Part 17

9.9K 193 1
                                    

"Go to your room Jiro matutulog na kami"

Nagulat ako sa sinabi ni Kaizer. Sya na mismo ang bumasag sa katahimikan namin. Parang bata lang din na pinapapunta ni Kaizer si Jiro sa kwarto nya.

"Dito ako matutulog" sabi ni Jiro. Papayag kaya sya?

"Hindi pwede!"

Sabi ko nga hindi sya papayag.

"Dalawa lang kayo ng bestfriend ko dito Kaizer. Kahit ngayon lang"

Parang may naaamoy akong kakaiba sa titig nila at awra.

"Umalis kana Jiro" Hinawakan ko ang mga braso nya baka kasi kung san pa mapunta yung usapan nila.

"Fine" Tumayo sya at hinalikan ako sa noo "Behave ok?"

Tumango ako at nag lakad na sya palabas ng room namin. Ako lang pala ang makakapagpaalis sa kanya.

"Dun kana matulog sa kwarto,dito ako sa sofa" pumunta sya sa direksyon ko at umupo sa sofa. Nakasandal kasi ako sa sofa, KAMING DALAWA NI JIRO KANINA.

"What?"

Nakatitig lang kasi ako sa kanya kaya nasabi nya yun.

"Wala. Ako na matutulog dito kahiya naman sayo kung ako matutulog sa kwarto mo tapos ikaw dito sa sofa"

"I insist Thea. Go to my room and take a nap"

"P-pe--"

"No buts"

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto nya. Pagpasok ko ng kwarto nya sobrang bango strawberry yung bango nya. Hindi naman to ganito kabango kanina eh. Baka pinaghandaan nya lang. Umupo ako sa kama at ibinagsak ang katawan dito.

Nagising akong tumutunog ang alarm clock at pinatay. 4:30 am. Nakakabitin naman tulog ko. Nag hikab na ako at tumayo.

Lumabas na ako nang room at pumuntang kitchen. Mag luluto ako para pag gising ni sungit may hain na. Nag mumog at nag hilamos muna ako at sinimulang mag prepare nang ingredients sa pag kakaalam ko gusto ni sungit ay mga pakbet,tinola,adobo tsaka bangus. Yan lang ata? Di ko sure sa ibang mga likes nya sa pagkain but nakapagdesisyon na akong adobo kasi lahat ng ingredients andito sa ref nya.

Sinimulan ko mag luto at nag prepare din ng dalawang plato sa mesa. Tinignan ko ang relo na nasa bandang ref malapit. 4:50 na 10 mins bago mag 5. Binilisan ko ang galaw ko para matapos na ako dito. 8 yung class ko pero kakahiya kasi kay sungit na baka maunahan pa nya ako magising tapos di pa nakaluto.

Nang matapos na akong mag prepare para sa pagkain saktong 5 am na naman at tinakpan ko muna yung adobo sa kawali. Pinuntahan ko si sungit sa sofa. Mahimbing na natutulog ang mokong. Lumuhod ako para mag pantay ang mga mukha namin.

'Kung di ka lang masungit siguro nag ka crush na ako sayo' Pabulong kong sabi. Nagulat naman ako nang umungol at gumalaw sya kaya napatayo agad ako at maingat na naglakad palayo. Pumunta akong kusina at nag tatalon talon sa kaba. Baka kasi narinig nya kaya gumalaw sya or baka din gising na sya tapos nag tutulog tulugan? Diba?

Umupo ako at sinubsob ang mukha sa mesa. Dapat kasi pumunta ako dun para gisingin sya para kumain,hindi yung ganun ang sasabihin urgh. Mauuna nalang kaya akong kumain? Ang bad ko naman ata kung ganun. Sige take two.

Tumayo ulit ako at papunta na sana kay sungit sa sofa nung may nag door bell. Si Jiro ata to. Pero ang aga naman ata nya para bumisita dito.

Nasa pinto na ako at hihilahin ko na sana ang metal na hawakan sa pinto nang may nag salita sa likod ko.

"What are you doing?"

Napaharap ako kay sungit. Nakahawak ang isa nyang kamay sa buhok nyang magulo at isang mata nya lang ang nakabukas na nakatingin sakin. Ang cute nya. First time ko syang nakita na ganyan ang porma pagkagising. Mukhang natutulog nga talaga sya kanina. Sana.

"A-ah kasi may tao ata sa labas"

"Ako na mag bubukas" Sabi nya at nag lakad papunta sakin

"Hindi ako na! Tutal mas malapit ako sayo sa pinto" Tumalikod na agad ako para buksan ang pinto.

"I brought you so--" Napatigil sa pag sasalita ang babaeng nasa harap namin ni Kaizer. Sino siya?

"Who are you?" Tanong sakin nang babae. Aba eh dapat ako nag tatanong sa kanya nyan. Sasagutin ko na sana nang may familiar na tumawag sa kanya sa labas.

"Sandra!"

Patakbong lumapit ang lalaking tumawag sa kanya na alam kong kaninong boses yun. Nang makalapit na si Jiro sa babaeng tinawag nya, bumaling naman ang tingin ni  Jiro sa amin.

"Sandra let's go" Hinawakan ni Jiro ang babae pero ayaw umalis nang babae. Nag pupumiglas ang babae at kinagat ang kamay ni Jiro kaya nabitawan ni Jiro ang babae. Shit! Tumakbo yung babae papasok sa condo ni Kaizer at yumakap sa kanya habang dala dala padin yung paper bag. Pumunta din ako kay Jiro at kinuha ang panyo na nasa bulsa ko. Shit dumudugo ang kamay nya. Bampira ba 'tong babaeng to? Grrr.

"Tell me babe" mangiyak ngiyak na sabi nang babae "Siya ba ang pinagpalit mo sakin? That BITCH?" Diniin nya talaga ang salitang BITCH kaya napahinto ako sa pagpupunas sa sugat ni Jiro. Humarap ako sa babaeng nasa loob na nang condo ni Kaizer.

Hinawakan ako sa braso ni Jiro pero inalis ko to nang buong pwersa.

"Bitch?" humarap sa akin yung babae.

"Obviously" sabi nya sabay cross arms.

"Hindi kita papatulan ngayon pero sa susunod na tawagin mokong bitch ipapamukha ko sayo kung sino ang mas bitch sating dalawa"

"Tss girl,nonsense" sabay ngisi nya pa. Ahh nonsense pala ah. Sumugod ako sa babae at hinila ang buhok nya papuntang sofa.

"Ito ba? Ha?" Napahiga sya sa sofa kaya sinakyan ko sya sinampal sampal. Inawat ako ni Kaizer pero nahihila ko yung buhok nang babae kaya masasaktan talaga sya.

"Thea please stop it!"

"Oh ano Kaizer? Kakampihan mo yang impaktang yan?" sinugod ko ulit ang babae at inuntog sa sofa ang ulo nya. Di naman masakit yun tsaka hindi nakakamatay. Nilayo ulit ako ni Kaizer sa babaeng impakta.

"Leave Sandra!" Sigaw ni Kaizer. Tumayo naman yung babae at umalis sa condo ni Kaizer. Urgh kaimbyerna talaga! Nakakasira ng araw!

"Babes" Lumapit si Jiro sakin at niyakap ako. Mabuti nalang at andito sya.

------

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon