I'm nervous thou this is the day. Ilang days din ang nakalipas nung nangyariang gulo sa condo ni sungit.
*Flashback sa school*
"Jiro may itatanong ako" alam nya na sigurong yung babae sa condo ang tinutukoy ko. Umupo ako sa isang bench at ganun din sya.
"Uunahan na kita babes. Si Sandra yung kanina. Ex ni Kaizer yun na parang hindi. Ang labo kasi nila eh. Si Kaizer sinasabi sakin na hiwalay na daw sila pero si Sandra naman sinasabi sakin na hindi pa daw. Ang gulo diba? Ilang months na din silang ganyan"
"Anong dahilan bat sila nag ka ganyan?"
"Sensitive si Kaizer babes. Kung anong gusto nya yun din ang masusunod. Ni papa nya di maka pigil sa kanya. Pasaway din kasi si Sandra minsan. Mag katulad sila ni Kaizer sa pagiging pasaway. Siguro hindi sinusunod ni Sandra yung mga bilin or what ni Kaizer kaya nag ka ganun sila" Tumango tango lang ako habang nag sasalita sya "Tsaka ayaw nya din sa mga walang respeto sa magulang. Ganun na ganun lang si Kaizer pero may mga dislikes at likes din sya kapag tungkol sa babaeng mahal nya. Magiging Fiancee sana ni Kaizer si Sandra kaso lang hindi sure si Kaizer kung yung pinapakitang ugali ni Sandra habang sila pa eh yun ba talaga. " may dinagdag pa sya "Babes mabait si Kaizer kung makikilala mo sya ng lubusan"
"Wala akong time para kilalanin sya" sabay kain ko sa isaw na di pa ginagalaw mula pa kanina
"Kung wala kang time para kilalanin sya,bat mo tinatanong about kay Sandra kanina? Na halata namang may connection ang dalawa?"
Big Ouch. Pok.
*End of flashback*
Well,maayos na naman kami. Medyo nga lang na nibago ako kay sungit. Minsanan nalang sya mang utos and minsanan nalang din syang nagagalit.
Back to nervous na nga. So ayun. Friday night and gaya ng napagkasunduan namin ni Jiro pupunta kami sa Anniv ng tumatayong magulang nya. Alam naman ng magulang nya na ako yung hinahanap ni Jiro. Ang hindi lang alam nila eh ako yung gaganap bilang girlfriend ni Jiro.
"Hey"
Napatingin ako kay Kaizer na nakatuxedo na. Well,mga Navarro yun eh so,kasama sya.
"Oh. Aalis kana?"
"Ah yeah may aasikasuhin pa ako sa event nila Tita"
Tumayo na ako at inayos yung tuxedo nya na sya namang kinabigla nya. Di ko din alam kung bat ko ginawa yun. Awtomatikong kumilos mag isa katawan ko.
Matapos kong ayusin yung tuxedo nya umalis na agad ako sa harap nya at pumasok sa kwarto. Bumibilis na naman ang pag tibok ng puso ko.
*Riiing*
Sinagot ko kaagad ang tawag ni Jiro. Susunduin daw nya ako ng 7:30 pm. 6:50 na pala. Naligo na ako at nag babad ng 15 minutes para maging fresh naman ako. Mabuti may mga petals dito. Bat may mga ganito nga pala ngayon si Jiro? Baka nilagay nya lang ngayon. Umahon na ako at nag robe at lumabas sa cr.
So,susuotin ko talaga yung black dress na kita yung Cleavage? Hays di ko lang alam anong mangyayari sa event na yun pero sure thing na hindi maganda lalo na sa dress na susuotin ko.
Alright. Sinuot ko na yung dress ng dahan dahan. Hindi ako sanay sa ganito alam nyo namang taong bukid ako pero joke lang. Urgh! Jiro bat kasi ito yun! Pumayag nalang kasi akong kunin kasi sinabihan nya akong sexy. Bat ka kasi nag padala Thea? Ayan baliw na naman ako pati sarili kinakausap.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Perfect. Yan lang yung nabigkas ko. Oo aaminin ko maganda yung dress,di lang talaga ako sanay. Nagmumukha akong mayaman dito. Mahaba yung dress hanggang paa and dahil mag he-heels ako, di tatama ang tela sa lupa.Inayos ko nalang yung buhok ko na parang waterfalls. Nag hair dressing kasi ako sa T.L.E namin nung nasa high school pa ako so,alam ko talaga kung pano mag ayos sa ibang buhok o sakin.
Nag blush on ako ng nababagay lang sa black dress and lipstick. Kung andito sana yung si Markie sya na nag aayos sakin at thankful naman ako na wala sya kasi naman magmumukha akong clown dun. Sinuot ko na yung heels at natumba ako ng tumayo ako di ko mabalanse kase.Mabuti nalang sinalo ako ng upuan thank God.
Tumayo ulit ako habang nakahawak sa upuan. Okay kailangan ko sanayin yung sarili ko ngayong gabi lang. Nag lakad ako ng paulit ulit hanggang sa medyo mabalanse ko na yung lakad. Kinuha ko na yung black wallet na binili din ni Jiro para ma fit sa dress ko.
Lumabas na ako ng kwarto at nag lakad papuntang pinto. 7:30 na din kase. Pag open ko ng pinto bumungad ang napakagwapong nilalang sa harap ko.
"Kakatok na sana ako" Sabay ngiti ni Jiro at tingin sakin ulo hanggang paa. Ayan na naman sya "Ganda mo babes" inalok nya yung braso nya para kapitan ko. Kinuha ko naman ito at sinara na yung pinto ng condo.
"Not helping Jiro I'm nervous" nag lakad na kami papuntang elevator at paglabas ng hotel. May Limousine na naghihintay samin. Huminto muna kami sa paglalakad.
"Babes I'm here don't worry,okay?" He kiss my forehead then. Tumango nalang ako at sumakay na sa kotse. Bakit ang sosyal nito? Hindi talaga ako sanay lalo nat kinalakihan ko na mahirap lang pero masaya. Ganito ba talaga kapag mayaman? Just wondering.
After a 10 mins huminto ang kotse at bumaba yung driver para pag buksan kami. Bumaba ako sa left at bumaba naman si Jiro sa right. Nang makababa na din sya lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"You ready?"
Tumitig ako sa kanya habang naka lip bite. Parang ayoko na ata? Uuwi nalang siguro ako pero para kay Jiro gagawin ko to.
"Uh huh. I'm ready to rock" Tumawa kami pagkasabi ko nun at pumasok na kami sa isang magarang hotel na red carpet ang tinatapakan. Napukaw ako ng chandelier na napaka laki na nasa gitna nito. Sumakay kami sa Elavator at umakyat hanggang 10 floor.
Pag bukas ng elevator halos di ako makahinga. Grand entrance na naman ba? Lahat ng mata samin nakatingin.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...