ko pa nakuha. Nilagay ko ang mga kamay ko sa batok nya at maya maya gumalaw ang lips nya na sya namang ikinabigla ko. Ito na ba yun? Jiro?
Kinakabahan akong nag response sa kanya but wala naman dapat na ikabahala kasi sya yan,hindi iba.
Hindi namin na pigilan ang mga emosyong dumadaloy samin at ang init ng katawan.
----
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...