Part 48

8.4K 153 5
                                    

Quotes: It's better to be disliked for who you are, than liked for who you pretend to be.

----

"Ma handa ka na ba sa operasyon?" Sabay tuhog ko sa karne ng baboy at sinubo ito.

"Alam mong hindi ganuon kadali anak pero i'm sure hindi naman ako pababayaan ng Diyos"

Tumango lang ako at nag patuloy sa pagkain. 4 pm na din at 3 pm sa pilipinas. Namimiss ko tuloy ang environment duon. Sanayan nalang yan.

"Ma sasama kayo mamaya?" Tanong ni Jiro.

"Naku hijo kayo nalang dalawa ni Thea. Dito nalang kami ng lola nyo"

Natapos ang hapunan namin at pinagbihis na ako ni Jiro. Maaga kami nag hapunan dahil na rin sa pagod at gutom.

"Okay na ba 'to?" Sabay ikot ko sa harap ni Jiro. Naka floral dress kasi ako.

"You look so perfect babes" Ngingiti sana ako ng may naalala ako.

'You look so perfect Mrs. Navarro'

Napalunok ako dahil sa naalala ko. Gumuhit sa labi ko ang mapait na ngiti.

"Babes.."

Hinila ko nalang si Jiro at nag paalam kina mama na aalis na kami. Sumakay agad ako sa kotse nya at ganun rin naman sya. Pinaandar na nya iyon.

"Babes gusto mo makita ang cherry blossoms?"

"Syempre but gusto ko kasama ang anak ko mag libot dito sa Korea. Yes,ilang months din ang tatagal pero ayos lang kasama ko naman ang anghel ko nun" Sabay hawak sa tummy ko. Ngumiti ako habang hinimas himas ito.

Hindi na sya sumagot pa at nag patuloy nalang kami sa pag byahe. Huminto ang kotse kaya napatingin ako sa labas.

"Wow" Napatutop ko ang bibig ko dahil sa pag ka mangha. Lumabas si Jiro sa kotse at binuksan ang pinto na nasa side ko. Lumabas ako habang nakatingin sa malaking N Seoul Tower.  Napaka ganda nito. Mas maganda nga kapag mas malapitan at mas gumanda pa dahil sa ilaw nito.

"Let's go?"

"P-papasok tayo d-dyan?" Nauutal kong sabi. Napalipbite nalang ako ng wala sa oras. Kinikilig ako dahil sa nakikita ko. Nag kibit balikat lang sya at hinila na ako papasok.

Nasa elevator na kami at papuntang taas. God nalulula ako. Sanay naman sana ako sa elevator pero iba ito eh may halong panginginig ng mga laman.

Pagbukas ng elevator lumabas agad kami at bumungad sa amin ang napaka laking space lalo na ang mga koreana't koreano na nag stargazing.

Naglakad kami papunta ruon at nag stargazing na rin. May tatlong star akong nakita na magkaline. Napangiti nalang ako at nag init ang gilid ng aking mga mata.

Kung sana Kaizer hindi moko niloko hindi tayo magkakaganito. Nakokompara ko ang mga bituin sa amin. Ako,sa gitna yung anak namin at si Kaizer. Sana kung ganun lang kadali na maging masaya edi sana para na kaming mga bituin na nag kikislapan dahil sa saya at ganda.

Pinipiga ang puso ko sa bawat pagkakataong naiisip ko si Kaizer. Kahit na ganito kami ngayon magiging masaya na ako dahil kasama ko ang anak ko.

Ni minsan hindi ako nagsisisi. Ni minsan hindi ko naisip na lumayo sa kanya pero dadating rin pala sa oras na kailangan mo gawin ang bagay na iyon dahil sa tingin mo yun ang mas nakakabuti.

Iniharap ako ni Jiro sa kanya at niyakap. Nagpapasalamat talaga ako dahil nagkita kami. Kung wala sya,wala ring Thea Strauss ang nakatapak dito.

"Babes..enough..please" sabay punas nya sa pisnge ko. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko "Makakasama sa baby"

Niyakap ko nalang sya imbes na nagsalita. Ayoko ng umiyak. Tama na. Nasasaktan na ako ng sobra. Pinipiga na ang puso ko. Magiging matatag nalang ako para sa anak ko.

Napagpasyahan namin na maglakad lakad muna sa loob at pag patak ng 7 pm uuwi na kami. 6:45 na din kase at kailangan ko na daw mag pahinga kahit ayoko pa pero baka makasama samin ni baby so,susundin ko nalang ang Doctor na si Jiro.

Nadaanan namin ang restau dito sa N Seoul Tower. Napakalaki talaga nito. Bigla tuloy akong nagutom nang may naamoy ako. Mukha akong asong inaamoy ang usok ng ulam.

"You want to eat babes?" Napalingon naman agad ako kay Jiro at tumango. Hinila na nya ulit ako pero hindi naman malakas. Pinaupo nya agad ako at nag simula na syang mag martsa papuntang counter. Dapat kinuha nalang nya yung menu kesa mag lakad pa sya papunta ruon.

Yung pwesto namin nasa transparent window kaya nakikita namin ang kabuohan ng paligid sa labas. Makukulay na mga kabahayan at mga nagtatakbuhang kotse. Akala ko sa TV ko nalang makikita to.

After limang minuto nakabalik na sya kasama ang tatlong waiter na may mga dalang tatlong putahe.

"Jiro! Ang dami naman ata nyan" Inilapag ng mga lalaki ang mga putahe at nagsimulang mag martsa paalis. Umupo naman agad si Jiro at binuksan ang mga putahe.

Napatutop nalang ako sa bibig ko dahil sa pagkasabik sa pagkain. Hindi ko alam kung ano 'to pero mga leafy food. Mukhang masarap rin.

"Let's eat" Si Jiro na mismo ang nag baba ng aking mga kamay sa mula bibig ko.

Kumuha ako ng chopstick para makain ko na iyon pero dahil taga bundok ako hindi ako marunong. Kakamayin ko na sana pero hinampas ni Jiro ang kamay ko gamit ang chopstick nya kaya napa pout ako.

"Hindi ako marunong so,kakamayin ko nalang" Kukuha na sana ako gamit ang kamay ko pero hinampas nya ulit iyon.

"Babes chopstick gamitin mo. Ganito oh" Tinuruan nya ako gumamit ng chopstick pero hindi ko talaga magets. Ang hirap sa kamay.

"Mag kamay ka nalang babes" Natawa ako dahil sa sinabi nya. Sumasakit na ata ulo nya dahil sa kakaexplain nya sakin kung paano gamitin at dahil trying hard ang mga Pilipino,sinubukan ko parin kahit na nahuhulog na ang mga leafy sa mesa.

Lahat ng inihanda sa mesa nakain namin at naubos. Dahil na rin sa buntis ako kaya naubos lahat nang nahain.

"Uwi na tayo?" Tanong ko sa kanya na nag sisimula ng tumayo. Tumango lang sya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay namin at napangiti. Alam kong walang ibig sabihin itong paghawak nya sa kamay ko dahil alam ko na alam nyang hanggang kaibigan lang talaga.

Na preoccupied ang isipan ko at andito na pala kami sa loob ng kotse ni Jiro. Tinatahak na namin ang daan papuntang bahay nang may tumawid na matanda kaya halos mapasubsob ako sa dashboard.

Bumaba agad si Jiro kaya sumunod na ako. May nasagasan ba kami? God.

"Lolo ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Jiro sa matanda pero imbes na sumagot ito,umangat ang kanyang ulo at tumingin sakin. Teka sya yung matanda nung magkasama kami ni Kaizer sa park then nagkabungguan kami.

Napakalalim ng iniisip ng mga mata nya. Nakatitig lang sya sakin at ganun din naman ako. May parang mali sa kanya eh.

"Lolo ayos lang po ba kayo?" Tanong ulit ni Jiro. Tumayo na ang matanda habang nakatitig parin sakin. Hahawakan na sana ako ni Jiro nang magsalita ang matanda.

"Layuan mo si Kaizer hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo" Sabay alis nya. Bago pa ako mawalan ng balanse nahawakan na ako ni Jiro. Sino sya? Familiar lang sya sakin pero bakit ganun sya makapag salita? Bakit andito sya? Bakit kilala nya si Kaizer? Ang daming katanungan na nasa isip ko pero ni isa walang sagot.

Nung nagkabanggaan kami napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya. Mabait yung pakikitungo nya sakin. Nung ngumiti ang mga labi nya ngumiti rin ang mga mata nya. Pero bakit? Bakit ganun nalang yung inasta nya ngayon na nag kita kami ulit? Sino ba talaga sya?

----
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon