Part 24

10.1K 204 2
                                    

"Kaizer"

"Hmm?"

Nakayakap ako sa kanya ngayon. Nakapikit sya pero alam kong gising sya. I can't help but naguguluhan talaga ako.

"Bat ka nag bago bigla? I mean naguguluhan ako sa mga pinapakita mong ugali sa akin. Ano ba talaga?"

Napadilat sya at napatitig sakin. Ngumiti lang sya.

"Sagutin mo naman ako" Niyuyugyog ko sya pero mahina lang naman.

"Not now"

Nag pout nalang ako at hinigpitan ang yakap sa kanya. Kailan kaya sya babalik sa pagiging cold at masungit? Sana wag nalang. I mean mas gusto ko pa na ganito yung pinapakita sakin ni Kaizer. Humigpit din ang yakap nya sakin nakakasakal pero ayos lang susulitin ko to baka di oras bumalik yung dating Kaizer.

"By the way,are you feeling well?"

"Ah yah medyo maayos na naman" dahan dahan nyang inalis ang pagkakayakap sakin at umupo. Tinitigan ko lang sya habang nakatalikod sakin. Babalik na ba ang dating boss ko na nerd? Masungit?

Umalis na sya sa higaan at lumabas ng kwarto. As i expected. Nagpalipas ako ng limang minuto sa kwarto at lumabas na.

"Thea!" Sigaw ni Kaizer makasigaw naman to.

"What?" pasigaw ko ring sabi papunta sa kitchen. Nagluluto pala sya.

"You want sopas?"

"Hmm" Nilagay ko ang daliri ko sa baba ko "Wala namang choice diba?" Sabi ko in sarcastic way sabay smirk

"Well,if you want a choices.... Me" Sabay ngiti nya. Sumama naman ang timpla ng mukha ko. Nakakabanas to! Ngumiti lang ako ng peke at tawa ng tawa ang mokong.

Habang kumakain kami ngiting ngiti ang mokong. Kala nya naman kakainin ko sya duh di ah.  NEVER.

"Ngiti ngiti mo?"

"Nothing" sabay nguso nya. Inirapan ko lang sya at niligpit na ang pinagkainan ko. Nagsimula na akong mag hugas ng plato nang may yumakap sakin mula sa likuran. Napahinto ako sa paghuhugas ng plato.

"Kaizer get off"

"What if.. Ayoko?"

Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ang paghuhugas ulit. Mas hinigpitan pa nya ang pagyakap sakin at nilagay ang baba nya sa balikat ko.

"Kaizer naman!"

"What? Wala naman akong ginagawa ah"

"Anong tawag mo dyan?"

"Hmmm hugging you?"

Napabuntong hininga nalang ako at tinapos na yung hinuhugasan. Hindi nya padin ako binibitawan. Nang matapos na ako mag hugas lumuwang yung pagyakap nya sakin kaya humarap na ako sa kanya. Nakatitig lang sya sakin,ganun din naman ang ginagawa ko.

"Anyways,may gamot dun sa cabinet kunin mo nalang. Kailangan mo uminom"

"Opo boss" Sabi ko sabay ngiti. Inakbayan nya ako sabay ngiti naman nya. Happy ata sya ngayon.

"Napapadalas ngiti mo Kaizer"

"Thea nakakailang tanong kana ba" nagkibit balikat lang ako sabay lipbite habang natatawa.

"Stop biting your lips"

Nag pout naman agad ako sa nasabi nya.

"And stop pouting"

"Anong problema mo?"

"Gumaganda ka kase lalo" sabay smirk nya. Napayuko naman ako at halatang kinikilig.

"Tse!" Umalis agad ako sa harap nya na pulang pula. Gusto ko sumayaw sa kilig at manapak pero nakakahiya naman kung yun iaasta ko sa kanya. Imbes na pumasok sa kwarto pumunta nalang ako sa cabinet malapit sa ref. Nakakainis sya! Pinapakilig nya ako!

Ininom ko naman yung gamot na sinabi nya sakin baka kasi makalimutan ko. Nga pala three weeks nalang magtatapos na ang third year college ko at pupuntang fourth year college. Si Kaizer naman aalis na,di ko na sya makikita. Bat ba ako nanghihinayang? Kinakabahan ako sa darating na araw na yun. Hindi ko alam kung anong rason kung bakit ako kinakabahan.

Pumunta na akong sala at umupo sa sofa. Hindi pa pala tumatawag si Jiro sakin simula nung kanina pa. I missed him so much na. Syempre bestfriend ko sya. Teka nga,sasabihin ko ba anong nangyayari sa loob ng condo nato? I mean about sa amin. Wait,naalala ko wala palang KAMI. But,yung tungkol sa ginagawa ni Kaizer sakin. Gusto ko mag share kaso lang kapag sinabi ko sa mga friends ko baka ichismis nila sa iba. Lalo na yung si Grace. Napapailing nalang ako.

Kapag naman kay Jiro baka sumama timpla ng mukha nya. Ayoko namang mag away kami dahil sa ginagawa ni Kaizer. So,kailangan ko mag tago nang sekreto sa mga friends ko lalo na sa bestfriend ko. Ayoko man na mag tago ng sekreto pero yun nalang ata yung choice ko.

"What's bothering you?"

Napalingon ako kay Kaizer na nasa tabi ko na pala. Di ko napansin.

"Wala" tinuon ko nalang ang atensyon ko sa flat screen na ngayon ay commercial ng palmolive pero lutang ako. Nasa ibang planeta yung utak ko. Ni hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan ko gawin. Madaming what if's and questions na nasa utak ko pero yung iba ginagantihan lang ni Kaizer ng ngiti.

Sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim. Sumasakit lang lalo yung ulo ko sa iniisip ko. Sabi ni Jiro wag ako mastress pero pasaway padin ako. Maya maya nakaramdam ako ng kamay sa kabilang balikat ko. Inakbayan ako ni Kaizer habang sinusuklay ang buhok ko.

"Magbibihis muna ako"

"Ok"

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto. Amoy baby pa naman ako di pa naman mabaho pero ayoko umabot sa puntong babaho ako baka mahimatay ako sa sariling baho.

Nang matapos na ako mag bihis humiga nalang ako sa bed ko. Kaizer bakit ikaw nalang palagi laman ng utak ko nung nakaraan pa? Isa din to sa mga katanungan na bumabagabag sakin. Siguro hindi lang ito yung tamang time para malaman ko kung ano ba talaga ang pakay ni Kaizer sakin. Kung bakit nag bago sya bigla.

Nag pa soundtrip nalang ako habang nakapikit. Kahit anong pilit ko di ako makatulog.

"This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
'Cause I've still got a lot of fight left in me"

Nakisabay nalang ako sa pag awit. Stress reliver ko na din tong pag awit eh. Yung tipong kahit na basag basag boses mo tsaka wala sa tono,nagpapatuloy ka padin sa pag awit sabay sayaw. Yung tipong ginagawa mong audience ang kung ano man ang nasa harap mo. Napapatawa nalang ako pagkatapos ko kumanta. Kaizer hanggang kailan ako aasa o should i mean kung may dapat ba akong asahan mula sayo?

---
TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon