Paggising ko ako nalang mag isa sa kwarto. Umupo ako para kunin ang cellphone ko na nasa mesa. Kailangan ko tawagan si mama. Di ako makakabisita ngayong sabado at bukas. Ipapadala ko nalang yung pera na naipon ko baka kasi wala na silang pera dun di lang nagsasabi.
"Ma?"
"Hinihintay ka namin dito ng lola mo nak"
"Di ako makakabisita dyan ma may lagnat kasi ako"
"Uminom ka ng maraming tubig wag na wag mo pababayaan yang sarili mo dyan ha?" napangiti nalang ako sa nasabi ni mama. Kahit kailan talaga mahal na mahal nya ako.
"Opo mama mahal po kita,mahal ko kayo ni lola. Ipapadala ko nalang po yung pera dyan"
"Naku,may per--"
"Ma naman ayan ka na naman eh porke nag kasakit lang ako"
"Kakailanganin mo yang pera nak para bumili ng gamot"
"I can take care of myself ma salamat"
"Oh sige na nga basta mag tira ka ng pera sayo ah? May gagawin din kami dito. Mag iingat ka dyan uminom ng gamot at kumain sa tamang oras"
Nagpaalam na ako kay mama na ibababa ko na. Tumayo na ako at iniwan ang phone ko sa bed. Si Jiro gusto ko sya makita.
Lumabas ako ng kwarto habang may nakabalot na kumot sakin.
"Thea" Lumapit agad si Kaizer nang makita ako.
"Ok na naman ako"
"If di bumaba lagnat mo sa lunes. I'll take care of you"
"Aabsent ka din? Wag na kaya ko naman alagaan sarili ko no di na ako baby" Sabay higa ko sa sofa. Nginginig ako.
"Tss i insist. Look at yourself Thea wag na matigas ang ulo"
Bat ba sya nag kakaganyan sakin? Concern ba sya sakin? Halata naman na pero bakit?
"Sungit"
"What?" tumitig sya sakin kaya pumikit ako. Ang sama ng tingin nya. Kanina halos mapunit na yung bibig nya sa sobrang lapad ng ngiti. Ngayon naman galit.
"Wala" Ngumiti ako na nakapikit padin. Tinakpan ko ang katawan ko labas ulo. Di ako makahinga ng maayos pero gusto ko na ganito ang posisyon ko matulog.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pag dilat ko nakaupo si Kaizer sa sahig habang nakatingin sa mga kamay namin. Humigpit ang pag hawak ko sa kanya kaya napalingon sya sakin.
"Bat mo ginagawa to sungit?"
" 'Cause i care"
"Bakit?"
"Take a nap Thea" hindi nya padin binibitawan ang kamay ko. Yung init sa kamay nya at init ko mas lalong nag painit pa.
"I'm a good listener" Ginaya ko ang tono ng pananalita nya kaya napatawa naman sya. First time ko syang napatawa infairness.
"Just worried tsaka di ko alam ang gagawin ko kanina kaya tinawag ko si Jir---"
"Iniiba mo po yung usapan"
"What?"
"Sabi mo you care kuno so,bakit ka nag ca-care sakin?"
"Do i--"
"Oo kailangan mo sagutin" tumitig ako ng maigi sa mga hazel nyang mata. I loved those eyes of him.
"Hmm you're in my property so,i care..."
"And?"
"Wala na yun lang" sabay ngiti nya. Medyo nabitin ako. Nag aassume ako na baka crush nya ako. Ang sakit mag assume pero ayos lang malay mo sa susunod mahal nya na ako HAHAHAHA assume na naman Thea siraulo ka.
Hinalikan nya ang mga kamay ko at pinatulog ulit ako.
Nagising ako sa bisig ni Kaizer. Nilipat nya pala ulit ako sa kwarto. Tatayo sana ako para pumuntang cr pero niyakap nya ako ng sobrang higpit.
"Don't move" Bulong nya sakin. Nararamdaman ko yung hininga nya sa batok ko. God help me.
"Mag c-cr ako" pinipilit kong makawala sa mga yakap nya pero wala akong lakas para pwersahin yun. Mapapagod lang ako. Nakaka awkward posisyon namin. Hindi ko naman inaasahan na dadating ang araw na ganito ang pangyayari at sana di na sya mag bago,sana ganito nalang sya. Yung sweet na Kaizer,hindi masungit,ngumingiti dahil sakin.
Ano bang iniisip ko. Ni hindi ko sya pag mamay ari at may Fiancee na sya. Alam ba ng Fiancee nya ang mga ginagawa nito?
Nakatitig lang ako sa natutulog na Kaizer. Hahawakan ko sana ang mukha nya nang may pumigil sakin,isip ko. Sabi ni puso 'Sige hawakan mo' pero sabi ng isip ko 'Wag'. Ano bang susundin ko? Sabi nila unahin muna ang utak kesa sa puso.
Pero di ko ma explain yung mga nararamdaman ko kapag malapit si Kaizer. Sa tuwing hinahalikan nya ako,hinahawakan at dagdag mo pa ang niyayakap.
Gusto ko syang tanungin kung bakit ganito yung pakikitungo nya sakin. Kahit na malabong magkagusto sya sakin kasi ako lang naman yung personal yaya nya. Boss mag kakagusto sa yaya? Ha! Parang hindi ata. Naguguluhan ako sa mga kinikilos nya minsan lalong lalo na ang ginagawa nyang to sakin. Bat nya ako hinahalikan? Hinahawakan? Samantalang dati wala syang pakealam sakin.
Unti unting dumidilat ang mga mata nya. Hazel Eyes. Mas maganda pala kapag mas malapitan sa mga mata nya. Mas humigpit ang yakap nya nang mag tama ang mga mata namin.
"I know i'm handsome" Sabay smirk nya. Ang lapit na ng mukha namin.
"Tse asa ka!" Tatayo sana ako ulit ng pigilan nya. "Ano bang---" pag harap ko sa kanya nag tagpo ang mga labi namin.Nakangisi syang nakatitig sakin. Ramdam ko ang pag angat ng labi nya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
Nabalik ako sa katinuan ng gumalaw ang labi nya. OH MY GOD. Anong gagawin ko? Ano?? Mas lalong umiinit ang nasa palibot ko. Hindi padin ako nag reresponse pero mas lalo pa nya akong hinigit palapit sa kanya at ginagalingan ang pag halik.
Humawak ako sa dibdib nya para makalayo.
"Am i not a good kisser?"
Napayuko ako sa nasabi nya. Pulang pula na ako,puputok na ako sa sobrang pula ko. Hinigit nya ulit ako papalapit sakanya. Hahalikan nya sana ako nang pigilan ko sya.
"The heck Thea! What?"
"B-baka mahawa k-ka"
Ngumiti lang sya at nilapit ang mukha nya para halikan ako. Di ko na palalampasin to. Ginantihan ko sya ng halik. Nilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang batok at nilagay naman nya ang kanyang kamay sa aking beywang.Sinimulan mo,tatapusin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/109537353-288-k90229.jpg)
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...